Naabutan ni Maya si Donna na nagtitimpla gatas para sa triplets. Hapon na, humupa na ang ingay sa buong bahay—o at least, iyon ang akala ng lahat. Sa Tizon mansion, walang katahimikan kapag may triplets na maliligalig. “Asawa ko,” seryosong tawag ni Maya ng lapitan niya ang kaibigan. Napalingon naman si Donna. “Uy. Bakit parang kinakabahan ako sa tingin mo? Parang may p*natay ako ah!” Lumapit pa si Maya ng mas malapit kay Donna at sumandal sa counter, naka-cross ang braso. “Warning lang.” “Naku, kabahan na ba ako?” pabirong sagot ni Donna, pero ngumiti pa rin. “Wag mong papansinin si Jun,” diretsahang sabi ni Maya. Natigilan si Donna na tumaas ang dalawang kilay. “Ha?” “Solomon,” ulit ni Maya, this time mas mababa ang boses. “I’m serious. Wag mo siyang i-entertain. Wag mong pan

