Puno ng pagtataka si Alex habang tahimik na naka-upo sa loob ng conference room habang nakatingin sa amang nasa unahan ng mahabang lamesa kausap ang secretary nito na may ibinubulong. Hindi normal ang biglaang “urgent” na email na may pulang marka at personal na pirma ni Luther Rutherford para mag patawag ng emergency meeting sa board of directors. Kaya habang nakaupo si Alex sa loob ng executive conference room sa pinakamataas na palapag ng gusali na pag-aari niya mismo, ramdam na ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Kumpleto na ang board at tingin niya wala ng iniintay pero hindi pa nag sisimula ang meeting. Naroon na ang mga matagal nang board members. Senior executives. Mga taong bihirang-bihira mong makitang ng sabay-sabay maliban na lang kung may malaking babagsak balita. At sa

