"Panalo nanaman Maya ang luto mo?" puri ni Nana Sefa na siya talagang cook sa mansion na yun pero since nirarayuma ang paa nito, siya na ulit ang nag volunteer na mag luto. Pang-apat na beses na ito basta masama ang pakiramdam ni Nana Sefa siya na ang nag luluto para sa lahat, pinapayagan naman siya ni Madam Helena habang si Trixie ay kasama nito sa silid. "Nana Sefa, si Sir Alexandro po bakit hindi siya dito nakatira?" maingat na tanong ni Maya sa matanda. "Sobrang busy kasi nun, sa Florida kasi talaga sila nakatira. At nandun ang mga negosyo niya nauwi-uwi lang siya dito dahil lang din sa mga negosyo niya." "E bakit nandito si Madam Helena?" "Ayaw kasi talaga niya sa Florida pero ang alam ko, may mga tinatapos lang si Sir Luther sa US then sasamahan na niya dito sa Pilipinas si Mam

