"Trixie!" "Trixie!" "Trinity Alexies!" galit ng sigaw ni Maya ng hindi natugon ang anak sa tawag niya. Ang kabilin-bilinan niya dito, wag aalis sa isang lugar na di nag papaalam sa kanya. Sa laki ng mansion hindi siya kampante para sa anak na limang taon. Mahirap maghanap sa ganun kalaking bahay, kaya ang bilin niya hindi ito lalayo sa paligid niya. Ang paalam lang nito kanina sa music room lang ito at naririnig pa niya itong nag pi-piano kanina pero bigla nalang huminto kaya agad siyang nag paalam sa ginang ng may 15 minutes ng lumipas hindi sumulpot ang anak sa conservatory room kung saan ito laging natambay kasama si Madam Helena. "Ate Gara, nakita n'yo po ba si Trixie?" tanong niya sa isang katulong na papasok ng kusina. "Naku hindi e, baka umakyat sa kuwarto n'yo." wika nito na

