Tahimik lang akong naghihintay sa labas ng opisina ni Josh. Nakaupo lang ako at kanina pa walang ginagawa. Kasalukuyan kasing nasa loob si Mr. Doromal, ang medyo masungit na tiyuhin ni Josh. Hindi pa siya lumalabas hanggang ngayon.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Nagtataka na ako.
I grab my cup of coffee at aakma na sanang uminom, nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mr. Doromal. Sa gulat ay natapunan ko ng kape ang suot kong blusa, buti na lang at hindi na mainit ang kape ko! My gosh.
Agad naman akong tumayo at pinunasan ang nabasa kong damit, tapos yumuko ako ng mahinhin, sabay sabi, "I'm sorry for letting you see that, sir."
Tiningnan niya lang ako with piercing, cold eyes. Then, he walks away. As if completely ignoring me. Napakurap ako sa naging reaksyon niya. Oo, alam kong ayaw niya sa'kin para kay Josh, pero hindi naman siguro sapat na rason yun para magalit siya sa existence ko. Bakit ba kailangang may kontrabida sa pagmamahalan ng dalawang tao, Lord? Hindi naman teleserye ang buhay ko, ah.
"Nao?" Nilingon ko ang nakabukas na pintuan at naabotan ang gulat na mga mata ni Josh. He quickly comes to my aid. "What happened to your blouse?"
"Natapunan ko ng kape." Sagot ko at hinawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng balikat ko. "Okay lang, ako na. Alam mo namang ayokong napag-uusapan tayo ng staffs."
"Hayaan mo sila. Did the old man say anything to you?"
"Wala naman. Nagulat lang ako ng lumabas siya." Wala naman talaga. Except siguro sa mga matatalim niyang mga titig.
Josh suddenly grabs my hand, tapos bigla na lang niya akong hinila papasok sa kanyang opisina. "Josh, sandali. Hindi pwedeng palagi akong wala sa pwesto ko."
But instead of listening to me, he forces me to sit on a couch na nasa harap ng kanyang office table. Oh my gosh. He's doing it again. He stares down at me and shakes his head. Napasinghap ako ng hinubad niya ang black coat at pinasuot sa'kin, para siguro matakpan ang nadumihan kong damit.
"Stay there and wait for me, Nao. Tatapusin ko lang to at aalis tayo ng maaga."
"Bakit? May pupuntahan ba tayo? Wala naman kasi sa schedule mo today." Sabi ko habang sinusundan ang kanyang likod.
Umupo siya sa malatrono niyang upuan at binuklat ang isang makapal na ledger. He's scanning on it when he replies, "We'll arrange our engagement party. I want it this month."
Huh?
Di nga. Engagement party ba kamo ang sabi ni Josh?
"Y-you mean...our engagement?" Kinakabahan kong tanong. Totoo ba talaga to? That's one way of saying that...that he finally wanted to marry me!
Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ako. I blush when our eyes meet. Hindi ko alam na kinikilig na pala ako.
Engagement...engagement...like wow engagement!!!
Lord, finally!
"Our public engagement. How about it, Nao?" Sabi niya kahit hindi naman nag-iiba ang kanyang ekspresyon sa mukha. Poker face talaga siya kung minsan.
Napangiti ako. Yung tipong kinikilig ka at pinipigilan mo lang, pero sa ngiti pa rin lumalabas. Yun.
"O-okay." Nauutal ko pang sagot. Like gah, this is it pero hindi ko magawang magtatalon sa tuwa. Hindi naman ako teenager. At sa katunayan, I don't know how to react properly. Basta ang alam ko, natutuwa ako. OO. Minsan ganito ako matuwa.
______
"TALAGA ATE NAOMI? Niyaya ka na ng engagement?" Ang lakas ng boses ni Marta ng sinabi ko sa kanila ang plano namin ni Josh. It was a Sunday afternoon.
"Oo, invited kayong lahat para dun." Natutuwa kong sabi. Lahat sila ay napaawang ang nga bibig habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Lalo na si Marta.
"Eh, kailan naman daw ang kasal, ate Naomi?" Tanong ni Alexis.
"Engagement pa nga, Alexis. Ano ka ba. One step at a time lang yan."
"Kung makapagsalita ka akala mo love guru." Suway naman ni Alexis kay Marta. Hay naku. Kahit kailan talaga nagbabangayan pa rin sila.
"Later na muna ang kasal. Susunod din naman yan after ng engagement, eh. Basta ha, on October 1st, ireserve niyo na yan para sa'min ni Josh."
"Bakit naman biglaan siyang nagyaya, Naomi. Seryosohan na ba talaya yan?" Nagulat ako ng biglang sumulpot ang mukha ni Peter sa gitna ng mga bata. Pahamak naman oh, tutubuan ata ako ng mushroom sa gulat.
"Kanina ka pa nakikinig?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay pumuwesto ng upo sa harapan ko.
"Napadaan lang ako ng marinig ko ang salitang kasal." Sabi niya at inakbayan sa balikat si Alexis. Tiningnan niya ako at muling nagtanong, "So? Siya na ba talaga?"
"Kailan man hindi ako naghanap ng iba." Matigas kong sabi.
"Ah. Pero hindi pa yun ang tanong ko. The question is, will ba talaga yan ni Lord?" Sarkastiko niyang tanong.
I suddenly feel offended at his question though. Katulad din siya ni Mike eh, kontrabida sa relasyon namin ni Josh kahit hindi naman dapat.
"It's between me and the Lord. At sa tingin ko naman, the fact na niyaya ako ni Josh for a public engagement is a miracle that comes only from God. Kay tagal naming magnobyo pero ngayon lang niya ako niyaya."
"Oo nga naman, kuya Peter. Wag kang bitter." Sumimangot si Marta.
"H-hindi ako bitter, ah!" Mabilis na depensa ni Peter. Tumayo na rin siya at bago tuluyang umalis ay nagbilin pa ng mga salita. "Kung sakaling ikakasal na kayo, saang simbahan naman, Naomi? Did he ever tell you?"
Hindi kaagad ako nakapagsalita sa tanong niya. Saan nga ba?
Papayag kaya siya for a Christian wedding?
"Well, I think it's something you need to pray hard." Sabi niya bago umalis. Naiwan akong nakatunganga.
Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito...ngunit...I suddenly feel like everything seems rush.
_______
Engagement party namin ni Josh today. Supposedly dapat sa church eh, kaso marami kasing business people si Josh na ininvite. You can say that public engagement is part of his business life.
Sa katunayan, inamin din naman ni Josh sa'kin na kinukulit siya ng tiyuhin na magsettle down na. At gusto ni Mr. Doromal na pakasalan niya si Irisha at hiwalayan na lamang ako. They had an argument over it nung araw na pumunta si Mr. Doromal sa Marc Pole. But Josh insisted to be with me instead. Sinabi niya na kung magpapakasal man siya, sa akin lang at wala ng iba. Kaya naman pala matatalim ang titig ni Mr. Doromal that day sa'kin.
Oh well.
I'm wearing a white casual dress, a matching attire sa suot na white suit ni Josh. Couple day nga naman. This time, flat shoes na ang pinasuot sa'kin ni Josh. Na trauma na kasi siya nung pinasuot niya ako ng high heels dati, at hindi ko na daw dapat ulitin.
Maraming tao ngayon. Ang iilan ay kasamahan ni Josh sa Marc Pole at ilan sa mga staffs niya sa kanyang advertising company. Hindi naman pinaunlakan ng mag-asawang Doromal ang aming engagement. They're against it kasi. Even so, Josh said that our party could go on without them.
Si Pastor Edgar at ang kanyang pamilya ay nandito rin. Ang buong cell group ko naman ay kompleto ngayong araw. May mga iilan din akong kaibigan sa high school at college na ininvite ko. Sa katunayan, nahahati sa dalawa ang grupo ng attendees ngayon. Ang business group ni Josh, at ang Christian friends ko sa church. Eventually, naging smooth naman ang flow.
Wala naman talagang proper program. Kainan lang, announcement, pakilala, at kainan ulit. Kaya naman ng naging busy si Josh sa pakikipag-usap sa isang business friend, iniwan ko muna siya at pinuntahan ang grupong kilala ko.
Inentertain ko muna sina Pastor Edgar at ang kanyang asawa, si Pastora Lisa. Katabi din pala nila si Peter. Akala ko nga hindi siya pupunta, pero mabuti na lang at pinaunlakan pa rin niya ang imbetasyon ko, kahit alam kong ayaw niya kay Josh para sa'kin.
"Basta hija, ang payo ko lang ay wag ka munang pumayag magpakasal hangga't hindi niya tinatanggap si Lord sa kanyang buhay." Sabi ni Pastor Edgar.
"Ayoko talaga sa ideya, Naomi. But because I know Josh's parents, I still hold on to my hope na magiging tulad din siya dati." Komento naman ni Pastora.
"Pa, wag mo silang ikasal hangga't hindi pa faithful si Josh kay Lord." Si Peter naman ngayon ang nagsasalita.
Echusero din talaga ang Peter na yan kung minsan. Feeling close kahit hindi naman.
"Who are you to tell her that?" Galit na tanong mula sa aking likuran, at alam kong si Josh yun. Hindi ako nagkamali when I turn to look.
"J-Josh? I thought you're talking with a friend." Sabi ko. Sa expresyon ng mukha niya, alam kong hindi niya nagustuhan ang komento ni Peter. Kahit sabihin kong joke lang yun, huli na. Narinig na niya ang hindi dapat.
"Why, na offend ba kita sa sinabi ko?" Balik tanong ni Peter. Nakita ko ang paghawak ni Pastora Lisa sa kanyang kamay, na para bang binabantaan na wag magiskandalo.
"The way I hear it, it seems like you're threatening my fiancee. Don't worry though, your church is not the only church in the world who can wed us." Diin ni Josh. May asim pa rin ang kanyang mukha.
"Josh, stop it." Pigil ko sa kanyang matutulis na salita. Not now. Not in front of Pastor Edgar and Pastora Lisa!!!
Tumayo bigla si Peter. Naalarma naman si Pastora Lisa. Pati ako.
"Kahit saang simbahan man kayo ikasal, it doesn't justify you being faithless. And because of that, I'm still confident na hindi ka pakakasalan ni Naomi. So what if engaged na kayo? She can always back out." Matigas na sabi ni Peter at agad naman siyang sinunggaban ng suntok ni Josh sa mukha.
"Josh!!!" Sigaw ko, gulat na gulat sa pangyayari. Si Pastora Lisa ay napatalon din sa gulat at lahat kami ay nagsisigawan na, habang ako ay pilit na nilalayo si Josh kay Peter na hindi gumaganti ng suntok.
Nang makita ko ang duguan na ilong ni Peter, halos tumalon ang puso ko sa paninikip.
This can't be happening now!