Chapter 14

1524 Words
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday Mang Edwin!!" Sabay naming kinantahan ng birthday song si Mang Edwin. Umiiyak siya habang dinala ko ang birthday cake sa kanyang harapan. Tears of joy. At nakikisali na rin ako. He's now seventy-two years old. Kung hindi lang mahina ang kanyang mga tuhod ay di mo aakalain na mahina na siya. Maraming tao ngayon sa bahay. First time na nagpatuloy si Josh ng mga bisita. Kaya naman doble talaga ang tuwa ko ngayon. Ininvite ko ang mga kaibigan ko sa church, ang buong cell group ko, sina Jane, ate Maria, Peter, at ang bagong dating na sina Mike at Esther. Opo. Ang kaibigan kong si Mike noon ay ikinasal na kay Esther na isa rin sa mga kaibigan ko. Sa katunayan, kagagaling lang nila sa honeymoon. Pero dahil alam ni Mike na once in a lifetime opportunity lang ang mag imbita si Josh, nakisali na rin siya. Natutuwa ako kasi magiging opportunity ang okasyon na 'to para makapag fellowship kami sa kasambahay, makakapag share din ng mga testimonies kina Mang Edwin. Ako pa nga ang nag lead ng prayer kanina, eh. Kaya lang, matapos kong mag pray ay umalis din naman kaagad si Josh. Pumanhik ata sa taas. At hanggang ngayon hindi pa bumabalik. Sayang...ito pa naman ang best part. "Make a prayer po, Mang Edwin!" Naeexcite kong sabi habang nilapit pa ng kunti ang cake sa kanya. Inaalalayan siya ni Manang Lydia sa kanyang tabi. Si Manang Greta naman ay busy pa sa kusina kasama ang dalawang babae sa catering service na kinuha ni Josh. Grabe. Talagang pinabongga ni Josh ang kaarawan ni Mang Edwin ngayon. First time niya rin 'tong ginawa. Napangiti ako. Thankful ako kay Lord kasi dahan-dahan ay pinapalambot niya ang puso ni Josh sa ibang tao. Pero hindi naman ibang tao si Mang Edwin. Matagal na siyang katiwala ni Josh. Inabangan naming lahat ang sasabihin ni Mang Edwin. Nakita namin na pumikit siya ng mga mata, at nagsabing, "Lord, sana pahabain niyo pa ang buhay ko. Nais kong maabotan ang kasal ni sir Josh at miss Naomi." Pagkatapos nun ay inihipan na niya ang mga kandila. Nagkatinginan kami ni Manang Lydia. Hindi ko akalain na inaabangan pala ni Mang Edwin ang araw na ikakasal kami ni Josh. Gusto ko atang maiyak. Ganyan din kaya ang sasabihin ng aking ama kung buhay pa siya? "Salamat po, Mang Edwin." Mahina kong sabi sa kanya kasabay ng maingat na ngiti. Sinundan din ni Manang Lydia si Manang Greta sa kusina upang tumulong. Naiwan naman si Mang Edwin na kausap si ate Maria. Si ate Maria ang pinakamatanda sa mga kaibigan ko sa simbahan, kasing-edad niya ang namayapa kong ina. Sa katunayan ay kilala niya ang aking mga magulang. Kaya siguro vibes agad sila ni Mang Edwin kasi may common friends silang dalawa. "Uyyy, ate Naomi, baka magkatotoo yung prayer ni Mang Edwin. Ikakasal ka na~" Kantyaw ni Marta. Alam na nilang boyfriend ko si Josh. Inorient ko kasi sila sa relasyon naming dalawa. Pati ang paninindigan ni Josh when it comes to God. Hindi sila nasurpresa na boyfriend ko siya. Nasurpresa sila dahil iba pala ang paniniwala ni Josh. Parang si Marta nga lang ang medyo positive ang comment eh. "Kinakampihan mo siya? Gwapo at mayaman nga si Kuya Josh pero iba pa rin yung si Lord ang center ng life." Saway sa kanya ni Alexis. "Oh, bakit? Kung pababayaan lang natin eh sino pa ang magiintercede ng prayer?" Sagot ni Marta. "Bagay naman sila ni ate Naomi, eh." "Malabo yan. Sa pagkakilala ko kay Naomi hindi siya pumapatol sa isang atheist." Komento ni Peter na hindi ko naman ikinatuwa. Napakunot-noo ako. "Hindi naman talaga atheist si Josh. Ang mga atheist ay walang pinaniniwalaang Diyos. They don't believe that God exists. But Josh is different. Naniniwala naman siya noon. But things happened and he decided not to believe, kahit alam niyang meron." "See? Kunting push lang talaga yan si Mr. Pogi. Iiyak din yan kay Lord." "I can see a heart of stone in him, Naomi. Marami namang Christian men sa church, bakit siya pa." Aniya ni Peter. "Naniniwala pa rin ako na tatanggapin ni Josh si Lord. There is a timeline that God only knows." Pagdedepensa ko naman. "Yan din yung sinabi mo noong highschool pa tayo, Naomi. Hanggang ngayon wala pa ring progress. Baka ayaw talaga. Wag mong pilitin at baka ikaw lang ang mas masasaktan." Si Mike. Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Mike at Jane ang mas nakakaalam sa relasyon namin ni Josh. Kaibigan ko na kasi sila noon pa man. At ilang beses na rin nilang nakikita si Josh. Kaya naman alam na alam nila kung gaano kadominante ni Josh sa'kin. At sa tuwing may lakad kami noon ay lagi silang kumukuha ng permiso kay Josh. Nasabihan na nga ako ni Mike na martyr daw ako. Sa katunayan, isa si Mike na nagaadvise sa'kin na hiwalayan si Josh. "Bakit ba natin siya pinag-uusapan? Pwede namang hindi." Singit naman ni Jane. Napansin na kasi niyang naookward na ako sa topic, lumalabas kasi na ang sama si Josh para sa'kin. "Nasaan na pala si Mr. Pogi, ate Naomi? Kanina ko pa siya hindi napapansin." Pansin ni Marta. Hinanap ko rin si Josh sa grupo pero hindi ko rin siya mahagilap. Hindi pa siya bumabalik simula kanina. "Pupuntahan ko muna. Baka nasa kwarto lang." Nagpaalam muna ako kay Mang Edwin na tatawagin ko si Josh. At tama nga ako. Nasa kwarto lang si Josh at nagbabasa ng kung ano. Nilapitan ko siya. "Josh? Bakit nandito ka lang. Hinahanap ka ni Mang Edwin. Nagtataka din sila kung nasan ka." "I'm reading." "Pero Josh-" "I said, I'm reading." Diin niya pero hindi pa rin tumitingin sa'kin. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang libro mula sa kanyang kamay. Nagulat siya sa ginawa ko at aakma sanang magreklamo, pero agad ko siyang niyakap mula sa likuran at nagsusumamo. "Don't be like this please. Okay ka naman kanina ah." Humugot siya ng hininga. Malalim. "An atheist like me is not fit in the scenario, magugulo ko lang ang usapan nila." "N-narinig mo ang sinabi ni Peter kanina?" Nagugulat kong tanong. "It doesn't matter when it's real." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Minsan talaga hindi ko na alam kung ano ang sasabihin sa kanya para lang magbalik-loob ulit siya kay Lord. "I don't think you are." Mahina kong sabi. "Please, Nao, stop it already. I don't want to shutter your dreams." "Bumaba ka na kasi." "Ayoko." Napabuntong-hininga ako sagot niya. Kalaunan, hindi ko talaga siya nakumbinsing bumalik sa selebrasyon. Hindi na lang din ako nagpumilit dahil mahahalata rin naman na napipilitan lang siya. Gusto ko ngang magtampo. Eh kasi siya naman talaga yung nag invite sa kanila, pero in the end ayaw rin pala niyang makisalamuha. Alas nuwebe na ng gabi ng umalis ang mga bisita. Masayang-masaya naman si Mang Edwin sa selebrasyon ng kanyang kaarawan, kahit ngayon lang niya nakilala ang mga church friends ko. Hinatid ko na sila sa labasan ng gate. At dahil malalim na ang gabi, isasabay at ihahatid nina Peter at Mike ang mga bata sa kani-kanilang tahanan. Buti na lang at may dala silang sasakyan. Nakapuwesto na silang lahat at handa ng umuwi ng binalikan ako ni Mike sa labasan ng gate. Akala ko may nakalimutan siya o kaya naman si Esther, yun pala ay sesermonan ako ng deretsahan. "Oh, bakit?" Tanong ko. "Tungkol kay Josh...may gusto sana akong itanong. Niyaya ka na ba niyang magpakasal?" Sa tanong niyang yun ay bigla akong napalunok. "Hindi pa naman." Nauutal kong sabi. "Good." "Good? Insulto ba yan?" Seryoso niya akong tiningnan. "I don't actually like him for you, Naomi. He's not really healthy for you. And you are doing the same for him." "Ang harsh mo naman. Parang di mo 'ko kilala." "Kilala nga kita. At sa tingin ko, sobra ka ng nagpapaalila sa pagmamahal mo sa kanya. Give each other some space, Naomi. Hindi mo ba napapansin? As long as you stay by his side, other people don't matter to him. He's been so indulged at your care at hindi na niya nabibigyan ng pansin si Lord." Pangangaral ni Mike na bigla kong ikinatahimik. Sa tingin ko naman ay may punto din siya. Pero deep inside... Nahihirapan akong tanggapin na tama siya dahil para ko na ring sinabi na dapat kong iwan si Josh. At yan ay di ko magagawa kailanman. "Salamat sa payo mo, Mike. Pag-iisipan ko ngunit hindi ko magagawa ang nais mong iparating." Yumuko ako ng kunti at naramdaman ko na lang ang pagtapik niya sa balikat ko. "Basta Naomi, remember this, when it comes to a point that you're in doubt, ask God." Yun ang huling sabi ni Mike bago tuluyang pumasok sa driver's seat. Kumaway ako sa kanila. And when they're already gone, I feel like the Lord has impressed something to me in which I find it hard to accept. I silently mutter... Lord, you can take everything away from me and I won't complain, but please, not Josh. Not him. 'Coz I love him so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD