All these years nasanay ako na ako lang ang binibigyan ng pansin ni Josh. Na ako lang ang mahalaga sa kanya at wala ng iba. Pero deep inside ay kinatatakutan ko ang araw na iwan niya akong mag-isa, ang araw na magsawa siya sa pag-aaruga sa'kin. Lalo pa at hindi naman talaga kami magkapatid.
Tulala akong nakatingin sa kanya na ngayon ay nasa harapan ko na. I don't know what to do. I don't even know what I feel. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat, isang masamang panaginip at gusto ko ng magising.
Ayokong may kaagaw sa puso ni Josh. Ayoko kay Irisha. Sabihin mo Lord, mali po ba ang ganitong pakiramdam? At that time, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o reaksyon. I was ignorant to almost everything.
"Call me later if tapos na kayo, Nao. Ako na ang susundo sayo." He gently said while petting my hair. Napaangat ako sa mukha at nanlulumo ang aking mga mata. Gusto ko siyang pigilan. Ayokong sumama siya kay Irisha. Alam ko...alam ko na sa oras na lumabas siya ng bahay ngayon, we will not be the same anymore.
Pero kahit hangin mula sa bibig ko ay hindi ko maipalabas. His hand left my head and turned around to walk away. His hand...
...I want it back.
"Let's go?" Matulis na sabi ni Irisha. My neck was stiffed. Pero nagawa ko pa ring humarap upang lingunin sila. I saw Irisha clinging a hand to his right arm.
Nope. That can't be.
That place is mine.
"Kuya..." Malungkot kong tawag sa kanya. I expect him to turn back and extend his arm to me, I expect him to notice that I don't like him dating a girl. Not even Irisha. Yes, nilingon nga niya ako pero walang kamay ang nakalahad. His hand was busy with something else.
Napataas siya ng kilay, halatang nagtataka kung bakit ko siya tinawag. Alam kong hinahanap na ako nina Mike, pero hindi na sumagi sa isip ko ang Bible study sa pagkakataong ito. I felt bad about it, but yes I was jealous. So with all honesty, I said, "Masama ang pakiramdam ko, kuya. Masamang-masama."
Not physically. But emotionally.
Mataman niya akong tinitigan, na para bang hindi niya pinapaniwalaan ang sinabi ko. "Stay here, Irisha. Aasikasuhin ko muna to sandali, then we'll go."
Aakma sana si Irisha na pigilan si Josh sa braso, pero kaybilis na niyang nilakad ang distansya patungo sa'kin. When he's already close, he felt my forehead with his right hand. Napa-tss siya at marahan akong hinila patungo sa hagdan, nasa second floor kasi ang mga kwarto.
Nilingon ko si Irisha at nakita ko ang matatalim niyang tingin.
Nakasalubong namin si Manang Greta sa dulo ng hagdan, at agad namang pinagsabihan ni Josh na tawagin si Dr. Gamboa. Pinatuloy niya ako sa kwarto ko, siguro upang makapagpahinga.
"Saan ba kasi ang masakit? Wala ka namang lagnat." Nagtataka niyang tanong. He believes that I don't lie to him. At hindi naman talaga. Nagsisinungaling ako sa iba, but not with Josh.
Masakit naman talaga.
Ang puso ko.
"Basta masama ang pakiramdam ko." Matamlay kong sagot habang pinapahiga na niya ako sa kama niya. He checked again my forehead at napabuntong-hininga.
"Ayaw mong sumama ako kay Irisha?" Deretsahan niyang tanong. Golly. Bullseye.
"Hindi ka nga sumasama sa'kin sa Bible study, eh. Bakit mo siya sinasamahan? Saan kayo pupunta?" Tanong ko naman. Wala eh, kilala niya talaga ako. In reality, hindi lang naman yun ang dahilan. Nagseselos lang talaga ako sa Irishang yun.
Inayos niya ang unan sa pagkakalagay. "Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi ako pumupunta sa mga ganyan. Hinahayaan lang kita bilang respeto sa magulang mo."
Natahimik ako.
"Girlfriend mo na ba siya?" I asked instead. Oo, anak nga ako ng pastor pero hindi naman ganun katibay ang faith ko, lalo na at tumigil ako sa pagsisimba noon sa takot na mawala si Josh. Kaya naman any argument with Josh when it comes to faith ay lagi akong natatalo--hanggang ngayon ang hirap niyang i-convince.
"Nililigawan pa lang." Diin niya, napatiim-bagang.
"Mahal mo ba siya?"
"Bakit mo 'ko tinatanong?"
Napakurap ako at nag iwas ng tingin. "Wag mo siyang i-girlfriend, kuya. Ayoko sa kanya. Maiksi lagi ang damit niya. Nakakasulaw."
"Then, maghahanap ako ng iba."
"Kailangan ba talaga?" Nalulungkot kong tanong sa kanya. Nasaan na yung there is only you and me ni Josh?
"Then, hindi na ako maghahanap." Sabi niya at kaybilis umeksena ng mga ngiti ko sa labi, nilingon ko siya with relief. Pero nawala din bigla ang ngiti ko when he added, "If you don't like me dating someone else, then, Nao..."
"...will you be my girlfriend?"
Sa sinabi niyang yun nanlakihan ang mga bilog kong mga mata. I felt like my faint heart skipped many beats. Hindi ko namalayan na napaawang na pala ang labi ko. I couldn't utter a word.
Why is Josh saying that?
Pina-process ko pa ang sinabi niya. Will you be my girlfriend? May mali ata sa mga narinig ko.
Pumungay ang kanyang mga mata ng hindi ako makasagot. Pero hindi niya ako masisisi kung nagulat man ako sa tanong niya, parang imposible naman kasi. Is he really asking me out? O dulot lang to ng hallucination dahil sa selos?
Nang makahanap na ako ng isasagot, bigla namang bumukas ang pinto at bumungad si Manang Greta na kasama si Dr. Gamboa. "Sir, andito na po si Doc."
Sabay kaming lumingon sa pamilyar na doktor. Naghihinayang nga ako at dumating pa siya. Gusto ko kasing ikumpirma kung seryoso ba yung tanong niya. At itatanong ko sana, "aren't I your little sister?"
Ano kaya ang isasagot niya?
"Let me check on her." Sabi ni Dr. Gamboa habang papalapit sa higaan ko. Tumayo naman ng deretso si Josh.
"Please do. Wala naman siyang lagnat. Maybe it's the stress on her." Sabi ni Josh.
"I'll do." Ngumiti ang doktor at umupo na sa tabi ng kama ko.
"I'm leaving then."
"Aalis ka pa rin?" Shock kong tanong.
Tumango siya at bumaling kay Manang Greta. "Manang Greta, ikaw na muna ang bahala kay Naomi. Wag niyo siyang paalisin ng bahay today."
"Ang Bible study, kuya?"
Pero hindi na niya ako sinagot dahil mas pinili niyang lumabas ng kwarto. Napabuntong-hininga ako. For sure, hinahanap na ako ng mga kaibigan ko sa Bible study. Itetext ko na lang si Mike.
TWO DAYS later, wala namang nagbago sa pakikitungo ni Josh sa'kin. Ganun parin gaya ng dati. Hindi niya rin ako kinausap tungkol sa sinabi niya last time, kaya naman hindi na lang din ako umasa na maitanong ko sa kanya kung bakit. Baka kasi nagkamali lang ako ng rinig. Ang tanging konsuwelo ko lang ay hindi na niya pinabalik pa si Irisha sa bahay. Pero hindi ko alam kung nanliligaw pa ba siya o hindi na.
Kaya naman one afternoon, sinundo niya ako nun mula sa school, naglakas-loob akong itanong sa kanya. Magiging payapa lang ako kapag nalaman ko na ang sagot.
"Nililigawan mo pa rin ba si Irisha, kuya?"
Napalunok siya sa tanong ko. "Nope. Hindi ba sabi ko sayo na hindi na ako manliligaw sa iba?"
"Ahhh..."
"Aren' I courting you? So bakit ka nagtatanong?"
Huh? Wait. What did he say? He's courting me? Since when? And how? Hindi kasi halata at walang pasabi eh! We're just doing what we usually do.
In what way siya nanliligaw? Promise hindi ko alam.
Nilingon ko siya, diskompyado pa rin sa mga pangyayari. "N-nanliligaw ka sa'kin, kuya? Kailan?"
"Tss." Tangi niyang sabi. Hindi siya nakatingin sa'kin dahil nagkokonsentreyt siya sa pagmamaneho. "The last time Irisha went to our house."
Napakurap ako.
Will you be my girlfriend, Nao?
Yun na ba yun?
Imbes na magulat ay napatawa ako. Nakakatawa. Panliligaw na ba ang tawag niya dun? Super nakakatawa. Hindi ko akalain na seryoso pala yun. Na totoo yun. Pero ngayon na nakumpirma ko na, bakit parang nakakatawa?
"Why are you laughing? Seryoso ako sayo." He glanced at me.
"Ang obvious mo na walang experience, kuya, kasi hindi mo alam kung paano manligaw. Ni hindi ko nga alam. Saan ba sa daily routine natin napasok ang panliligaw?" Natatawa pa rin ako. Pero deep inside, kinakabahan na ako. Kinikilig.
Keleg na keleg ako. Pero parang may mali. Something's awkward.
"Don't call me kuya anymore, Nao. As I said, I'm courting you and that means I don't like you to be my little sister." Diin niya. Ewan ko ba, sa daan naman siya nakatingin pero pakiramdam ko tagos pa rin sa puso ko ang mga titig niya.
I don't like you to be my little sister.
I like him as my kuya though. Pero mas gusto ko rin na hindi.
I look up on the car's ceiling. Nasa loob kami ng tumatakbong kotse. There's no candle lights, no romantic dinner, no sweet music, and no impact. Ang pangit naman for memories kapag sinagot ko si Josh dito. Kaya lang naisip ko, hindi naman sa good place, sa food, at good impact ang sukatan ng pagmamahalan.
I basically grew up with him. We're both orphans who rely on each other. Nasanay ako na siya ang kuya ko. But to be his girlfriend? It's a new feeling. New situation. But it's not impossible either.
Because in the beginning, I have loved Josh more than anyone else. And I couldn't imagine a life without him on my side.
What would God say for our early, unusual relationship? I don't know. But it's something I would look forward along the way.
What would our parents say if they're alive? Maybe they would support us, at hindi rin siguro magrerenounce ng faith si Josh. But then again, things happened. Whether he's my boyfriend or not, nothing will change between us. There's a strong bond we already shared.
"Hindi mo na kailangang manligaw." Mahina kong sabi. Namumula din ata ang mga pisngi ko. Isa pa, hindi bagay sayo manligaw. Wala man lang kilig factor. Pfft.
Dahan-dahan siyang nagpreno at tumigil ang sasakyan sa tabi ng kalsada. We're not in the main roads, so okay lang. When the car stopped, sabay naming nilingon ang isa't isa.
Parang nagulat pa ata siya sa sinabi ko.
"Is that a yes, Nao?"
"Oh, bakit? Gusto mo no nalang?" Nakasmile kong tanong.
Kumunot ang kanyang noo.
"Of course not." Diin niya at pinaandar ulit ang sasakyan. I heard him mutter, "What would our parents say? When I'm corrupting a minor." Natatawa pa niyang sabi.
What would Jesus say? Tanong ko sa sarili ko. Hindi naman masamang tao si Josh, but he's not sharing the same faith with me anymore. What would Jesus say? When the man I have decided to be with...does not even care about Him?
I asked myself.
Until now, I'm still having the same question.