May maliit na garden sa likod ng mansion ng mga Boaz. At sa gitna ng garden na yun ay may isang lamesa at apat na upuan, lahat ay gawa sa mamahaling kahoy. Ang lamesang yun ay napapalibutan ng iba't ibang bulaklak, and they were trimmed, ordered, and colored.
Dun kami tumungo.
Sinundan ko lang naman si Josh at umupo sa harap niya sa lamesang yun. At first, wala kaming imik sa isa't isa. Nakatingin lamang siya sa mga bulaklak. At ako naman ay nakatingin sa kanya. Naghihintay na lingunin niya ako.
Awkward dahil wala namang nagsasalita. Sabi niya follow me pero hindi niya naman ako kinakausap. Ganunpaman, hindi na bago sa'kin yun. Nasanay na ako sa mga silent moments ni Josh. Minsan nga nagtataka ako kung ano ang laman ng utak niya.
"Siguro tawagin ko na lang si Manang Lydia? Tapos dito ko na lang ipaserve yung gawa mong shake. May naiwan pa naman sa blender." Panimula ko. Sa tingin ko kasi gusto niya lang lumanghap ng preskong hangin habang umiinom ng fruit shake.
Napailing siya sa ulo.
Ay, epic fail.
"Do you like him, Nao?" Biglaan niyang tanong na halos ikaluwa ng mga mata ko. When he turned to look at me, I gulped. Nakakatunaw ang kanyang mga titig. Pero higit sa lahat, out of this world ata ang tanong niya.
"Sino, si Mike?"
"Who else?" Curious niyang tanong. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha.
Napakamot ako sa ulo kahit hindi naman makati. Ano bang isasagot ko? Like ko si Mike pero as a friend lang naman. Sa mga panahong yun, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang marinig. Isa lang ang napansin ko, hindi niya nagustuhan ang ideyang may nakakagaanan ako ng loob. After all, nasanay kami na kaming dalawa lang.
"Kaibigan ko lang siya, kuya. Wala namang kabuluhan yung kantyaw ng mga kaibigan ko. Mabuting kaibigan lang talaga si Mike." Explain ko naman. Mas lalong umasim ang kanyang ekspresyon.
"No. You should date him, Nao. I'm giving you the permission." Sabi niya at bigla akong napanganga, kulang na lang ay mahulog yung baba ko! I mean, ano daw? He's telling me to date Mike???
Oh, my Lord!
Bakit naman naisipan ni Josh yun? Napakurap ako sa mga mata. Akala niya hindi ko narinig ang sinabi niya kaya naman ay inulit niya. "You can date him, Nao. Ipakilala mo lang siya sa'kin."
"P-pero bakit naman kuya? Magkaibigan lang talaga kami. Isa pa, masyado pa akong bata para makipag-date. Atsaka, iba din ang priorities ni Mike. Si Lord." Medyo nauutal kong explain. Like gosh. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako nirereto kay Mike! Ni hindi pa nga niya to lubos na kakilala.
"Why, you ask?" Tiningnan niya ako ng deretso. Pero bigla na lang pumungay ang kanyang mga mata. Maya-maya'y nilahad na naman niya ang kanyang kamay sa'kin, at nagsabing, "Come here, Nao."
Agad ko naman siyang sinunod, tumayo ako at inabot ang kanyang kamay na para bang wala ng ibang importante sa sandaling yun kundi ang maabot ito. Tapos marahan niya akong hinila at napaupo ako sa mga hita niya. Niyakap niya ako mula sa likuran at ramdam ko ang mainit niyang hininga--hindi ako makahinga! Nag-init ang mga pisngi ko at di ko mawari kung bakit, niyayakap naman ako ni Josh noon pero hindi naman ganito ang epekto sa'kin. Ngayon lang. I don't even understand why.
Lord, is this wrong?
"You need to start seeing someone else, Nao."
"B-bakit nga?" Nauutal kong sabi. Naramdaman ko na lang ang paghilig ng kanyang noo sa likod ko. And he's still holding my hand. Nope. It's actually me whose holding his hand.
"Can't you see? Every time you're accepting my hand, it's the same as you're willing to become my prisoner. I don't like it, Nao."
Napasinghap ako sa sinabi niya.
Prisoner? Hindi. Hindi ganun yun. Josh concluded it on his own. Pero hindi ko rin naman alam ang sagot. "I'm not your prisoner, kuya."
"Then, who are you to me? Who am I to you? What are we...really?" Sunod-sunod niyang tanong na kahit ako ay hindi ko rin masagot. Kung hindi niya alam, does he expect me to know when I'm only 14 years old? Ni hindi ko nga masagot kung bakit ang lakas-lakas ng t***k ng puso ko nun.
"Aren't I...your little sister?" Nauutal kong sabi. Naalala ko kasi noon ang sinabi ni Mr. Lim. He said I'm like his sister. Sa katunayan, pinayuhan niya si Josh noong 18 birthday niya na ampunin ako legally. Total, para na rin daw talaga kaming magkapatid at nasa legal age na siya. Pero hindi naman pumayag si Josh na palitan ko ang Ferrer ng Boaz.
Sa sinabi kong yun ay binitiwan ni Josh ang kamay ko, pagkatapos ay marahan niya akong pinatayo. Nagtaka ako. Kaya naman hinarap ko siya na ngayon ay nakatayo na din pala.
I look up to him.
And I regret that I did. Because I blushed at his deep, longing stares.
"As I said, date him Nao. Or someone else. So that you can stop looking at me." Sinabi niya ng patapos at tuluyan na akong tinalikuran. Naiwan akong tulala. Ang alam ko lang ay kumirot ang dibdib ko sa sinabi niyang yun. At hindi ko maintindihan kung bakit.
Nang gabing yun, kinatok ko si Josh sa kanyang kwarto. Noon, pumapanhik ako sa loob ng walang pasabi. Pero simula ng pinalipat niya ako sa kabilang dulo na kwarto, pinayuhan na rin niya akong kumatok bago pumasok.
Kumatok ako ng tatlong beses. Pero hindi niya ako sinasagot. Alam kong nandun siya sa loob, kasi nakabukas ang ilaw at nagre-reflect ito sa ilalim ng pintuan. Siguro busy siya. Sasabihin ko pa rin kahit di man ako pumasok. I was determined to tell him.
"Kuya, I'm sorry. Pero hindi ako makikipag-date kay Mike. O kahit ninuman. Yan lang sa utos mo ang hindi ko susundin kailanman, and I'm sorry. Isa pa, youth pastor ang kuya ni Mike kaya sa tingin ko ay hindi rin siya papayagan na makipag-date sa murang edad." Sabi ko at maya-maya'y pinatay na niya ang ilaw sa loob. Sa tingin ko narinig niya. At sa tingin ko rin na hindi niya nagustuhan ang pagsuway ko. Either way, I won't date Mike.
I don't even love him as much as I have loved Josh. Whether it's brotherly love, or in a romantic way, I don't know yet. All I know is that I can't imagine being held by someone else other than Josh. Because my hands...would always search for his hand.
One week after, nagtaka ako ng biglang bumisita si Irish sa bahay. Saturday kasi nun at may aatenan akong Bible study mamaya, pero nagulat na lang ako at bumisita siya. Ang sabi niya ay may lakad silang dalawa ni Josh. Nagtaka ako lalo kasi hindi naman lumalabas ng bahay si Josh tuwing Sabado. Tapos si Irisha pa talaga ang kasama!
"Hindi niya ba sinabi sayo?" Sopistikadang tanong sa'kin ni Irish. Nakaupo siya sa may sala at bihis na bihis. Ang sexy pa ng suot niya, akala mo nagbebenta ng body parts. Naghihintay kasi siya kay Josh na nagbibihis pa sa taas.
"Ang alin?"
"Josh is courting me." Proud niyang sabi sabay hawi ng kanyang buhok. "And we have a date today."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ang mga tuhod ko'y biglang nanlumo at para akong matutumba sa laki ng gulat. Buti na lang at nakayanan ko pang tumayo. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
Josh is courting Irisha?
Since when?
"Nagulat ka? Mukhang hindi mo pa alam. Tss." Sabi niya.
"Nao?" Narinig ko ang tawag ni Josh. Paglingon ko ay nakatayo na siya sa may hagdanan. Bihis na bihis rin.
"Is it true, kuya? You're dating her?" Tanong ko sabay turo kay Irisha. Nanginginig din ang boses ko pero sadya ko lang nilabanan.
"Yes." Matipid niyang sagot. "Aren't you going to your Bible study, Nao?"
He said yes.
He's dating Irisha.
And I feel like I've been robbed.
I don't like it. Lord....Why?