Chapter 11

1921 Words
Wala akong crush sa school noon. Hindi sumagi sa isip ko na may magugustuhan akong classmate, o kaibigan. Para sa'kin kasi ay hindi ko kailangan ng crushmate. Nasanay na ako sa presensya ni Josh at wala akong panahon para sa ibang bagay. I just turned 14 years old, at apat na taon na ding hindi ako nakakapagsimba. At wala din akong crush. Until one day... "Naomi, saan ka bukas? Wala ka bang gagawin?" Tanong sa'kin ng kaklase kong si Mike. Sabado kasi bukas kaya walang pasok. "Sa bahay lang. Bakit?" Sagot ko habang inaayos ang school bag ko. Uwian na kasi at maya-maya'y pupunta na si Josh para sunduin ako. Second year college na si Josh sa Ateneo De Davao University, kumuha siya ng kursong Business Management. Ako naman ay nasa second year high school na, hindi pa kasi uso ang K12 noong kapanahunan namin. Sa Ateneo din naman ako nag-aaral, pero hiwalay kasi ang building ng high school sa college department nila. Kaya naman nung mag college na si Josh, may kalayuan na ang school niya sa amin. "Kung ganun wala kang gagawin bukas! Ayos! Iinvite sana kita, eh." Napatingin ako sa kanya. "Iinvite saan?" Napakamot siya sa ulo at tila nahihiyang sumagot. Isa si Mike sa close friends ko sa school, pero bihira lang akong nakakapag bonding sa kanya. Bahay-school lang naman talaga ako. "Sa ano...sa..." "Sa?" "Sa Bible study namin!" Mabilisan niyang sagot habang nakapikit, na tila ba kayhirap bigkasin ng kanyang sinabi. Napakurap ako. Bible study? For all these years, ngayon lang ulit ako nakarinig ng ganung imbetasyon. At kaytagal na rin simula nung huli akong nagsimba. Hanggang ngayon meron naman akong pananampalataya, kaya lang dahil sa takot na mawala si Josh sa buhay ko, ay isinakripisyo ko ang pagsisimba. But now...is it a sign from God na kailangan kong bumalik sa pagseserbisyo sa Kanya? Pero inaalala ko ang magiging reaksyon ni Josh. I have faith, pero nung kabataan ko ay mas importante si Josh. Kaya naman napabuntong-hininga ako. And I replied, "Ahh. Thanks Mike, pero hindi kasi ako pwede." "Ha? Di ba sabi mo sa bahay ka lang bukas? Sige na Naomi, kahit isang beses lang." "Sorry, hindi talaga pwede. Alam mo namang strict si kuya Josh. Hindi niya ako papayagan." "Natry mo na bang humingi ng permisyo?" "Hindi pa." Pero useless din naman. Kung papayag man siya, baka ang kapalit naman ay hindi niya ako pansinin. Gaya ng dati. Wag na lang. "Itry mo lang, Naomi. Tapos pag pumayag, itext mo 'ko." Napaisip ako sa sinabi niya. Is this it, Lord? "Naomi! Yung kuya mo andito na, hinahanap ka!" Sigaw ni Jane na nakatayo sa pintuan. Napalingon kami ni Mike. Bumungad din si Josh sa pintuan. "Nao." Isinabit ko na kaagad ang shoulder bag ko sa balikat, tapos ay nagpaalam na kay Mike. "Pag-iisipan ko, Mike. But I can't promise. Bye!" At kumaripas na ako ng takbo papunta sa pintuan kung saan naghihintay si Josh. Nang makaalis kami, narinig ko pa ang sinabi ni Jane. "Ang weird talaga ng kuya ni Naomi." I look up to Josh, and said, "Ako lang ata ang nahuhumaling sa pagka-weird mo, kuya." He didn't say a word. Nang gabing yun ay hindi agad ako nakatulog. Binabagabag ako sa sinabi ni Mike kanina. Paiba-iba ako ng posisyon sa kama at ilang minuto na din akong tulala sa dingding. Hindi ko na makaya kaya bumangon na talaga ako. Tumungo ako sa study table at sinimulang magbasa ng Bible verses. May kalumaan na ang Bible ko. Yun pa kasi ang Bible na ginagamit ng Papa ko noong buhay pa siya. Pagbukas ko nito ay bumungad agad sa'kin ang Matthew 7:7 -- "Ask, and it will be given to you; seek, and you will find; knock, and it will be opened to you." Napatigil ako. My heart starts beating and I don't know why. Ask and you will receive. Seek and you will find. Eto ba ang sagot mo, Lord? Are you offended dahil mas pinili ko si Josh? And yet You're still gracious to me and giving me a second chance? Ano ba ang gusto Mong gawin ko? Those were my thoughts then. Sinara ko ang Bible and with courage, at alam kong kay Lord talaga galing, lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kwarto ni Josh. I stand in front of his room door, praying like I've never prayed before. I will ask Josh one more time. And if he agrees, it's the Lord's answer. Posible na hindi papayag si Josh, pero hindi rin imposible na papayag siya. Malalaman ko ang sagot ngayon. Kaya naman kinatok ko siya. "What is it, Nao?" Agad niyang tanong nang pinagbuksan niya ako ng pintuan. "Busy ka ba, kuya?" Tanong ko naman ng mapansin ang kalat sa kanyang study table. Si Josh na kasi ang namamahala sa stocks ng mga Boaz ngayon. When he turned 18 years old last year, umalis na si Mr. Lim sa pagiging legal guardian namin. Siya pa rin naman ang advisor ni Josh, pero hanggang dun na lang ang role niya. Ang mag advise. Nilingon niya ang kalat at nagkibit ng balikat. "Well, you can talk while I work." Sabi niya habang bumalik sa kinauupuan. Sinundan ko siya. And like always, I sat on the couch next to his table. He's flipping a page on his ledger, and said, "So? Saan ka pupunta this time?" Napakurap ako sa tanong niya. Dilat na dilat ang aking mga mata. Nasurpresa ako kasi alam pala niya na hihingi ako ng permiso. "Alam mo?" "There's nothing that I don't know about you, Nao. You won't come here at this hour kung hindi ka hihingi ng permiso." "Ahh." Oo nga naman. I've been with him since time immemorial. Kabisado na niya lahat ng likido sa utak ko. Pero ewan ko ba, kasi hindi ko naman masasabi na kabisado ko na siya completely. Napakamisteryoso ng utak ni Josh. Isa lang ang alam ko, he can't go on for a day without seeing me. "Ano kasi...ininvite ako ni Mike sa Bible study nila bukas. Maari ba akong sumama?" Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Lord, please, sana pumayag! Napatigil siya sa kanyang ginagawa. At bigla akong kinabahan. Ano na? Magagalit kaya siya? Hindi siya papayag? Oh, Lord, this is really getting on my nerves! "Nao..." Napapikit ako, sabay sigaw, "Oo nga sabi ko, hindi ka papayag! Hindi na ako pupunta, basta promise wag mo akong ipatapon sa ampunan, at wag mo akong iwasan!" Hindi ko alam kung bakit pero napatawa si Josh sa sinabi ko. When he stopped laughing, I opened my eyes. Napasinghap ako ng madatnan ang mga mapanuri niyang mga mata. Nakaluhod na pala siya ngayon sa harapan ko. I tilt my head to the right, at sinundan pa rin niya ang mga titig ko. I suddenly felt awkward. Namumula na ata ako na wala naman sa lugar. Gosh. What's happening to me. "You laughed." Nauutal kong sabi. Gusto ko sanang sabihin na masyado siyang malapit. "Why do you think that I did?" "H-hindi ko naman nababasa ang utak mo." "Pero alam ko ang takbo ng isip mo. Do you think it's fair?" Speechless lang ang drama. "Bakit mo naman naisipang hindi ako papayag? Itatapon kita sa ampunan? Don't you think that's stupid, after all the things I've done para lang maiwan ka sa poder ko?" "Kaya nga sabi ko. Kasi ano...noon...hindi mo ako pinansin ng ilang araw dahil nagsimba ako tapos hindi ko sinunod ang gusto mo. Ayokong mangyari ulit yun." Nanlulumo kong sabi. I'm still staring awkwardly at him. Lately, parang ang hirap tumingin sa kanya ng deretso. "You misunderstood it, Nao. I already told you, you can go if you want if it comes to your belief. Just like before, hindi kita pipigilan. If it's something you want to do then there's no reason for me to forbid it, as long as it doesn't compromise us." Marahan niyang sabi. Napasinghap ako. "Really? Kung ganun bakit mo 'ko iniwasan noon?" "It's because you said that you didn't like me. And I hated that." Nganga! Tumayo na siya and I regret that he did. Gusto ko nasa akin pa rin ang buong atensyon niya. Hindi ko rin alam na yun pala ang dahilan kung bakit niya ako iniwasan noon. Misunderstanding lang pala ang lahat! Kasi nga hindi ako nagtanong! Kasi ang takot ko kaagad ang umapaw. Kasi nga insecure ako na baka iwan niya ako. But all my feelings were in vain. Like gosh. Nasurpresa pa rin ako sa sinabi niya. Of course, malulungkot si Josh dahil sa nabitiwan kong salita. Pero hindi naman totoo yun. Kasi gustong-gusto ko siya...gustong-gusto as my... "Kuya, I'm sorry." Nilingon niya ako. And I see something in his eyes that I can't describe. He said, "Don't say sorry to me, coz I don't like it. Isa pa, it doesn't matter whether you dislike me or hate me. My concern for you won't change. Back then, and now. Remember this, Nao, bibitiw lamang ako kapag ikaw na mismo ang bumitiw. So please, hold on to me forever. You're my only source of survival." Naiwan akong nakanganga sa sinabi niya. Bumalik na siya sa upuan at pinagpatuloy ang kanyang trabaho. Hindi na kami umimik sa isa't isa. TATLONG Sabado na akong sumasali sa Bible study nina Mike at Jane. Ang nakakatuwa, ang church pala na inaatenan nila ay yung church namin noon, kung saan pastor ang dati kong ama. May mga elders pa ngang nakakakilala sa'kin. Yung mga kaedad ko naman noon ay wala na sa church. Natutuwa din ako kay Mike. Kasi akala ko puro biro lang ang alam niyang gawin, eh seryoso much pala kay Lord. Naging mas close pa nga kami dahil sa Bible study. Minsan nga, kinakantyawan kaming dalawa, bagay daw kasi kami. Hindi ko naman pinapansin ang ganung bagay. Hindi naman sumagi sa isip ko na crush ko siya. O anuman. Until one afternoon... "May mga bagong kaibigan ka na ba sa church?" Tanong sa'kin ni Josh habang nagbe-blend ng banana shake sa blender. Nasa kusina kasi kaming dalawa dahil naisipan niyang patikimin ako sa bago niyang recipe shake. "Of course naman, kuya! Nakakatuwa nga kasi ang dami na palang tao sa church. Mabuti na lang pala at ininvite ulit ako ni Mike." Natutuwa kong sagot habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. "I see. Did they say anything about you, about us?" "Wala naman, kuya. Except siguro sa mga kantyaw nila." "They're teasing you? Like what?" May bahid ng asar sa boses niya. Katatapos lang mablend ni Josh ang banana shake, tapos dahan-dahan na niyang nilagay sa baso. "Kinakantyaw nila na may gusto ako kay Mike. Bagay daw kasi kami." Sabi ko at bigla niyang nabitawan ang basong hawak niya sa sahig, buti na lang at nailagay na niya ang blender sa counter. Kung hindi, malamang kasabay din niya itong nabitawan. Pareho kaming nagulat sa nangyari. Pero ako ang unang namulat at agad siyang tinungo. "Kuya?! Okay ka lang?" "Wag kang lumapit, Nao!" Sigaw niya ng umakma akong lumapit. "You'll get hurt. It's okay. Ipapalinis ko na lang kay Manang Lydia." "Pero kuya..." "Manang Lydia!!!" Sigaw niya. Humihingal namang pumasok si Manang Lydia sa kusina. Napahawak nga siya sa kanyang dibdib ng makita ang nabasag na baso at banana shake sa sahig. "Clean it up." "Opo, sir Josh!" Agad na sagot ni Manang Lydia. "Nao?" "Yep, kuya?" Nauutal kong tanong. "Follow me." Lumabas siya ng kusina at kinakabahan naman akong sumunod sa kanya. Bakit nag iba ata ang templa ng mood niya? May nasabi ba akong mali?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD