"This is Mr. Adolfo Lim, Nao." Pakilala sa'kin ni Josh noon. I was hiding behind him while clutching the hem of his shirt. "He will be our acting guardian from now on."
"Hi, Naomi. Nice meeting you, little lady." Nakangiting sabi ni Mr. Lim. Nakatayo siya sa harap at nakasuot ng pormal na damit, may dala din siyang briefcase na kulay itim. Ayoko sa kanya kasi nakasuot siya ng glasses. Ayoko sa mga nagsusuot ng glasses, kasi nakakatakot ang misteryoso nilang aura.
Naglahad siya ng kamay pero hindi ko inabot, kaya naman tumawa na lang siya ng mapakla. Sa tingin ko kasing-edad niya ang ama ni Josh. Sabi ni Josh siya ang magiging guardian namin habang wala pa sa legal age si Josh. Fifteen years old pa kasi siya at kahit sa kanya nakapangalan ang lahat ng kayamanan, he needs to be eighteen years old to manage everything.
Si Mr. Lim daw ang family at company lawyer nila. At dahil wala namang relatives si Josh sa Davao, si Mr. Lim ang aako sa responsibilidad lalo na sa mga legal matters. Nag migrate na kasi ang mga kapatid ng ina ni Josh sa labas ng bansa, yung ilang kamag-anak naman ay nasa Manila. Sa pagkakaalam ko din, may mga distant relatives si Josh dito sa Davao, kaya lang hindi naman sila close.
Ang ama niyang si tito William ay isang dayuhan, isang Irish. At lahat ng kapamilya niya sa father side ay nasa London. Between us, mas maswerte pa rin si Josh dahil may kamag-anak siyang kikilalanin. Samantalang ako ay si tito Aldwin lang ang kilala ko.
"Dito ba siya titira, kuya?" Tanong ko sa kanya nang makaalis na si Mr. Lim. Pinagmasdan namin ang papaalis niyang sasakyan.
"Nope. Pero bibisita siya from time to time." Sagot niya. Hinila niya ako papasok ulit sa loob ng mansyon pero bigla na lang siyang napatigil. Hinarap niya ako at lumuhod sa harapan ko. Josh is half-foreigner kaya di hamak na mas matangkad siya kaysa sa normal na teenager. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
I stare at him.
And his eyes are deep.
"Listen, Nao, don't talk to Mr. Lim unless you're with me. Understand?" Seryoso niyang sabi.
"Eh, bakit? Di ba sabi mo guardian natin siya?"
Humugot siya ng hininga. "Just because he's our acting guardian doesn't mean we can trust him. Hintayin mo 'ko na maging 18, and I'll get rid of him."
Napataas ako ng kilay nun. "Masama ba siyang tao?"
Umiling siya sa ulo. "Everyone has their bad side, Nao. That's why I can't entrust you with them."
Tumango na lamang ako. At that time, nalulungkot akong isipin na nag-iba na si Josh. Palagi na siyang galit sa mundo at wala na siyang tiwala sa lahat ng tao. Kung tutuusin, ako lang ang pinagkakatiwalaan niya. Sabi pa niya sa'kin, "I only need one person whom I can trust. Will you be that person, Nao?"
I actually stopped going to church after nung nagtampo ako kay Josh, kasi natatakot akong baka maulit yong araw na hindi niya ako pinapansin. Nakontento na ako sa pagbabasa ng Bibliya tuwing umaga at magdasal tuwing gabi. One time tinanong ako ni Josh, "Why aren't you going to church, Nao? I told you, you can go."
"It's okay. Mas gusto kong kasama ka, kuya." Yun lang ang sabi ko sa kanya at hindi na niya ako kinulit pa. Since then, I lost contact of my church friends hanggang sa nalaman ko na lang na may pumalit ng pastor kay Pastor Ben. Si Pastor Edgar.
On my 12th birthday, sinurpresa ako ni Mr. Lim ng isang birthday bash. Naka pants nga lang ako non at loose na hello kitty shirt. Eh wala naman akong dress. Wednesday kasi at free uniform day. Sabay kaming umuwi ni Josh nun kasi pareho kami ng eskwelahan. Pagdating namin sa mansion ay sinalubong kami ng party balloons, birthday decorations, foods and a pink cake, at syempre nandun din ang iilan sa mga kaklase ko. Kaya pala absent ang ilan sa klase kanina.
"Happy 12th birthday, Naomi Ferrer!" Sigaw ni Mr. Lim pagbukas namin ng pintuan. Nakisabay na rin ang ilan sa kaklase ko. Kaylapad ng ngiti ko ng inabot sa'kin ni Mr. Lim ang isang bouquet of flowers.
Akala ko si Josh ang may pakana ng lahat. Pero hindi pala. Nagalit kasi siya instead na matuwa. "Who told you to throw a party, Mr. Lim?"
Natahimik ang lahat sa tanong niya. Nawala din agad ang matamis kong ngiti. I really thought it was Josh's idea.
"It's a surprise party, Josh." Si Irisha na ang sumagot. Anak siya ni Mr. Lim na sumali rin pala sa birthday bash. Si Irisha ay kasing edad lang ni Josh, 17 years old na din. May katangkaran siya, maputi at makinis, mahaba ang blonde na buhok, at saka ang payat-payat na para bang model sa isang magazine. Nang mga panahong yun, nirereto ni Mr. Lim ang kanyang dalaga kay Josh.
"I'm not talking to you, Irisha." Diin naman ni Josh na hindi ikinatuwa ni Mr. Lim.
"Walang kinalaman si Irisha dito, Josh. Lower your voice at her."
"So bakit nga? Why throw a party without me knowing?"
"Kuya...please." Awat ko sa mataas niyang boses.
"She's like your sister, so of course it's normal na icelebrate natin ang birthday niya. And Josh, I'm the guardian here for respect's sake!"
Napatigil si Josh ngunit matatalim na ang kanyang mga titig. "Ayokong nagdadala ng maraming tao sa loob ng aking bahay. Take note of that, Mr. Lim. I don't know them." Napalingon siya sa mga natameme kong kaklase at kaibigan. Nakita ko na napasinghap silang lahat. I feel sorry for them, pero ano bang magagawa ko kung ayaw sa kanila ni Josh?
Tumalikod na si Josh para umakyat sa taas pero nagdalawang-isip akong sundan siya. May mga kaibigan kasi ako at ang pangit naman kung mag walk out ako sa surprise party nila.
"I'm sorry for this surprise party, Naomi. But your friends here are waiting for you." Sabi ni Mr. Lim.
"Nao." Tawag ni Josh na nasa gitna na ng hagdanan. The way he calls my name is not an order. It's not a command. He's reminding me whose my real guardian is.
Nilingon ko siya na dahan-dahang itinaas ang kanyang kanang kamay, his posture as if posing for a famous magazine. That gesture again. Always offering me the option what to choose. And whom to choose. And yet he knows the answer.
Yumuko ako sa harap ni Mr. Lim at ng mga kaklase ko, sabay sabi, "I-I'm sorry everyone, may pupuntahan kasi kami ni kuya. Babawi na lang ako bukas sa school. Mr. Lim, maraming salamat po."
Then I ran towards Josh, hastily, so that I can reach up to his hand. He held mine as if it's his own. At hinila na niya ako sa dulo ng hagdanan, away from everyone's sight.
Nagpalit lang naman kami ni Josh ng damit, pareho na kaming nakaitim. Pagbaba namin ay naabutan naming pinapatanggal ni Mr. Lim ang mga dekorasyon sa sala. Wala na rin ang mga kaklase ko. At hindi ko na rin mahagilap si Irisha. Dumaan lang kami kay Mr. Lim at yumuko ako ng marahan bago tuluyang sumunod kay Josh.
Bibisita kami sa puntod ng aming mga magulang. We always do it on our birthdays. Nagkataon lang talaga na may pasok ngayong araw kaya sa gabi na lang kami bibisita. May sarili namang mausoleum sa isang private cemetery ang mga magulang namin. Pera nila Josh ang pinaggastos sa lahat.
We didn't say anything. Hindi naman naniniwala si Josh na maririnig pa nina Mama ang sasabihin namin. We only go there to pay respect and to remember them every birthday. Kaya naman hindi rin kami nagtagal dun.
When I turned thirteen years old, dalaga na ako. Gumising ako sa umaga na may mantsang dugo sa aking kama. I screamed at the sight dahil akala ko mamamatay na ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari kasi hindi ko naman alam ang tungkol sa bagay na yan, slight lang. May mga kaibigang babae ako sa school pero hindi naman namin napag-uusapan ang buwanang dalaw, isa pa, hatid sundo ako ni Josh at Mang Edwin kaya hindi ako nagtatagal ng matagal sa school.
Si Josh naman palagi ang kasama ko noon pa man. At hindi naman niya ako inorient. Lalake nga naman.
That morning, nagmamadaling pumasok si Josh sa kwarto ko. Hindi ko rin naman nilolock. He's already panting when he opened the door.
"What's wrong, Nao?" Halos abot langit ang kanyang pag-aalala ng madatnan akong nanginginig sa ibabaw ng kama. I was pointing a finger towards the red spot on my bed, only to find horror when my finger was also coated with blood.
Agad akong nilapitan ni Josh at inalo ako sa kanyang mga bisig, "Ssssh, it's alright."
"There's blood...kuya...it's blood!" Nanginginig kong sabi and when I look up to him, hindi ko rin maipinta ang kanyang mukha. Ang eksenang yun ang naabotan ni Manang Greta sa loob ng kwarto.
"Ay, susme! Dalaga na si miss Naomi?!" Naeexcite na sigaw ni Manang Greta.
"I'm sorry, Nao, you were surprised. Hindi ko namention sayo ang bagay nato. Manang Greta, please clean up the bed." Marahang utos ni Josh at kinarga niya ako sa kanyang mga bisig. Dinala niya ako sa banyo at pinuwesto sa bath tub, ako na walang kamalay-malay.
"Am I sick?" Tanong ko habang pinaagos na niya ang gripo sa tub. Natatakot pa rin ako sa dugong nakadikit sa'king daliri.
Nakasuot ako ng pantulog at magiging see-through ito kapag nabasa ng tubig, pero hindi naman ako marunong mahiya nuon sa harap ni Josh. Ngayon lang.
Ginulo ni Josh ang buhok ko, sabay sabi, "You're not. It only means na dalaga ka na, Nao."
Dun ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin. And I widened my eyes in surprise. Kaagad kong tinakpan ang aking dibdib gamit ang mga kamay ko, nakaramdam ako ng hiya ng lumapat na ang tubig sa minipis kong blusa.
"Congratulations, Nao."
Pagkatapos nun ay kaagad siyang tumalikod upang umalis. But I saw the shades of red on his face.