Chapter 9

1639 Words
When our parents died, a relative of mine showed up, si tito Aldwin. Pinsan ni Mama. I have no other known relatives other than him. Ang pastor kong ama ay isang orphan na lumaki sa isang Christian orphanage. Ang mama ko naman ay isang dayuhan mula sa Manila, isang misyunaryo na itinakwil ng kanyang magulang simula ng iwan ang pagiging Katoliko. Kaya naman wala talaga akong kakilalang kamag-anak sa Davao. Nang dumating si tito Aldwin para kunin ako, ipinaglaban talaga ni Josh na wag akong malayo. Wala siyang tiwala kay tito Aldwin. At kahit meron man, hinding-hindi niya ako ibibigay. Humantong sa point na pinapili niya ako, at pinili ko ang makasama siya. That was the first choice I made. Hindi naman nakipaglaban pa sa korte si tito Aldwin, dahil alam niyang mas maganda ang magiging buhay ko sa poder ni Josh. Even though he was only fifteen years old that time, he had riches to inherit. One month after nailibing ang aming mga magulang, nagtampo ako kay Josh. I was only ten years old. It's because he insisted that our parents lied to us. He insisted na walang langit. Walang Diyos. And I couldn't accept it. Lalo na at pinalaki akong may pananampalataya. "We can't go to church anymore." Yun ang unang pagkakataon na sinabi niya sa'kin yun. Magkatabi kaming nakahiga sa loob ng kanyang kwarto, magkaharap sa isa't isa. May mga gabi kasing binabangungot ako at nawawala lang kapag si Josh ang katabi ko. Sa tuwing nagigising ako sa bangungot, pumapanhik ako sa loob ng kwarto ni Josh. Kaya naman hindi niya nilolock ang kanyang kwarto tuwing gabi. He had always left it open for me. Just like that night. "Bakit naman kuya?" Inosenti kong tanong sa kanya. "Dahil wala na tayong rason para pumunta dun. Wala na sina Papa." Sagot niya habang hinahawi ang bangs ko sa noo. Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan noon kung bakit, pero alam kong may mali dun. "Magtatampo si Lord pag hindi tayo magsisimba, kuya." "Wala ngang Diyos di ba? Hindi siya tumulong sa sandaling kailangan siya nina Papa. Bakit hindi siya tumulong? Dahil nga hindi siya totoo." May katigasan sa kanyang boses at dahil sa sinabi niya ay bigla akong humagulhol. Napaiyak ako sa sinabi niya. "Hindi yan totoo, kuya! Totoo si Lord." Naiiyak kong sabi sa kanya. "Hindi magugustuhan nina Papa ang sinabi mo." "Nao..." Natataranta niyang sabi. I didn't cry when our parents died kasi naniniwala akong kasama na nila si Lord. I didn't cry in the funeral. But when Josh said we can't go to church because God is not real, I burst into tears. And honestly, that's the first time Josh saw me crying. Bumangon siya sa kama para punasan sana ang luha ko, pero ako mismo ang lumayo. Umiiyak akong tumayo mula sa kama at nakita ko kung gaano niya pinagsisihan ang sinabi niya. Because it's the first time na nilayuan ko siya...na tinanggihan ko ang hawak niya. I remember his frustrated face. Nilapitan niya ako at aakmang hawakan ang pisngi ko, sabay sabi, "There is only you and me, Nao. We have to survive. Yan lang ang alam ko ngayon." Ngunit hindi na niya naabot ang pisngi ko sapagkat tinakbuhan ko na siya. Nagtatampo akong umiiyak palabas sa kanyang kwarto, sabay sigaw, "Magtatampo si Lord! Magtatampo si Lord!" "Nao!" Narinig kong sigaw ni Josh noon at hinabol niya ako sa aking kwarto. Pero naisara ko na kaagad ang pintuan. "Open the door, Nao! Don't run away from me." Hindi ko siya pinakinggan noon. That's the first time na nagtampo ako kay Josh dahil sa sinabi niya. Para akong bata na pinagdamutan ng kendi. Well, bata pa man talaga ako noon. "If you won't open this door now, hindi mo ako makakausap for a week." Napatigil ako sa pag-iyak. Hinarap ko ang pintuan, nag-aalala na baka totohanin niya ang kanyang sinabi. "Open the door, Naomi." "Magsisimba ba tayo bukas pag binuksan ko ang pinto?" Nauutal kong tanong sa kanya. Matagal din bago siya nakasagot. "You can go if you want." "Gusto ko kasama ka." "I can't." "Then I don't like you anymore." Matigas kong sabi sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha. Hindi na siya nakasagot after nun. Matagal-tagal ko ring pinakiramdaman ang pananahimik niya, hanggang sa nakakabasag na ang katahimikan. "Kuya?" Pero wala ng sumagot. When I opened the door, Josh was gone. And I cried even more. Kinaumagahan, maaga akong binihisan ni Manang Greta. Hinanap ko kaagad si Josh pero ang sabi ay maaga itong umalis. Hindi naman nagpasabi kung saan. "May pupuntahan po ba tayo, Nanay?" Nanay pa talaga ang tawag ko sa kanya noon. "Magsisimba ka daw ngayon sabi ni sir Josh. Pinasasamahan ka." Sagot niya habang tinutulungan akong magsuot ng sapatos. "Talaga? Sasama din siya?" Excited kong tanong. Umiling sa ulo si Manang Greta at tumayo na. "Ang bilin niya lang ay samahan kita habang wala siya." "Ganun...po ba." Matamlay kong sagot. That Sunday was the first Sunday na bumalik ako sa simbahan after our parents' death. And Josh was not with me. Hindi naman kami nagtagal ni Manang Greta sa simbahan. Pagkatapos ng service ay umalis din kami, at sa labas ay nakita ko si Josh na kinakausap si Pastor Ben, ang pumalit kay Papa. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila, it was only years later na naintindihan ko ang senaryong yun. It was Josh saying goodbye to the church, detaching from everyone we once knew. I saw him bowing a little in front of Pastor Ben. At tinawag ko siya. "Kuya!!!" But he only looked at me. Tumakbo ako para lapitan siya. Ang saya-saya ko pa nga noon. "Kuya!" Sigaw ko ulit ng malapit na ako sa kinatatayuan niya. I expected that he would embrace me, o kaya naman ay hahaplusin niya ang buhok ko at sasabihing, "Anong natutunan mo ngayon?" But he turned around to walk away. He only gave me his cold, dying stares. And I felt like I was stoned to death. "Kuya..." Mahina kong tawag habang nakikita siyang palayo. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Manang Greta sa kamay ko. "G-galit po ba siya sa'kin dahil nagsimba ako?" "Hindi naman, miss Naomi. Hindi ka niya papayagang magsimba kung galit siya." That was the first day na hindi niya ako pinansin. Binangungot ako that night at nagising akong umiiyak. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Josh. Pero hindi ko magawang kumatok. Naalala ko ang sinabi niya kahapon. If you won't open the door, hindi mo ako makakausap for a week. Gustuhin ko mang tumabi sa kanya ay natatakot akong baka galit nga siya, at ayaw niya pa akong makausap. Bubuksan ko sana ang pinto ngunit hindi ko tinuloy. Umalis ako nang gabing yon na mabigat ang loob. Hindi ko rin siya nakausap kinabukasan. Narinig ko na lang na umandar ang sasakyan sa garehe. Kumakain pa ako nun pero iniwan ko ang hapagkainan. Kaybilis kong tinakbo ang labasan, nagbabasakaling maabutan ko pa si Josh. Ngunit hindi ko man lang nakita ang kanyang mukha. Tuluyan ng umalis ang sasakyan. At naiwan akong pigil ang mga luha. Nangungulila. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganun. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nagawa kong masama. Ang alam ko lang ay gusto kong magsimba...ngunit gusto ko rin na makasama siya. Nang gabing yun hinintay kong umuwi si Josh. Maghapon akong nakaupo sa sala habang kinukulayan ko ang mga colored books na bigay niya. I was like a kid waiting for her father and mother. Nang marinig ko ang busina ng sasakyan ay kaybilis kong inayos ang kalat sa lamesa. Maya-maya ay bumukas ang pinto at bumungad si Mang Edwin. At kasunod naman niya si Josh. Tumayo ako at nasasabik sanang pansinin siya. Ngunit gaya ng isang araw ay tiningnan niya lang ako, pagkatapos ay dumeretso na siyang umakyat sa taas. "Welcome home, kuya." Nalulungkot kong bati na alam kong ako lang ang nakakarinig. Hindi ako makatulog ng gabing yun kahit ilang beses na akong nagdasal. Nalulungkot ako. Ayokong iniiwasan ako ni Josh. Ayokong iwanan din niya ako. Okay lang kahit di niya ako kausapin, pero gustong-gusto ko siyang makita. Kaya naman naglakas-loob na akong puntahan siya sa kanyang kwarto. "Kuya..." Mahina kong sabi ngunit hindi na ako kumatok. I tried to open the knob. Bumukas ang pinto at nasurpresa ako dahil hindi niya pa rin nilolock. Naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang study table, nagbabasa ng libro at may mga papel na nagkalat. Sa tingin ko ay gumagawa siya ng school homeworks. High school na kasi si Josh nun samantalang ako naman ay nasa elementarya pa. Hindi niya ako nilingon. "Pwede bang dito ako matulog? Okay lang kahit di mo ako kausapin." Nalulungkot kong sabi sa kanya. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nun. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ramdam ko ang kanyang buntong-hininga mula sa likuran. Nagulat pa nga ako ng bigla siyang tumayo at inayos ang single couch sa tabi ng kanyang study table. Kumuha siya ng unan mula sa kama at nilagay niya sa couch, inayos niya ang pagkakaayos nun at saka ako hinarap. He extended his right arm to me, nakabukas ang kanyang palad na para bang ako lang ang hinihintay nito. It was the first time he made that gesture. And the first time that he said, "If you like me, Nao, come and grab my hand." Suminghot ako at napaiyak nang tinakbo ko ang maliit na distansyang pumapagitan sa aming dalawa. "Kuya!" Naiiyak kong sigaw when I took his hand. And I felt his warmth once again. That night, I said to myself that I'll do whatever he says just so that I could not lose his warmth. No matter what people say, no matter what happens, I need his hand. I need him to look at me. To look after me. Only him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD