"Ate Naomi!" Sabik na sabik akong niyakap ni Marta ng dumating ako sa church. Hindi kasi ako nakapagsimba kanina dahil sinamahan ko si Josh sa Cebu for his business meeeting. May branch din kasi ang Marc Pole sa Cebu at pumupunta siya dun for branch meeting. Kaninang umaga lang kami dumating at dahil kapos na sa oras, nagrest na lang muna ako. Tinext ko kanina ang mga bata na ime-meet ko sila ngayong hapon sa church.
"Namiss ka namin, ate Naomi. Hindi na tayo nakakapag-bonding, eh." Sabi naman in Alexis na sumunod kay Marta.
"Busy ka na palagi, ate Naomi." Aniya naman ni Juni. Kasabay din nila sina Aireen, Josiah, at Ruth. Sila ang mga kabataang hina-handlelan ko sa cell group. Minsan tinatawag ko silang mga bata kasi nga mas matanda ako sa kanila.
"Sorry guys, talagang nabusy ako sa bago kong trabaho, eh. Umupo muna tayo dun." Anyaya ko sa kanila. Sinundan nila ako sa may dulo ng aisle kung saan kami uupo. Buti na lang at umuwi na ang ibang tao, may iilan nga lang ang nagtatambay pa sa lobby.
Umupo naman sila sa harapan ko habang ako ay nakatayo lang. Inengganyo ko muna sila na magpray muna bago ang lahat. Si Alexis na ang nag volunteer para magdasal.
"Lord, salamat po talaga at nandito na ngayon si ate Naomi. Miss na miss po namin siya. Namiss din namin ang fellowship moments with her, at syempre, ang pagkain na libre niya. Salamat po at kahit busy siya ay binibigyan pa rin niya kami ng time. Gabayan niyo po siya palagi para magabayan din po niya kami. Buksan niyo po ang aming mga puso ngayon sa kung ano man ang sasabihin niya. In Jesus' name, amen!"
"Amen!" Sabay din naming sabi pagkatapos ng prayer. Lahat kami ay may bahid ng ngiti sa mga labi dahil sa prayer ni Alexis.
"At sinali talaga ang panlilibre ni ate Naomi, haha." Natatawang sabi ni Marta.
"Nagpaparinig ka lang ata, eh." Sabi naman ni Josiah.
"Baka yun lang ang namiss mo kay ate Naomi, Alexis." Si Juni.
"Uy, hindi ah!" Saway naman ni Alexis. Namumula na nga ang kanyang mukha sa hiya, lalo na at sumasali rin si Marta sa pagkakantyaw sa kanya.
"Oh sya, bumili ka na lang ng makakain natin, Alexis. Tiyak na ikatutuwa mo yan." Natutuwa kong sabi sabay bigay sa kanya ng pera. Kadalasan ako talaga ang nanlilibre sa kanila ng snacks. Pero minsan pinapaambag ko sila ng pera para matutunan din nila ang pagbibigayan at responsibilidad.
"Yay, sige po." Mabilis na sagot ni Alexis sabay kuha ng perang inabot ko sa kanya. Limang-daan lang naman ang binigay ko sa kanya. "Samahan mo 'ko Marta. Mabigat ang juice pag ako lang mag-isa."
"Huh? Kalalake mong tao eh nagpapatulong ka pa." Reklamo ni Marta pero tumayo rin naman at sinamahan si Alexis. Nakita ko ang tipid na ngiti ni Alexis at napailing ako sa tuwa. Namiss ko din ang mga batang to.
Alas kwatro na kami natapos sa fellowship namin ng cell group ko. Nang makauwi na silang lahat ay minabuti ko munang magpaiwan. Kakausapin ko pa kasi si Peter. Siya ang may hawak ng susi sa simbahan kaya matagal din siyang umuuwi.
Magkaiba kami ng ministry ni Peter, kaya naman bihira lang kaming nag-uusap. Kaibigan ko naman lahat ng tao sa church, nakakausap ko rin. Nag-uusap naman kami ni Peter noon kahit magkaiba kami ng ministry. Pero simula ng mawala siya ng dalawang taon, sa ibang bansa kasi siya nagtapos ng Bible school, ay hindi ko na siya nakakausap. Kung ako ay busy sa trabaho, ito namang si Peter ay busy lagi sa kanyang ministry.
"Peter, pwede ba kitang makausap?" Panimula ko ng malapitan ko siya. Nakaupo siya sa dulo ng seats at nagbabasa ng isang Christian book habang naghihintay na matapos ang ibang meeting. Kay bilis din niyang tinanggal ang headset na suot at tumayo.
"Oh, Naomi, lalapitan sana kita kanina, eh. Pero busy ka naman." Nakangiti niyang sagot. "Lagi ka na lang busy."
"Hindi na ako busy ngayon."
"Wee? Wala ka nga kanina sa sermon." Deskumpyado niyang sabi. Inengganyo niya akong umupo at pinaunlakan ko naman. "Tungkol saan ba?"
"Naghahanap kasi ako ng bagong driver. Baka may kakilala kang pwede umaplay. Magpapatulong sana ako for announcement. You know, instead na ibigay ko sa iba ay sa kapwa Christian ko na lang."
"Huh? Di ba hatid-sundo ka ng boyfriend mo?" May kapilyuhan sa ngiti niya.
"Hindi naman always."
"Oh, I see." Napatango-tango siya sa kanyang ulo. "May specific preference ka ba? Like age, gender, license and all?"
"Basta marunong magmaneho ng kotse. Di bale ng walang license, pwede namang later na lang, kami na mismo ang magbabayad. Basta willing to stay with us. Maayos naman ang sweldo. With benefits pa nga, eh."
"Talaga?"
"Oh, bakit? May mairerekomenda ka na?"
"Maghahanap pa. Ikaw naman nagmamadali." Natatawa niyang sabi. May kinuha siya sa kanyang bulsa. "Sandali, ano bang number mo?" Cellphone pala.
"Huh?"
"Para matext kita pag may mahanap na ako. Wag kang malice, noh. Hindi naman kita type." Sabi niya at napakurap naman ako.
"Ah. Well, sige. 09071544366."
"Saved!" Sabi niya. Tumayo na ako upang magpasalamat, yun lang naman ang pakay ko sa kanya. "Wait, aalis ka na?"
"Yep. Maraming salamat, Peter. God bless." Aalis na sana ako nang may maalala akong isang bagay. Hinarap ko ulit si Peter. "Siyangapala, di ba ikaw ang nagsabi kay Pastor Edgar na napapabayaan ko na ang mga bata?"
Hindi siya agad umimik. Parang nabulunan sa sariling laway. Sabi ko na nga ba. Sumbungero eh. Hindi ko naman siya masisisi.
"E-h hindi ba totoo?"
Ngumiti ako. "Totoo nga. Kaya gusto kong magpasalamat sayo."
"Magpasalamat?"
"It reminded me how busy I am. Minsan, hindi ko na kasi napapansin. Ginamit ka ni Lord to remind me. Anyway, mauna na 'ko sayo." Tinalikuran ko na siya. Actuallly, tinawag pa ako ni Peter pero tinaasan ko lang siya ng isang kamay at kumaway ng patalikod.
Naghihintay na kasi si Josh sa labas.
May kausap si Josh sa cellphone ng maabutan ko siya sa parking space. Mukhang seryoso ang usapan at pinapagalitan niya ata sa phone. Pero ng makita niya akong paparating, he immediately ended the call.
"Nao!" Tawag niya at parang may sariling buhay ang mga paa ko, agad kong tinakbo ang distansya upang mapalapit sa kanya. Pagdating ko ay kinurot niya ng mahina ang dalawa kong pisngi, malalapad ang kanyang mga palad kaya naman saktong-sakto ang mukha ko dito. "Let's cancel our schedules next week."
"Talaga? Bakit?" Tanong ko.
"Birthday ni Mang Edwin, di ba? Let's celebrate it in our house. Pero secret lang muna natin. I plan to surprise him." Binitawan niya na ang mukha ko. Tumungo siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. "Nagpatawag na rin ako ng catering service."
Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. This is the first time na gustong i-celebrate ni Josh ang birthday ng isang katiwala sa loob ng bahay. Usually kasi ay binibigyan niya lang ito ng malaking bonus at gift certificates.
Noong driver ko pa si Mang Edwin, sa mansion ng Boaz sila tumutuloy ng kanyang asawa. Gusto kasi ni Josh ng stay-in housemates, este, house laborers. May sariling pamilya na kasi ang kanilang mga anak. Pero simula ng pinayuhan siyang magpahinga ng doktor, bumalik na sa dating tirahan sina Mang Edwin at Manang Lydia.
"Talaga? As in talagang-talaga?" Excited kong tanong, halos kapyutin ko na ang kanyang kaliwang braso. Pero hindi naman siya natitinag dahil makisig siyang nilalang.
"Oo, kaya pumasok ka na." Natutuwa niyang sabi. Yay! With a smile on his lips pa yun, ha. Napakamahal ng smile ni Josh, kaya naman kinikilig talaga ako kapag ngumingiti na siya!
Abot langit ang tuwa ko ng pumasok sa loob ng kotse. Lumibot na rin si Josh para pumuwesto na sa manubela. First thing he does every time he's on the car, is to put my seatbelts on. Para akong krung-krong na kumakanta habang inaayos rin niya ang kanyang seatbelt, pero hindi naman makakarelate si Josh kasi nga Christian song ang kinakanta ko. Hindi naman ako sintonado, pero pangkaraoke level lang ang boses ko. Haha.
Pinapaandar na niya ang kotse nang muli siyang magsalita, "If you want, you can bring your church friends sa birthday ni Mang Edwin."
Napatigil ako sa pagkanta sa sinabi niyang yon.
Like...seriously? Did I hear him right?
"A-ano ulit ang sabi mo?"
Napabuntong-hininga muna si Josh. "Nao, you can invite whoever you want sa birthday ni Mang Edwin. Copy?"
Hindi naman yun ang unang sinabi ni Josh, pero ang meaning nun ay iisa pa rin. Nahihiya lang siyang ulitin. Pakiramdam ko binuhusan ako ni Lord ng pagkarami-raming blessings in one time.
"Yay! Copy that, my sweetest, loveliest, daring boyfriend ever!" Napasigaw kong sabi at dahil sa sobrang tuwa ay hinila ko si Josh at hinalikan siya sa kanang pisngi. Mabilis ko din namang tinuon ang tingin sa harap, at pinagpatuloy ko ang pagkanta.
"For all that You've done, I will thank You! For all that You're going to do, For all that You've promised, and all that You are, is all that has carried me through. Jesus I thank You!" Ngunit makalipas ang ilang segundo ay napatigil rin ako sa pagkanta, napansin ko kasing hindi pa tumatakbo ang sasakyan ni Josh.
Nilingon ko si Josh na hawak-hawak ang kanyang pisngi kung saan ko siya hinalikan. Huh? Wag mong sabihing...namumula siya? Ngumiti ako ng pagkaloka-loka. "Don't tell me you're blushing!" Tumawa ako.
Hindi naman yun ang unang pagkakataon na hinalikan ko siya sa pisngi, eh. Noong bata pa ako ay lagi ko naman siyang hinahalikan sa pisngi, sa noo, sa kamay at sa...well, whatever. Para lang kaming magkapatid noon at wala naman yung malice.
We grew up together but we don't engage into that kind of relationship. Oo, we are so clingy to each other. We touch, we hug, we cuddle, and the loop goes on. But we don't kiss. I even wonder why kung paano nai-endure ni Josh ang pagtitimpi.
Willing naman akong ibigay sa kanya ang lahat kung kasal na kami, kaso hindi pa talaga ngayon. Minsan nga naiisip ko, mabaho kaya ang hininga ko? Tapos hindi ko lang alam? Kaya hanggang ngayon hindi niya pa ako niyayaya ng kasal? Haha. Hindi naman siguro, ano.
"Nao." Mahina niyang sabi, ngayon ay ibinalik na niya ang kamay sa manibela. "Don't do that when I'm driving."
"Oh, bakit?"
"I might lost it and we'll get into accident."
E, di nganga.