Kanina pa ako hindi mapalagay. Nakaupo ako sa kama ni Peter at niyayakap ko ang aking mga paa. I close my eyes and Josh's crying face hunts me horribly. If I were to see myself, I might looked like a lost, abandoned child. The only difference is that, hindi ako ang naiwan, dahil ako ang nang-iwan.
Hinihintay kong bumalik si Pastora Lisa, lumabas kasi siya upang pagtimplahan ako ng mainit na tsokolate. While waiting, I have decided to go back. I can't stay here leaving Josh like that. I just can't.
Nang bumakas ang pinto at iniluwa si Pastora Lisa, agad akong tumayo. Nagulat pa siya when I said, "Pastora, salamat po pero kailangan ko ng umuwi."
"Uuwi ka? Pinagtimplahan kita ng tsokolate." Sabi niya habang hawak-hawak ang baso ng tsokolate.
"Salamat po. But it's my engagement night. I can't leave Josh like that, gusto ko siyang kausapin."
Bago siya makasagot ay bumukas ulit ang pinto. Si Pastor Edgar. "I understand what you feel, Naomi. Pero hayaan mo muna siya tonight. Give him space to think it over and to reflect what he did. Kung aaluin mo siya, it's the same thing as tolerating him. It can't keep going."
Natahimik ako sa sinabi ni pastor. I highly respect him. But what do I do when I am also badly in love with Josh? Times like this, I'm always left to decide who is more important: my love for God or my love for Josh?
"I'm not saying na hiwalayan mo siya, Naomi. If that's what you're afraid of."
Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ang nag-aalalang mata ni Pastor Edgar. I can see sincerity in his eyes while saying those words. At alam kong concern lang talaga sila sa aming dalawa ni Josh.
"What should I do, pastor? I love Josh so much...but I also love God. Ano ba ang dapat mas matimbang?" Tanong ko habang unti-unti na namang tumutulo ang aking mga luha. I saw Pastora Lisa putting the cup on a nearby table, saka siya bumalik upang hagkan ako.
"That's not supposed to be a question, Naomi. Alam mo na dapat ang sagot dyan." Sagot ni pastor. "You can't compromise your relationship with God just because of a fleeting love."
"Bukas ka na lang umuwi, Naomi. Tama si Edgar. Just stay here tonight. I'm sure Josh can handle. Kung hindi man, dapat niyang maintindihan kung bakit. You can't tolerate him all the time." Komento naman ni pastora.
Tumango lamang ako in between my sobs. "I'm not giving up on him."
"We know. Siguro hindi lang muna ngayon ang tamang panahon." Pag-aalo ni pastora Lisa.
Tinapik ako ni Pastor Edgar sa balikat, "You're a strong person, Naomi. The Lord knows best what's in your heart. Matulog ka ng maaga." Yun lang at tumungo siya sa pintuan, at bago siya umalis ay tinawag pa niya si Peter na kanina pa pala nakatayo sa likod ng pinto. "Peter, dun ka muna matulog sa sofa. At bukas, ihatid mo ng maaga si Naomi sa kanila."
"Y-yes, dad." Nauutal na sagot ni Peter. When I met his eyes, he looked down awkwardly.
I still have to say sorry to him though. After all, siya ang nasaktan. Physically.
KINAUMAGAHAN, hinatid talaga ako ni Peter pauwi sa amin. May puting band aid pa rin sa kanyang ilong, at medyo nangingitim ang kaliwa niyang pisngi. Ang lakas sigurong sumuntok ni Josh.
"Parang kamao ni Pacman ang suntok ng fiance mo, Naomi. Buti na lang hindi ako na-knockout agad." Biglang sabi ni Peter ng naabutan niya akong malalim na nakatitig sa kanyang pasa. I blinked my eyes in return.
"Sorry, Peter. You got hurt dahil sa'kin." Sabi ko.
Ngumiti lang siya habang pinapaandar ang sasakyan. "Wag na. Kasalanan ko naman kung bakit niya ako sinuntok. I was just mad at him last night kaya ko nasabi sa kanya yun. Pinagalitan nga ako ni Papa, eh. Whether I like it or not, ako yung sumira sa engagement party niyo. Ako dapat ang mag sorry."
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Anong bakit?"
"You said you were mad at Josh last night. Bakit? May ginawa ba siyang masama sayo? Binantaan ka niya or whatever?"
Nabigla ata siya sa tanong ko kaya nabulunan siya sa sariling laway. I find him clearing his throat saka niya sinabi, "Isuot mo na yang seatbelt, Naomi, bago mo pa malimutan."
"Ah, tama!" Matulis kong sagot. Hindi naman niya sinagot yung tanong ko, pero hindi ko na lang ininda. Nabusy na rin ako sa pagsusuot ng seatbelt.
Wear your seatbelt, Nao. How many times should I tell you?
Bigla kong naalala ang sinabi ni Josh. He would always tell me that every time we're on a car.
I sigh.
I miss Josh already.
"Well, let's go?" Anyaya ni Peter and I nod to agree.
Alas sais pa kasi sa umaga at tulog pa si pastor Edgar. Si pastora lang yung gising kanina upang magluto ng almusal. Sa kanya ko na lang pinaabot ang pasasalamat ko kay pastor. Alam din naman ni pastor Edgar na maaga akong aalis ngayon. Sa katunayan, siya pa ang nag-utos kay Peter na ihatid ako ng maaga.
"Sana tulog pa yung fiance mo para hindi niya ako maabutan. Baka mainis na naman yun sa'kin." Biglang komento ni Peter.
"Kung maabutan ka niya, wag ka na lang magsalita. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya." Sabi ko.
"Joke lang. Actually, nais ko siyang kausapin. Hihingi lang ako ng sorry sa inasal ko kagabi."
Napalingon ako sa kanya. "Talaga?"
"Oh, bakit? Hindi ba kapani-paniwala? I understood why he punched me though."
"Salamat, Peter."
"Sana lang hindi niya ulitin dahil baka masuntok ko na din siya. Hahaha!" Bigla niyang tawa at napangiti na lamang ako. "Makalimutan ko na Christian pala ako."
Pagdating namin sa bahay, ako ang unang lumabas. Tinawag ko pa kasi si Manang Greta para pagbuksan kami ng gate. Maaga din kasing gumigising si Manang Greta para diligan ang mga bulaklak.
"Miss Naomi! Susme, buti at umuwi ka na! Saan ka ba natulog kagabi? Alalang-alala kaming lahat." Bati sa'kin ni Manang Greta. I look behind me at nakita niya ang sasakyan ni Peter. Napasinghap siya.
"Sorry po, manang. Kamusta si Josh?" Tanong ko at ngumuso siya sa taas, dun mismo sa balcony ni Josh.
"Sa tingin ko hindi maganda na hinatid ka ng lalaking yan, hija. Nasa taas si sir Josh! Kagabi pa siya nandun sa balcony, hinihintay na bumalik ka!" Nag-aalalang bulong ni Manang Greta. Halos tumalon ang puso ko ng makitang nakatingin sa amin si Josh, nasa taas siya ng balcony at hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Our eyes meet. At inirapan niya muna ang sasakyan ni Peter bago tuluyang umalis. Mukhang bababa siya! At pupuntahan kami. Kinabahan ako bigla. Maybe it's not the right time na kausapin siya ni Peter!
Timing naman at lumabas si Peter ng sasakyan, at nakangiti pa siyang lumapit. "Sa labas ko na lang ipapark yung car. Gising na ba daw si Josh?"
Agad akong tumango at sinabing, "Papunta yata si Josh dito, Peter. Mabuti siguro umalis ka na lang. It's not a good idea na kausapin mo siya ngayon. Mukhang galit pa siya!" Humihingal pa ako sa haba ng sinabi ko.
"Huh? All the more so na kausapin ko siya. Hihingi ako ng tawad. Baka ikaw pa mamaya ang pagalitan niya."
"Wag na, Peter. Umalis ka na lang. Iba si Josh kung magselos." Pigil ko sa kanya at tinutulak pabalik sa kanyang sasakyan. Ngunit huli na, naabutan na kami ni Josh!
"Nao." Tawag niya sa mala-otoridad na boses. Sabay kaming lumingon ni Peter at agad naman akong lumayo sa kanya.
"U-uhm, si Peter pala ang naghatid sa'kin. Kasi...ano..." Wala na, nauutal na naman ako kay Josh! Hindi ko na rin mahagilap ang malungkot niyang mga mata kagabi. Bigla siyang lumapit at akala ko pagagalitan niya ako, ngunit nasurpresa ako ng dumeretso si Josh sa harapan ni Peter. I was ignored.
When I turned to look, I widened my eyes in surprise when Josh bowed a little in front of Peter. He bowed!!!! And he never did that to anyone before.
What happened to him last night?
Nakita ko rin ang gulat na ekspresyon ni Peter.
"Thanks for taking her back." Biglang sabi ni Josh na naging rason upang kumapit si Manang Greta sa braso ko, maging siya ay naguguluhan sa pangyayari.
"Uhhh, okay lang. Obligasyon kong iuwi si Naomi. Sorry nga pala--"
"I'm sorry for what I did last night, whatever your name is. It won't happen again, so please, don't you dare in taking her away again." Dagdag ni Josh na ngayon ay unti-unti ng tumayo ng tuwid. I can't see how he looks like. But one thing is for certain, he's warning Peter. "The next time you take her, I promise I'll do even worst than last night."
Napanganga ako sa bandang huli. I don't know kung dapat ba akong matuwa sa sinabi ni Josh or not. Isa lang ang alam ko, Peter did not like what he said.
"Let's see." Yun lang ang sagot ni Peter and I don't know anymore what will happen next.
Maybe Josh will forbid me going to church. If that happens, I don't know anymore.
If that happens, maybe we're not really meant for each other.
And I grieve at the thought.