Chapter 18

1950 Words
Nang makaalis na si Peter ay ako naman ang pinagtuonan ng pansin ni Josh. "Follow me, Nao." Sabi niya at tinalikuran ako. Kung hindi ako tinulak ni Manang Greta ay hindi ko mailalakad ang mga paa ko sa sobrang kaba. Tiyak kong mapagsasabihan ako nito. At tiyak kong magagalit siya. Eh sino naman ang hindi magagalit, iniwanan ko siya sa gabi ng aming engagement! Nilingon ko muna si Manang Greta bago tuluyang umalis. Binigyan niya lang ako ng pasimpleng ngiti. At wala na akong magagawa kundi sundan si Josh. Hindi ba gusto ko siyang makausap? Eto na yun eh. Sa kwarto niya kami tumuloy. Kinabahan ako lalo. Nakita ko na lang na inayos niya ang couch sa tabi ng kama, the punishment chair kumbaga. Oh nose. Hindi naman siguro ako maha-hot seat nito, ano? Napalunok ako nang biglang humarap si Josh, he searched my nervous eyes and I couldn't look straight. Guilty, eh. Umalis ng bahay. "Look at me, Nao." "Oo nga, sabi ko." Mabilisan kong sagot at hinarap ang matutulis niyang mga mata. Napahawak siya sa kanyang baywang, like a boss. Ngumuso siya sa couch, and I knew then na gusto niya akong umupo dun. Kaya naman sinunod ko. Nakaupo na ako sa couch na nakaharap sa kanyang kama, then I waited for his angry words. Kaya lang, it wasn't as I expected. I saw him making his way to his bed, nagulat na lamang ako ng humiga siya sa kanyang kama. He positioned himself in a way na makikita niya ako ng deretsa. He covered himself in his comforter, grabbed the remote control, and switched the aircon on. He gazed at me longer before he closed his eyes. Ako naman ay naiwang nakanganga ang labi, walang ideya sa gusto niyang mangyari. Like seriously? "Uhh...Josh? What are we doing?" Hindi ko na matiis kaya naman nagtanong na ako. "You're sitting there while I'm trying to get my sleep here." Sagot niya pero nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. "Sleeping?" Nagtataka kong tanong. Hindi niya ako pagsasabihan? O pagagalitan man lang? He opened his eyes. Nang magtampo ang aming mga mata, pakiramdam ko tumalon ang puso ko sa sobrang kaba at...hindi ko maexplain. Basta bigla na lang bumibilis ang paghinga ko. Mainit din kahit naka-on naman ang aircon. "Sa tingin mo ba nakatulog ako kagabi after you left? Did you really think I could sleep well after you said I scared you? How can you be so cruel? You didn't even call me." He finally said and I was left speechless. Hala. May pinagdadaanan nga! "I'm sorry. Hindi dapat ako umalis." "But you did, anyway." Bitter niyang sabi. "You have to compensate. Stay here while I sleep." "Hindi ka pupunta sa Marc Pole ngayon?" Naalala ko na may pasok pa pala si Josh. Wednesday pa kasi. Pareho kaming dapat pumasok, at si Josh ay yung tipong hindi umaabsent sa trabaho unless it's really necessary. "I won't. Let me sleep." "O-okay." Nahihiya kong sabi. Kasalanan ko din naman kung bakit wala siyang tulog. Hindi ko naman inaasahan na hihintayin niya ako buong magdamag. Kaya naman hindi na ako nakipagtalo. Hindi na ako umimik. He wanted to sleep. At magagawa niya lamang yun knowing that I'm already at home, specifically at his side. Napabuntong-hininga ako. I sat comfortably at tiningnan siyang natutulog. Lord, can I really dare to leave him on his own? Lalapitan ko sana siya at hahawiin yung buhok niya sa noo, kaso bigla siyang dumilat at agad akong kumaripas ng upo sa coach. Gosh naman, nakakahiya! "A-akala ko tulog ka na." "Nao, did I really scare you?" Tanong niya at may insekyuridad sa kanyang boses. May halo ding takot. Hindi naman siya usually ganyan. Ngayon lang. I breathe deeply bago humugot ng mga salita. Itataas ko sana ang mga paa ko para mayakap, kaso nakasuot ako ng palda kaya hindi ko magawa. Pinahiram kasi ako ng damit ni Pastora Lisa bago umuwi. Hindi naman siya mahilig ng pants kaya palda na lang. "Was I scary?" Ulit niya. Tumayo ako mula sa couch at tumungo sa kanyang kama. Hindi naman ako tumabi sa kanya, instead, dun na ako umupo sa tapat niya mismo. Sinandal ko ang mga braso sa kanyang kama at pinatong ang baba ko sa aking nakasandal na braso. My face was now closer to his face. We stared intimately for awhile. "When you hurt Peter, it did scare me. Lalo na ng makita kong may dugo sa kamay mo." Sagot ko. Pumungay ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. "I'm sorry. You didn't have to see that. I lost control." Sabi niya habang hinawi ang nagkalat kong bangs sa noo. Mainit ang kanyang mga daliri at napapikit ako. "Wag mo ng gawin ulit yun." Sabi ko. "Pano kung may sabihin ulit ang lalakeng yun na hindi maganda? Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kagabi." "I know. But he's just concern about me. Hindi ka kasi nila nakikitang nagsisimba." Umasim ang mukha ni Josh when I mentioned it. But I don't regret it. Kailangan ko talaga siyang makausap tungkol dito. Kasi kung hindi ngayon, kailan? "I don't like it when you say things like that." Sabi niya. "But I don't like it more if I keep silent with my faith forever. Ikakasal na tayo, Josh. I want us both to be saved." Pumikit siya at nagsabing, "Let's talk about it next time. I want to sleep, Nao. When I wake up, I want to see you so don't leave." When he said those saddening words, I couldn't say anything anymore. Siguro, hindi pa talaga ngayon ang tamang panahon. NASA Marc Pole kami ngayon ni Josh pero hindi para magtrabaho, kundi para makipagmeet sa kanyang tiyuhin at tiyahin. Ngayon kasi namin pag-uusapan ang petsa ng kasal. Hindi naman pwedeng iignore namin ang mga Doromal, dahil kahit saang anggulo, they're still part in Josh's life. Buti nga at nakumbinsi ko siyang makipagkita sa mag-asawang Doromal. "Good day, hijo." Bati sa kanya ni Mrs. Doromal when they finally arrived. When she saw me, she smiled and kissed my cheeks. "Kamusta, hija?" "Okay naman po, tita. Salamat sa tanong." Sagot ko at bumeso sa kanya. Wala naman akong problema kay Mrs. Doromal, ayaw niya sa'kin at first, pero dahil babae siya at mas nakakaintindi sa relasyon namin ni Josh, ay pumayag na rin sa huli. Si Mr. Doromal lang naman ang may ayaw sa'kin. Pero alam ko na in God's time, makukuha ko rin ang loob niya. Inirapan lang ako ni Mr. Doromal pero hindi ko na dinibdib. Sabay na kaming umupo ni Josh sa kanilang harap. "I'm glad at pinaunlakan mo ang appointment natin, tito." Panimula ni Josh. "But I just want to tell you, anyway, na si Naomi ang may gusto nito." Umasim lang ang mukha ni Mr. Doromal kaya naman pasekreto kong tinapakan ang paa ni Josh sa ilalim ng lamesa. He looked at me, irritated at what I did. Pero ngumiti lang ako sa kanya. "Well, I didn't expect na matutuloy pa ang kasal. I heard what happened during the engagement. May third party pala?" "Lucas! Ano ba." Suway ng tita ni Josh. Namula naman ako sa hiya. "There's no third party, tito. I assure you that." "So, kailan pala ang kasal? May araw na ba?" Si Mrs. Doromal na ang nagtatanong this time, making sure na wala ng masamang masabi ang kanyang asawa. "Gusto ko sana next month, but it depends on our work schedule." "Next month?" Nabigla ako sa next month ni Josh. Actually hindi pa namin napag-uusapan ang date, pero hindi ko naman inexpect na next month agad. "Mukhang nag-aalangan ata si Naomi, Josh." Komento ni Mr. Doromal na naging dahilan para tingnan ako ni Josh. "Hindi naman po sa ganun, pero sa tingin ko ang bilis naman kung next month agad." I honestly said. Mukhang hindi din natuwa si Josh sa sinabi ko. "Agree ako sa sinabi ni Naomi, hijo. Maraming preparations ang dapat ihanda sa kasal, knowing that it must be planned out well. President ka na ngayon sa Marc Pole, it must be well prepared." Suhestiyon naman ni Mrs. Doromal. "We can hire professionals to do things, tita. I believe next month is a good date." Diin ni Josh. "Pag-isipan mo muna yan ng maigi, Josh." Si Mr. Doromal. "Saang simbahan ba kayo magpapakasal?" Natigilan ako sa tanong na yun. Saan nga ba? "Hindi pa namin napag-uusapan ni Nao." "I want a Christian wedding po." Suhestiyon ko. Napatingin silang lahat sa'kin. "You mean the Catholic church, right?" Tanong ni Mrs. Doromal. Umiling ako sa ulo. "Hindi po. Born again po kasi ako. It's not final yet, but I would like to insist na yung pastor namin ang magkasal sa'min ni Josh." "Nao, stop it. Pag-uusapan pa natin yan." Pigil ni Josh. "Pwede namang ngayon na. Aren't we discussing the wedding?" I asked him. Hindi na siya umimik. But when Mr. Doromal said, "I would stop this wedding kapag hindi kayo kinasal sa Catholic church." "Wag mo ng guluhin ang mga bata, Lucas. Hayaan mo na sila." "Then what's the point of meeting us and asking our advice?" Medyo galit na ang tono ng boses ni Mr. Doromal. Nauwi ang diskusyon na yun sa mainit na bangayan between Josh and his old uncle. Roman Catholic kasi ang mga Doromal, tanging ang ina lamang ni Josh ang umalis sa pagiging Katoliko kaya naman there was a time na tinakwil din ito ng mga magulang. Pero dahil siya lang ang nag-iisang babae sa pamilya, ay pinaunlakan na lamang sa huli. Hindi naging maganda ang diskusyon namin sa mag-asawa. Tutol sila sa pagpapakasal namin kung hindi pari ang kakasal sa'min. Ayoko din namang pumayag kung ganun. Kaya naman umuwi na lamang kami ni Josh. Nasa parking lot na kami ng Marc Pole nang maalala ko ang banta ni Mr. Doromal. "I will pull out my shares sa Marc Pole kapag hindi sa simbahan ang kasal niyo, tandaan mo yan, Josh." "Are you threatening me, tito? Because if you are, rest assured that I'm not scared. Hindi ko kailangan ng shares mo para patakbuhin ang Marc Pole!" "How dare you talk to me like that, impudent child!" Napapikit ako sa last part. Muntikan pa ngang atakehin sa puso si Mr. Doromal dahil sa mainit na diskusyon. Buti na lang at may dalang gamot si Mrs. Doromal. "Get in, Nao." Utos ni Josh habang binuksan niya yung sasakyan niya, sports car. Yung red. May galit pa sa kanyang boses. Actually, nag walk out si Josh at sinundan ko lang siya. Nakokonsyensya ako. At the same time, I felt uneasy. Tama ba talaga na magpakasal kami? Bakit halos lahat ng tao ay tutol sa relasyon namin ni Josh? Eto ba ang resulta dahil sa magkaiba naming mundo at pananampalataya? Do I always have to endure the burden of having an unbeliever boyfriend? Do I...deserve this? "Josh..." "WHAT? I TOLD YOU, GET IN THE CAR ALREADY." Galit niyang sabi, halatang mainit pa ang kanyang ulo dahil sa bangayan nila ng kanyang tito. Ayoko sanang makisali sa init ng ulo niya. Kaya lang...a thought came up after what happened today. Ayaw ng tiyuhin ni Josh sa'kin. Posibleng masasakripisyo ni Josh ang Marc Pole ng dahil sa'kin, at alam ko kung gaano kahalaga kay Josh ang Marc Pole. Besides that, hindi pa rin kumbinsido sina Pastor Edgar na pakasalan ko si Josh without him surrendering his life to Jesus. Siguro nga hindi pa ngayon ang tamang panahon. Maybe it's the right thing to do. I looked up to him and said while clutching my chest: "Let's break up." I don't know where the pain was coming from, so tell me where it hurts. Coz I couldn't feel my heart anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD