"Let's break up."
Yun ang mga salitang nabitawan ko ngunit hiniling kaagad na sana ay hindi narinig ni Josh. He looked at me though at pareho kaming natigilan. It seemed like our world suddenly stopped at a certain point.
"Did you say something, Nao?" May pagdududa sa kanyang boses when he asked. I felt the lump in my heart, I couldn't breathe.
How could I say such words? Breaking up with Josh? Could I really do that? Could I really endure to let him go?
Am I greedy, Lord?
Napailing ako sa ulo. "W-wala. Let's eat somewhere." Sabi ko instead. Nagugutom na din kasi ako dahil hindi na namin nagawang kumain kanina, puro diskusyon na lamang at nauwi pa sa bangayan.
Honestly, I felt guilty for two things, one because I lied, and two because I said something that I shouldn't. How could I say that I'd break up with him?
In the end, it's me who couldn't let him go.
He let out a sigh and looked at me daringly, and for the first time after many months, his scornful eyes smiled at me. Smiling using his eyes was more reassuring than a forced lips.
"Then Nao, let's go eat." He said and extended his hand to me, and added, "After all, I only want to eat with you."
Clutching my chest, I ran to meet his hand.
Lord, if it's Your will to break up with him, let me know. Because right now, I can't do it yet.
"SO NAOMI, kailan at saan kayo ikakasal ni Josh?" Tanong sa'kin ni Jane one Sunday afternoon. Nasa McDonalds kasi kami ngayon at kumakain ng lunch. At ng dahil sa sinabi niya ay nabulunan ako sa kinakain kong chicken fillet. Kaya naman agad kong ininom ang softdrinks upang mahimasmasan.
"Sorry Naomi, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jane.
I cleared my throat and looked at her. "Jane naman, eh. Kumakain tayo, gumigisa agad."
Sumubo muna siya ng kanin bago muling nagsalita, "Oh bakit? Ngayon lang ang time na nakakausap kita this close. Alam mo ba na usap-usapan ka ng ilang kabataan sa church ngayon?"
Natigilan ako sa sinabi ni Jane. "Like what?"
"Inaabangan nila yung lovelife mo. Kung saan ka ikakasal, mga ganun, tapos may nagtataka din kung bakit unbeliver yung boyfriend mo to think na youth leader ka."
Napalunok ako at biglang nawalan ng ganang kumain. May chicken at rice pa naman pero parang hindi ko na kayang ubusin. I looked at Jane and my eyes became gloomy.
"Sa tingin mo ba Jane tama na magpakasal ako kay Josh?" Malungkot kong tanong. This time siya naman ang nabulunan sa sariling laway.
She coughed before she answered. "Alam mo dapat magpa marriage counseling na kayo, eh. Hindi ko kasi masasagot yang tanong mo. Di ba dapat magpa counsel muna before marriage? Importante yun."
"Hindi naman papayag si Josh sa mga ganyang bagay. Hindi nga niya pinapakinggan ang payo ng tiyuhin niya, ibang tao pa kaya."
"Naku Naomi, kung palaging ganyan si Josh ikaw talaga ang kawawa. Actually, I don't have a problem with Josh, I can say he is deeply concern and in love with you. High school pa tayo ganyan na siya, oh bongga kasi consistent! Kaya lang sabit siya pagdating sa faith, eh. Consistent din siya ano, kasi hanggang ngayon faithless pa rin. Oops...sorry."
"Okay lang. Totoo naman." Namumula kong sabi saka nagbuntong-hininga.
"Nagdadalawang-isip ka ano?" Biglang tanong ni Jane sabay lapit ng kanyang mukha. Napasinghap ako.
"H-hindi naman sa ganun. Pero ano..."
"Ano?"
"Natatakot ako para sa kanya. Sa tingin ko tama si Mike. Hanggat nasa tabi ako ni Josh hindi niya mapapansin ang kanyang paligid, kasi ako lagi ang inuuna niya. Hanggat magkasama kami wala siyang pakialam sa iba. At higit sa lahat, para kay Josh sapat na sa kanya ang pagmamahal ko kaya hindi niya kailangan ang pagmamahal ni Lord."
Nanlakihan ang mga gulat na mata ni Jane. "Ang bigat naman niyan, Naomi."
"Kaya nga natatakot ako para kay Josh. I'm starting to think na hindi ako healthy para sa kanya, I must give him space to think it over. Ano sa tingin mo?"
"Sa tingin ko, ikonsulta mo talaga yan kay Lord." Yun ang sagot ni Jane at napaisip ako ng malalim.
HINDI si Josh ang sumundo sa'kin today. Isang matangkad na lalaki ang driver gamit ang Montero ni Josh. Hindi ko siya kilala pero siya ang unang lumapit sa'kin, halatang inorient na.
"Hi, Miss Naomi. Ako nga pala ang bagong driver, Cyrus." Pakikilala niya habang yumuko ng katamtaman. He's about the same height as Josh, at parang dinilaan ng aso ang maitim niyang buhok pero bumagay din naman sa hugis ng kanyang mukha. I guess he's around twenty-five.
Matagal ko din siyang tinutukan. "Nasaan si Josh?"
"Masama po ang kanyang pakiramdam kaya ako ang susundo sayo ngayon." Sagot niya.
Kumirot ang puso ko sa narinig."Masama ang pakiramdam? Bakit anong nangyari?" Halos mataranta na ako nang tumungo sa sasakyan. Ramdam ko ang pagsunod niya at pinagbuksan ako ng pintuan.
"Chill lang, miss. Masakit lang ang kanyang ulo, nothing serious." Nakangisi niyang sabi at napaawang na lang ang bibig.
Thank God, headache lang. Akala ko kung ano na.
On our way home it was quite awkward. Ngayon ko lang kasi nameet si Cyrus pero feeling close na agad siya. Ang daldal na lalake ni Cyrus, mas madaldal pa kay Peter. Hindi ko alam kung saan siya napulot ni Josh, but one thing is for certain, Cyrus is one of the trusted personnel ni Josh. Well, Josh is totally picky and sensitive when it comes to driving. In other words, pumasa si Cyrus sa standard ni Josh.
I didn't know why, but Cyrus seems to know a lot about Josh and me. Nahihiya lang akong magtanong kung bakit alam niya.
"So, miss Naomi, when do you plan to leave him?" He suddenly asked and I was agape, I could see he was looking at me in the center mirror. How rude. Pero ako ang unang umiwas ng tingin.
"I don't answer personal questions, sorry." Tanging sagot ko.
"JOSH? Gising ka ba?" Tawag ko sa kanya habang nakatayo sa labas ng kanyang kwarto. Kararating ko lang sa bahay at dumeretso na agad sa kwarto ni Josh.
"Come in, Nao." Mahina niyang sabi, halatang masama nga ang pakiramdam. I opened the door and saw Josh lying on his bed.
I sat next to him.
"Masakit daw ang ulo mo? Nagpatawag ka na ba ng doktor?" Nag-aalala kong tanong while touching his forehead. Nagulat pa ako ng kinuha niya ang kamay ko at ginawang unan sa kanyang pisngi.
"Don't worry. Galing na dito si Dr. Lee." He assured.
"You overworked again kahit Linggo?"
Umiling siya.
"Then bakit masakit ang ulo mo?"
I stared down at him and I found his daring eyes. I blushed.
"I might be overthinking. Coz I got a bad dream." Sabi niya.
"Like what?"
"You left me alone. In my dream, Nao, you also got tired of me." He said while deeply searching for an answer in my eyes. Once again, my heart cried silently.
"Then, what did you do when I left?" I asked, going in with the flow. Maybe I should try asking, for once I needed to.
"I...I let you go. Because Nao, you looked happy then."
I didn't say anything after that. Instead, I laid down beside him on the bed. And I found his arms wrapping around me, as if we both knew that some things would change...and we couldn't say it in words.
That night, my eyes bleed into tears when I returned to my room. I was praying and crying out to God, asking to give me strength and courage to move forward. Whatever happens, I know God has a better plan.
KINABUKASAN sa Marc Pole, inalarma ako sa balita na kinuha na ni Mr. Doromal ang kanyang shares sa kompanya. It was chaotic and Josh' brows met every now and then. Josh planned to sell his advertising company at gamitin ang pera mula dito in replacement sa nawalang shares ni Mr. Doromal. And I was totally against it.
Marc Pole was in a shakey situation, at posible ding mawala sa kanya ang advertising company niya. Majorly, it was because of me and the wedding. Kaya naman when I couldn't endure to see him suffering anymore, I decided to end our relationship. Isa pa, we're not healthy for each other anymore. And both of us have something we value, something we need to protect.
Josh must protect Marc Pole.
I, on the other hand, choose to follow God's will.
"Let's break up."
Pigil hininga kong sabi kay Josh. Ni hindi ko siya matingnan sa mga mata. Iniiwasan ko talagang magtagpo ang aming mga mata. Ayokong makita niya ang lungkot, sakit, at pagdadalamhati ng aking kaluluwa habang binibigkas ang mga salitang yon. Mga salitang alam kong pareho kaming masasaktan. Mga salitang kailangan kong panindigan.
I'm breaking up with my fiancé. My boyfriend for ten years.
Hindi dahil sa hindi ko na siya mahal. Kundi dahil mas mahal ko si Lord. At dahil rin ayaw kong macompromise ni Josh ang Marc Pole ng dahil sa'kin.
Kung pareho lang kami ng pananampalataya hindi siguro kami aabot sa ganito. As a man of God, Josh would help me resolve the issue in God's way, but then, he wasn't.
Ilang taon ko na ring pinagsikapang mapalapit si Josh kay Lord. Ilang taon kong pinagdasal na sana magbago siya. Na sana tatanggapin rin niya ang Panginoon sa kanyang buhay. Ngunit ilang taon na rin akong nabigo. Ilang taon na akong umaasa sa wala.
Dahil hanggang ngayon...Josh doesn't believe in God.
"I won't accept that." Matigas na sabi ni Josh. "You don't even look at me while saying that. You don't mean it, Nao."
"I mean it. We can't keep this going, Josh. You know why." I tell him. Lord, ang hirap ng pinapagawa mo sa'kin.
Akala ko si Josh ang masasaktan kapag makikipaghiwalay ako sa kanya. Pero mali ako. Ako pala ngayon ang mas nasasaktan. Ako ang mas nahihirapan. Pero kaya kong magtiis. Kung alam ko namang para 'to sa ikabubuti naming dalawa. So Lord, please, heal our hearts.
May mga namumuong butil ng luha sa gilid ng aking mga mata. Sinisikap kong wag makita ni Josh. Kaya panay ang iwas ko ng mukha. Ngunit huli na ang lahat. Josh grabs my chin up. I'm now facing him really close. Nagtama na rin sa wakas ang mga malulungkot naming mga mata.
Ayoko nito.
I love Josh. But if we don't have the same faith, I'm afraid I can't keep on loving him. That's why I have to let him go. He's not the right man the Lord has prepared for me. He's not my godly man.
Ngunit bakit Lord? Bakit masakit? Bakit ang hirap tanggapin hanggang ngayon? Wala na ba talaga? Hindi na ba talaga magbabago si Josh? Bakit ako nasasaktan?
"Why, Nao?" Malungkot niyang tanong. He's still holding my chin up. "Why are you letting me go? You, of all people?"
Hindi ko na mapigilan. Umiyak na talaga ako. Ang mga luha ko'y patuloy sa pag-agos. Walang preno-preno...hanggang sa mabasa nito ang kamay ni Josh na nakahawak sa mukha ko.
Sa pag-iyak ko, ikinomperma nito kay Josh na mahal ko pa rin siya. Alam kong ramdam niya yon. Dahil hindi ako nagkulang sa pag-aaruga sa kanya mula pa man noon. Hindi ko siya binitawan...ngayon lang.
"Let's break up." Yon lang ang naisagot ko sa tanong niya. Yon lang ang kaya kong ibigkas ng paulit-ulit. Dahil ayoko ng magsalita pa ng marami. Masasaktan ko lang siya lalo.
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbitiw ni Josh sa mukha ko. There's something in his dark eyes which alarmed me. Minsan ko nang nakita ang ekspresyon na yon kay Josh. The coldness.
Tuluyan na niya akong binitawan.
"Is it because of your God?" He asks. There's no joy in his voice.
Tumango ako sa kanya.
"I see."
"I love you, Josh. But I love God more."
"You don't have to explain, Nao. If breaking up with me will make you happy, then let's do it. But please, don't convince me about the existence of your God. You know me, Nao. You know me."
"I'm sorry." Umiiyak kong sagot.
"Can I ask you one last question?" Sabi niya at tumango ako para tingnan siya. "Is God really necessary for a relationship to last? Do you really believe that, Nao? Because if you do, I really pity you. Good bye, Nao."
After that, iniwan na ako ni Josh. Pumasok siya sa sasakyan at mabilis na pinaandar ang kanyang sports car. I'm left alone. Crying.
Good bye, Nao.