Sunday ngayon at hindi pa ako umaalis ng bahay para magsimba. Ako kasi mismo ang naghanda ng almusal para kay Josh. Pinagluto ko siya ng scrambled egg with mayonaise, hotdog, at apat na pares ng toasted bread. Hindi kasi mahilig sa rice si Josh pag umaga. Nagtimpla din ako ng mainit na gatas dahil ayaw niya sa kape. Sabi ni Dr. Lee kailangan munang mag rest ni Josh for two days. He was stressed and was suffering in fatigue. Idinaan kasi ni Josh sa pagiging workaholic ang breakup namin, and whether I like it or not, isa ako sa dahilan kung bakit stress si Josh. Bitbit ko na ang tray ng pagkain patungo sa taas nang bigla kong makasalubong si Josh pababa ng hagdanan. Medyo nasurpresa ako kaya hindi agad nakapagsalita. Siya naman ay mainam lang akong tiningnan, at sinaglitan niya ng tingin a

