Panay ang pigil ko sa paghagulhol ng malakas nang umupo ako sa kama ni Josh. Hindi niya alam na nasa tabi niya ako. Kasalukuyan siyang natutulog at payapa na ang kanyang mukha. Umiiyak akong tinitingnan ang mahimbing niyang pagtulog. Sa korte ng kanyang mukha at tigas ng kanyang panga, hindi mo aakalain na may pinagdadaanan na pala siyang sakit. He's occassionally suffering dicomfort on his eyes. Napaiyak ako lalo nang maalala ko ang sinabi ni Dr. Lee. I touched the corner of his eyes, mahina at dahan-dahan. Kahit natutulog na siya, he flinched at my touch. Siguro sa panaginip niya ay nandun pa rin ako at magkasama kaming dalawa. I'm sorry, Josh. Hindi ko alam. Walang sinabi si Josh sa'kin tungkol dito, at hindi rin niya binanggit na may karamdaman na pala siyang dinadamdam. Siguro aya

