Chapter 4

1620 Words
Nakakabasag na katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan. Kung hindi lang pinaandar ni Josh ang makina malamang mabibingi na ako sa pangdededma niya. Hindi na rin ako umimik dahil baka magalit siya. Dapat nga ako ang magalit dahil sa ginawa niya kanina. Pero madaya siya. Alam niyang hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal. Biglang tumigil ang sasakyan, ni hindi pa nga kami nakakalabas sa parking space ng mall. Nilingon ko siya at nagulat pa ako ng umakma siyang lumapit, expressionless ang kanyang mukha. Akala ko kung anu na. Aayusin lang pala niya ang seatbelt ko. "Kahit ako ang nagmamaneho, magseatbelt ka pa rin." Matigas niyang sabi. Napatango na lamang ako. "Bakit kasi kailangan ko pang ulitin sayo ng ilang beses?" "Sorry na." In the end, ako pa rin ang humingi ng tawad kahit kanina ko pa hinihintay ang eksplenasyon niya. Malalim ang buntong hininga ni Josh ng magtuon siya ulit sa manobela. Pinaandar niya ulit ang sasakyan at binaboy na naman ako ng katahimikan. Ni wala akong ideya kung saan ang tungo naming dalawa. "We're going to meet my relatives. It's the first time you will see them." Aniya habang nagmamaneho. I look at him with my eyes almost bulging out from the sockets. "Relatives?" "Mom's side. They migrated in America. Kararating lang din nila." "That's why wala ka for 3 days? Sinundo mo sila sa Manila?" Tanong ko. Tumango siya at seryosong nakapokus sa pagmamaneho. I haven't met his relatives on his mom's side, bata pa kasi ako non at sa pagkakaalam ko, Josh's mom was not in good terms with them. Josh never mentioned them to me kaya nagtataka ako ngayon kung bakit pupuntahan namin sila. Ngayon ko lang din naintindihan kung bakit niya ako pinagbihis ng maganda. "Don't even think na ikinahihiya kita. I just want you to look good in front of them." Sabi niya na para bang nababasa niya ang laman ng isip ko. Sa Marc Pole Hotel pala ang punta namin ni Josh. Dito siguro niya pinatulog ang balik-bayan niyang relatives. Pagpasok palang namin sa lobby binabati na siya ng mga hotel staffs. Stockholder kasi siya at isa rin sa board members. Bihira lang akong pumunta dito at hindi rin ako nakikialam sa mga negosyo ni Josh. I grew up with him na kontento na sa mga binibigay niya. As long as kasama ko siya I wouldn't ask for more. Sa isang engrandeng restaurant kami tumungo. Nasa sixth floor ito at may katabi ring pool. Pagpasok pa lang namin sa restaurant sumalubong na ang mahinahong tugtog ng piano sa unahan. May pianist din pala sa restaurant na to. Five star hotel ang Marc Pole kaya halos lahat andito na. Masyado ngang sosyal para sa'kin. Hindi naman ako ang mayaman. Si Josh lang. At ang kanyang pamilya. Hinawakan ni Josh ang nanginginig kong kamay at hinila ako papunta sa isang table kung saan may nakaupong dalawang matanda. Paika-ika na ako sa paglalakad dahil sa suot kong heels. Masakit na rin yata ang paa ko pero hindi ko lang pinapahalata. Josh wants me to wear these sandals, and so I don't want to disappoint him. "Hi uncle," unang bati ni Josh sa isang sopistikadong matandang lalaki. Makapal ang buhok nito at may parte ng mapuputi, signs of aging. Matangos ang kanyang ilong at kitang-kita ang dimples sa magkabilang pisngi. Kahit nakaupo ito masasabi ko na isa siyang matangkad na lalake. Kamukha niya si Mrs. Boaz, ang ina ni Josh, at sa tingin ko siya ang kapatid ng mama niya. Tumango lang ang matandang lalaki, and I don't know his name yet. "Hello po," mahina kong sabi ng mapansin niya ang presensya ko sa gilid ni Josh. Sa tingin ko hindi niya narinig. "You're blooming, tita." Binitawan ni Josh ang kamay ko para halikan sa pisngi ang tinawag niyang tita. May pagka-blonde ang buhok ng tita ni Josh. Maiksi ito at medyo kulot sa dulo. May katandaan na rin ngunit umiimabaw ang kanyang magandang mukha. I think she's a jolly old lady. "Thank you, hijo." Aniya at niyakap si Josh. Pagkatapos non ay hinapit ni Josh ang kamay ko at hinagkan ako sa beywang sabay sabi, "This is Naomi. Naomi, this is uncle Lucas and aunt Mary Doromal." Naiilang man at walang alam sa mangyayari ay nagawa ko pa ring ngumiti. Sana lang hindi nila mahalata ang stiff-necked ko. Oh Lord Jesus, sana gabayan mo ako ngayong gabi. I'm used to handling youths, and facing people, but not with these kind of people. "Oh, that little girl na inadopt mo?" Curious na tanong ng tita ni Josh. Honestly, I don't know what to say. Kung sana kasi sinabi ni Josh na mangyayari to ay napaghandaan ko kung paano sila patutunguhan. Hay. Minsan kasi ang surprises ni Josh ay wala sa lugar. "That little girl is my girlfriend now." Nakangiting sagot ni Josh habang humila ng upuan at pinaupo ako. Tumabi din siya sa'kin. Bihira lang ngumingiti si Josh sa ibang tao, kaya masasabi ko talaga na proud siya na ipakilala ako in front of them. "What?" She sounded very shock now. Uhm. Ang awkward ata ng sitwasyon. Ni hindi ako makatingin ng deretsa sa kanilang mga mata. No comment lang ang tito ni Josh but he grabs a glass of wine at uminom nito. Ngayon ko lang napansin na may wine pala sa table. Sa tingin ko umorder na sila ng foods at nauna muna ang wine. But no, I don't drink wine. "When is the wedding?" Biglang tanong ni Mr. Lucas. Namilog ang mga mata ko sa tanong na yon at binaling ang atensyon kay Josh. Hinanap ko ang kanyang mga mata na tila ba naghahanap ng tulong, ng kasagutan na siya lang ang nakakaalam. Pero hindi niya ako tiningnan. Although we've been together for more than ten years, ni minsan hindi sumagi sa aming usapan ang pagpapakasal. Kahit na alam naming mahal namin ang isa't isa hanggang ngayon hindi pa rin kami humantong sa kasalan. Noon, hindi ko rin yon iniisip kasi nga sa tingin ko masyado pang maaga para dun. Kahit ilang taon na kaming magkarelasyon, 24 years old is still a young age. Isa pa, it is my prayer na sana magbalik-loob muna si Josh sa Panginoon bago kami magpakasal. Mas maganda pa rin kung pareho kami ng pananampalataya. Ganunpaman, sa kaibuturan ng aking puso, a part of me is waiting for his wedding proposal. After all, siya lang naman ang lalakeng nais kong makasama habang buhay. Mahal ko si Josh. At alam kong mahal din niya ako. I never doubted his love for me. Not even once. "I don't think a wedding is necessary, uncle. She's living under my roof and that's enough for me. It's just a piece of paper na pipirmahan, and then what?" Napanganga ako sa sinagot ni Josh. Alam kong wala pa kami sa puntong yon, na hindi pa namin napaguusapan yon, na wala pa sa plano namin ang kasal. Maiintindihan ko sana kung sasabihin niyang wag muna ngayon. Pero ang sabihin na hindi importante ang kasal sa isang relasyon ay hinding-hindi ko matatanggap. Ni minsan hindi ko inakala na yon ang rason kung bakit hanggang ngayon hindi pa siya nagpopropose. I feel like I've been deceived all my life. His words just now are like sharp knives piercing my heart. And Josh doesn't even know it. I doubt if he will ever know! He's so insensitive!!! Nanginginig ang mga kamay kong nakapatong sa aking mga hita. I lower down my stares and I'm giving all my effort not to cry. Pero nakakaiyak ang sinabi ni Josh. But not now. Not in front of his relatives. "That's a twisted principle at your age, hijo. Marriage is a sacred thing." Narinig kong komento ng tita niya. "I don't think Naomi thinks the same." "Unless you're not really serious about her. If that's the case then you two should break up." Aniya ni Mr. Lucas Doromal. "What?" This time si Josh na ang gulat na gulat. I didn't look at him. I'm still feeling emotional sa sinabi niya kanina. I can't even find my vocal chords to say a thing. Lord, why is Josh like this? I want to go home. "You're 29 years old with a good business background, Josh. Malapit na ang board meeting and re-election sa board. Your tita and I plan to transfer our stocks into your account, making you the highest stockholder in Marc Pole. That will give you a big chance to take over Marc Pole, and we want you to manage it." Narinig ko ang mapaklang tawa ni Josh. "No, no. I think you got it wrong, uncle. I don't need your stocks." Ano daw? Ngayon ko lang din nalaman na may shares din pala ang tito at tita ni Josh sa hotel. But as far as I remember, walang mga Doromal sa board. "Josh!" Matigas na ang boses ni Mr. Doromal na siyang dahilan kung bakit nag-angat ako ng mukha. I see his fuming eyes. "Enough of playing games. Pinagbigyan ka na namin noon. There's no one who can handle it like you do. Stop playing hard to get, break up with this orphan and marry someone better!" Josh slams the table with both of his hands, napasigaw ako at si Mrs. Doromal. Bigla siyang tumayo at nag-aalab ang kanyang mga mata--he's not the Josh I have loved all these years. I'm seeing a different man. A scary one. "You forgot, Mr. Doromal. I'm also an orphan. You can't dictate me what to do just because you're my uncle now. Remember, you already lost me long ago." After that, hinila na ako ni Josh palayo sa lamesang yon. Dinig na dinig ko ang galit na sigaw ni Mr. Doromal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD