Lumabas kami sa restaurant at ramdam ko ang galit ni Josh sa kanyang hawak. Hindi ko na rin mapigilan ang aking mga luha habang naglalakad na hinihila ni Josh. Halu-halo na ang aking nararamdaman.
I was called an orphan ng tiyuhin ni Josh. Ayaw sa'kin ng kanyang tito at tita. Masakit na rin ang aking mga paa dahil sa sandals. Pero higit sa lahat, walang plano si Josh na pakasalan ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng insekyuridad. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagdududa...mahal nga ba ako ni Josh?
Pinipigilan ko ang humagulhol. Wala akong pakialam sa tingin ng mga taong nadadaanan namin. Masisisi ba nila ako kung nasaktan ako sa sinabi ni Josh? Alam ko na wala ding pakialam si Josh sa mga matang nakatutok sa'min dahil dere-deretso naming tinungo ang elevator. Buti na lang at walang tao sa elevator ng buksan niya to.
Pagpasok namin saka pa napansin ni Josh ang pag-iyak ko. May hahabol pa sanang babae na papasok sa elevator pero agad itong isinara ni Josh. Madalian niyang pinindot ang ground floor. Then he slams his hands on my side just enough na ikulong niya ako.
"Damn it, Nao, why are you crying?!"
Mas lalo lang akong umiyak. Eto ba? Eto ba ang kapalit sa mga dasal ko para sa amin ni Josh? I have to pay the price, I know that. But Lord, ganito ba dapat kasakit? Kahit na alam kong hindi na tama, kahit na alam kong ako ang mas masasaktan, mahal ko pa rin si Josh. Will You please change his heart soon?
"Stop it Nao, please."
May pagsusumamo sa boses ni Josh, ang galit na kanina lang kumawala ay unti-unting napapalitan ng pag-aalala. Pinatong niya ang kanyang noo sa aking noo. Halos maglapat na ang aming mga ilong. I feel suddenly suffocated.
"Stop it. I'm sorry." Josh closes his eyes, as if not wanting to see my tears. "I shouldn't have brought you here. I'm sorry."
I'm not crying because of what they said about me. I'm not crying because I'm an orphan. I'm crying because...
"Josh, don't you want to marry me?" I ask between my sobs.
Napadilat siya sa mga mata at nagtama ang aming mga uhaw na paningin. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang noo sa'king noo. "You're crying because of what I've said?"
Tumango ako, umiiyak pa rin. Gosh, I must have looked terrible.
Si Josh na mismo ang pumahid ng mga luha ko gamit ang likod ng kanyang palad. Nakayuko pa rin siya para lang mag abot ang aming mukha. "It's not that I don't want to. But we don't need it, do we? You are already mine. I am yours. Marriage is just a proof, but we don't need proof just to show other people that we love each other. Do you know why, Nao?"
Umiyak ako lalo sa sinabi niya. Since when did Josh end up like this? Oh, Lord please have mercy on this man. Have mercy on us both.
"Because we don't need other people's consent. We don't need them, Nao."
"Pangarap ng mga babae na ikasal sila. At kailan man, Josh, ang mundo ay hindi lang umiikot sa'ting dalawa."
Nagulat si Josh sa sinabi ko. Alam kong may sasabihin pa sana siya ngunit tumunog na ang elevator. Bumukas na ito at bumungad sa amin ang ground floor at ang isang lalake na gulat na gulat sa nadatnang eksena.
"Naomi?"
Mabilis akong tinalikuran ni Josh at hinarap ang pinanggalingan ng boses. Si Peter! Anong ginagawa niya dito? Agad kong pinahiran ang mga luha ko pero di ko na natapos sapagkat hinila na ako ni Josh palabas ng elevator.
"Sandali, Naomi!" Narinig kong sigaw ni Peter pero mabilis na kaming nakaalis ni Josh. Laking pasalamat ko ng hindi niya kami sinundan.
"Do you know that man?" Malamig na tanong ni Josh habang inaayos niya ang seatbelt ko.
"Si Peter. Anak siya ng pastor namin sa simbahan." Sagot ko sa kanya. Huminahon na rin ako sa wakas.
"Nanliligaw ba siya sayo?"
Matalim ko siyang tiningnan. "Josh!"
"Okay, I get it. Hindi mo siya manliligaw. But are you close with him?"
"Nope."
"Keep it that way." He says in finality at pinaandar na niya ang sasakyan. Tahimik kaming dalawa sa byahe hanggang sa hindi ko namalayan na nakauwi na pala kami.
Bumaba si Josh sa sasakyan at lumibot upang pagbuksan ako ng pinto. Bababa na sana ako ng muli siyang magsalita. This time may insekyuridad sa kanyang boses.
"Do you regret it being with me, Nao?"
Why in the world he's suddenly insecure?
"No."
Ang sagot kong yun ay naging sapat na para ngumiti siya sa'kin. Josh smiles at me and like his uncle, his dimples become even more visible on his cheeks. Lumambot rin ang tingin ng kanyang mga mata, maitim ito ngunit may bahid ng kulay berde. Ang matangos niyang ilong ay nagbigay hugis sa mala-modelo niyang mukha. At ang kanyang labi ay natural na mapula.
"Then, Nao, don't cry again." He says in a soft voice while gallantly extending a hand to me. Napatingin ako sa kanyang kamay, nakabukas ang kanyang palad at ang kandilaing mga daliri ay naghihintay sa aking mainit na pagtanggap. I know that gesture. It's like he's saying that I'm a free woman, that I can have my own choice, that I can still step out of this house. But once I reach out to his hand, once I accept the warmth of his fingers, then I will have no other place but his arms. Because I acknowledge his offer that I am his, as he is mine.
As always, I reach for his hand and take it.
Ayokong isipin ang araw na hindi ko na maaabot ang kanyang kamay.
Dahan-dahan akong inalalayan pababa ng sasakyan ni Josh, magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Yayakapin ko sana siya ngunit natisod ang aking paa, dahilan para saluin niya ako. He looks at the cause of my fall at nandilat siya ng mga mata.
"You hurt your feet." Mabilisan niya akong kinarga pabalik sa sasakyan at pinaupo ako. He checks on my feet. Tinanggal niya ang aking sandals at tinapon sa kung saan. Namumula na pala ang aking mga paa. "I'm sorry. It must have hurt a lot."
"O-okay lang. Naninibago lang siguro ako."
"Hindi na kita pasusuotin ng ganito. Hop on, Nao." Sabi niya habang tumalikod at yumuko. He's offering a piggyback ride, like we often did when we were little kids. Embarrassed, I hop on to his back, feeling the broadness of his shoulders and the firmness of his muscles. Kumapit ako sa kanya at nagsimula na siyang maglakad, his arms making sure na hindi makikita ang undies ko.
Me on his back. Like the old times. I smile.
"Good evening, sir Josh! Susmeta, may nangyari ba kay Miss Naomi?" Sinalubong kami ni Manang Greta at Mang Edwin sa may fountain. Nag-abot ang kilay ng dalawang matanda ng makitang kinakarga ako ni Josh sa kanyang likod.
"Get the aid kit, Manang. Then prepare something warm for her feet. Bring it in her room." Utos ni Josh na agaran namang sinunod ni Manang Greta. "Mang Edwin!"
"Yes, sir!" Mabilisang sagot ni Mang Edwin.
"Find someone who can drive safely tomorrow. At your age kailangan mo ng kareliyebo sa pagmamaneho." Matabang na sabi ni Josh habang dere-deretso pa rin ang aming lakad papasok ng bahay. Nagulat ako sa sinabi niyang yon.
"Talaga ho? Naku, maraming salamat po sir." Natutuwang sabi ni Mang Edwin. "Maghahanap ako agad."
Hindi na sumagot si Josh. Natutuwa ako at sa wakas pumayag na siyang humanap ng ibang driver, dahilan para yakapin ko siya mula sa likuran.
"Thanks, Josh." Mahina kong sabi.
Kahit na mahusay si Josh mag Tagalog, he's not actually a pure Filipino. Josh father was an Irish missionary, William Boaz. He was a youth pastor who married a wealthy businesswoman, Miriam Doromal, Josh's mother.
Oo, Josh's father was a youth pastor when he was still alive. Nagkakilala sila ng mama ni Josh sa isang mission field, kung saan isang volunteer ang mama ni Josh na si Miriam. Nagpakasal ang mga to kahit labag sa loob ng mga magulang ni tita Miriam. But because she's an only daughter with two brothers, pinatawad at pinagbigyan pa rin sa huli.
My parents was the one who initiated the wedding of Josh's parents. Pastor kasi ang aking ama at ganon din ang aking ina. Bago pa man ang lahat, magkaibigan na si tito William at ang aking mga magulang. Their friendship and relationship to God was already strong bago pa man kami pinanganak.
Kahit na matagal ng kasal ang mga magulang ko, mas naunang nagkaanak sina tita Miriam, at yon ay si Josh. Pinanganak ako five years later sa mag-asawang Ferrer, the previous pastors ng simbahan na inaatenan ko.
Back then, everything was full of love, of passion, and servitude to God. Lumaki kami ni Josh na may pagmahahal sa Diyos. Lumaki kami ng may pinaniniwalaang Diyos.
But when that accident happen, when our parents died, Josh became a different person.
His young, passionate eyes, genuine smiles, and a kind face became emotionless. His servant heart became a stone.
On our parents graveyard, I saw Josh standing by the side with a hard face, and I was a little kid standing next to him, him holding my little hand.
"Kuya," mahina kong sabi noon, and I was still calling him kuya, "Pupunta na ba sila sa langit?"
"There is no heaven, Naomi." Napakalamig ng kanyang boses.
"Pero sabi nina Mama meron di ba? Doon nakatira ang Diyos."
"Nope. They lied to us. From now on, there is only you and me."