Chapter 6

2187 Words
"Was that your boyfriend, Naomi?" Tanong ni Peter na kasalukuyang sumusunod sa'kin. Sunday kasi at after ng service hindi pa ako umuwi. Nagmi-meet kami ng cell group every Sunday after ng service. Pero ngayon wala muna. Tinutulungan ko kasi si Peter magprepare ng program flow para sa gaganapin na youth night next month. Fellowship night yon kung saan mag-iinvite kami ng mga youth sa church, may mga kantahan, skits, visualization, dance, at syempre magsi-share ng Word of God ang pastor namin at the end of the program. Kung alam ko lang na si Peter pala ang program head ngayon, di na sana ako nag volunteer na tumulong. Ang akala ko kasi si Jane ang kasama ko, siya naman talaga ang nagoorganisa ng mga youth events namin. Pero biglang nag out of town si Jane due to family matters. Kaya si Peter muna ang pumalit. Anak ni Pastor Edgar si Peter Pier Gonzaga. Isa siyang youth pastor at katatapos lang mag-aral sa Bible school. Bihira lang naman kaming mag-usap. Sa katunayan, we're not that really close. Kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit niya ako kinukulit ng tanong. Pinatong ko ang bitbit kong maliit na box sa lamesa kung saan kami magbi-brainstorming ng ideas. May mga laman ang box na papel, ballpen, lapis at samples ng previous flyers namin noon. Hinarap ko din si Peter para bigyan siya ng kasagutan. "Oo, boyfriend ko." Bigla siyang natahimik sa sagot kong yun. Para bang may bumabara sa kanyang lalamunan ng muli siyang magsalita. "T-talaga? Hindi ko yata siya napapansin sa church, a." Hindi ko pinansin ang pagkakautal ng kanyang boses. Umupo ako at sinimulang kunin ang mga flyers mula sa loob ng box. Hindi ko siya tiningnan sa mga mata. "Hindi siya nagsisimba sa church." "Saang church siya nagsisimba? Maranatha ba?" Muli niyang tanong na ngayon ay nakaupo na rin sa harapan ko. Tinutulungan niya akong kunin ang mga flyers. "Hindi rin." "Eh, saan?" Makulit niyang tanong. Ang dami-daming pwedeng pag-usapan, bakit tungkol pa talaga sa boyfriend ko? Hindi ko naman siya pinapakealaman sa love life niya, a. Hindi sa ikinahihiya ko si Josh, pero napakahirap bigkasin na isa siyang...unbeliever. Napabuntong-hininga ako ng maisip ang salitang unbeliever. Tiyak akong magugulat siya na ang isang tulad ko na active sa ministry ay nainlab sa isang non-Christian. Christian naman talaga si Josh, a, noon nga lang. "Wait, don't tell me unbeliever yong boyfriend mo?" May halong kaba sa kanyang boses. I don't get his reaction though. "Eh ano naman ngayon?" Naiirita ko ng sagot. Ililipat ko na sana sa ibang usapan pero naunahan na niya akong magsalita. "Iinvite mo na lang sa church, Naomi. At ng makilatis namin." Napaangat ako ng mukha sa sinabi niya. "I don't remember you becoming my father." I told him, forcing a smile. Gwapong lalake si Peter, tanned skin at matangkad. Hindi masyadong payat, at hindi rin maskulado. Tamang-tama lang ang kanyang pangangatawan, halatang hindi masyadong pinagtatrabaho sa kanilang bahay. Deep black eyes. Pointed nose. Pale lips. "Eto naman, parang others. I'm your brother in Christ, of course concern ako sayo." Napakamot siya sa kanyang buhok. "Alam mo, imbes na magchismisan tayo sa love life ko, magbrainstorm nalang tayo. Pwede? Hindi ako pwede sa weekdays so dapat matapos natin to." Sabi ko habang tsinecheck ang sample flyers. "Yes, mam." Aniya. Hinalungkot namin ang previous flyers at programs ng event, dun kasi namin ibabase ang program next month. We exchange ideas kung ano ang dapat paghandaan, kung ano ang dapat isali or not, kung saan isisingit ang dance portion at kung anu-ano pa. Kung ano man ang mabuo naming flow ngayon ay ipapakita pa rin namin kay Pastor Edgar, siya naman talaga ang final say, if he approves the flow or not. Every four months meron talaga kaming youth fun night. To gather the youths in one musical and inspirational night, mapa-Christians man o hindi. We also invite other churches to come and fellowship with us. The bottomline is, we would share the Word. Alas tres y medya na namin natapos ang program. Pinadala ko na lang kay Peter ang final draft para mabasa ng kanyang ama. Wala na rin masyadong tao sa church. Ng papauwi na ako ay sinabayan ako ni Peter palabas ng simbahan. Akala ko makikisabay lang siya hanggang sa labas, yun pala may balak na ihatid ako. "Saan ba ang bahay mo, Naomi? May sasakyan naman ako. Pwede kitang ihatid." Anyaya ni Peter. Alam kong walang malice sa offer niya, kaya lang I have no choice but to reject him. "Salamat pero wag na. May tagasundo talaga ako." Sagot ko habang palabas na kami sa likuran ng mall kung saan ang parking space. As I previously said, nasa loob ng mall ang church namin. "Ah, yong boyfriend mo ang susundo?" Hindi ko na nasagot ang tanong ni Peter, abala na kasi ako sa pagtetext kay Mang Edwin. Tinext ko na kasi siya kanina na palabas na ako. Pero hanggang ngayon wala pa akong natanggap na reply. Hindi naman siya usually ganyan. "Speaking of your boyfriend, I think it's him." May halong iritasyon sa boses ni Peter. Sinundan ko ang kanyang tingin at napasinghap ako ng makitang pababa si Josh sa kanyang BMW. Siya pala ang susundo sa'kin ngayon? Walang pasabi, a. "Nao." Yon lang ang salitang lumabas sa labi ni Josh at tumindig na ang balahibo ko. Hindi naman siya lumapit sa'min. Sinandal lang niya ang kanyang likod sa nakabukas na pinto. Hinarap ko si Peter at yumuko ng mababa. "Thanks, Peter. Mauna na ako sayo." Bago pa man niya ako mapigilan ay kumaripas na ako ng takbo patungo kay Josh. Ilang distanya lang ang aming pagitan ngunit napatigil na ako. Matalim ang mga tingin ni Josh sa'kin. Kinakabahan ako sa kanyang titig. Alam ko na agad ang ibig sabihin non. "Akala ko ba hindi kayo close?" Nag-abot ang kanyang mga kilay. Pinasadahan rin niya ng matatalim na titig si Peter. Sana lang hindi siya mamisunderstood nito. "Magkasabay lang kaming lumabas." Simula ng dumating ang tito at tita ni Josh, mainitin na ang kanyang ulo. Hindi naman siya ganito kalala, recently lang. "I don't think he looks like it. Kung hindi ako dumating ay malamang ihahatid ka niya." Sabi niya at binuksan lalo ang pinto, encouraging me to get in. Sinunod ko naman. "Nasan pala si Mang Edwin? Hindi niya kasi ako nirereplayan." Tanong ko sa kanya habang pinaandar niya ang sasakyan. Dumaan kami kay Peter na nakatayo pa rin sa may labasan, nakatingin siya sa'min. Ngumiti siya at kumaway ng magtama ang aming mga mata. "Is he bothering you?" "Nasan si Mang Edwin?" Halos magkasabay naming tanong. "Answer me first." Matigas niyang sabi. Napalunok ako. Si Josh talaga, kahit saan, at kahit kailan, napakaseloso. Lahat ng lalakeng lumalapit sa'kin akala niya nililigawan ako. "Hindi, a. If he is, ikaw ang unang makakaalam." The good thing is, Josh believes in my words. Kapag sinabi kong hindi, oo, meron o wala, agad niya yong tatanggapin. Tumango naman siya. "Nagkasakit si Mang Edwin. Sinugod ko siya sa ospital kanina." Napalingon ako sa kanya, gulat na gulat. I feel suddenly worried. "Huh? Anong sakit niya? Saang ospital?" He sighs deeply, his eyes focusing on the road, but I can see the worry he's trying to hide. "Minor fever lang. Pero sabi ng doktor it's due to his old age. Mahina na ang kanyang mga tuhod." Napakagat ako sa labi, nakakawa naman si Mang Edwin. Mabuti na lang talaga at naghahanap na ng bagong driver si Josh. "Gusto ko siyang bisitahin." "We're actually going there." Aniya at tumango ako. Bumili muna kami ni Josh ng fresh fruits para kay Mang Edwin. Kahit hindi sabihin ni Josh, alam kong nag-aalala din siya para sa matandang driver. Matulis lang ang pananalita ni Josh pero alam kong napamahal na ang matanda sa kanya. Bata pa man kami ay naninilbihan na ito sa pamilyang Boaz. Tumanda na lang ito ngunit naninilbihan pa rin. "Magandang hapon po sir, miss." Panimulang bati sa amin ni Manang Lydia, ang asawa ni Mang Edwin na katiwala rin ni Josh sa kanyang bahay. Ito ang nagaasikaso sa mga labahin at paglilinis ng buong mansion. Sa katunayan, wala akong masyadong ginagawa. Hindi kasi ako pinapatrabaho ng mabigat ni Josh, kahit ilang beses ko ng pinipilit. Ang alam ko lang yatang gawin ay pagluluto. Yon lang kasi ang gawaing babae na hinahayaan ako ni Josh. Naabotan naming nakaupo si Manang Lydia sa tabi ng kama ni Mang Edwin. "Kamusta ang lagay niya, doc?" Tanong ni Josh sa doktor na katatapos lang suriin ang dextrose. Isang babaeng nurse ang nasa kanyang likod. Tumungo ako sa kama ni Mang Edwin at nilagay sa lamesa ang basket ng prutas. Kagigising lang niya at nagawa pa niyang humingi ng tawad, kasi hindi niya daw ako nasundo. I assured him na okay lang naman, and silently, I prayed for his fast recovery. "Bumababa na ang kanyang lagnat. Kailangan lang niya ng pahinga. Unfortunately, I must say na bawal na siyang magmaneho. Mahina na ang mga tuhod niya." Narinig kong komento ng doktor. Napatingin ako kay Mang Edwin at ramdam ko ang lungkot niya. "S-sorry Miss Naomi. Mukhang hindi na kita mapagsisilbihan." Mangiyak-ngiyak sa sabi ni Mang Edwin. "Okay lang po. Maghahanap naman si Josh ng kapalit." Umiling ako. Hindi ko na ininda ang reaksyon ni Josh, lumabas na kasi siya kasama ng doktor at nurse para kausapin ang mga ito tungkol sa kalagayan ni Mang Edwin. "Pasensya ka na Mang Edwin. Dapat matagal ka ng pinagpahinga, eh. Umabot pa talaga sa nagkasakit ka." Sabi ko sa kanya na may halong lungkot ang boses. "Naku, miss Naomi, wag na po kayong mag sorry. Kagustuhan ko namang pagsilbihan kayong dalawa ni sir." Nakangiting sagot ni Mang Edwin. Nahihiya tuloy ako lalo. Alam ko namang hindi siya pababayaan ni Lord, nakakahiya lang kasi dahil ang tanda na nila pero nasa amin pa rin ang pagseserbisyo. Hindi naman kami nagtagal ni Josh sa ospital. Pagkatapos niyang kausapin ang doktor ay umuwi na rin kami sa bahay. Kumain na lang din kami sa labas dahil hindi pa ako makakapagluto ngayong gabi. Si Manang Lydia kasi ang namamalengke ngunit dahil nagbabantay siya sa asawa sa ospital, hindi niya muna nagawa. Pareho kaming pagod ni Josh kaya kanya-kanya na kaming pumasok sa kwarto. Kalaunan, kahit medyo malalim na ang gabi ay kinatok ko si Josh sa kanyang kwarto ngunit walang sumasagot. Kakausapin ko sana siya kung maari ba akong kumuha ng driver na kasamahan ko sa simbahan. Marami din kasing kabataan namin na bread winner sa pamilya ngunit walang sapat na trabaho. Napag-isipan kong bigyan sila ng oportunidad. Kung yan ay papayag si Josh. Nasa kanya naman always ang huling halakhak. Hindi sumasagot si Josh kaya naman naisipan kong umalis na lang. Kahit nasa iisang bahay kami, hindi ako pumapasok sa loob ng kanyang kwarto kung walang pahintulot. Ganoon din naman siya. Noong bata pa ako labas masok ako sa kwarto niya, pero ngayon hindi na. You know, setting the bounderies. Tatatalikod na sana ako upang umalis ng biglang bumukas ang pintuan. Hinarap ko siya at nag-angat ng mukha, lugmok ang kanyang mga mata at para bang ang lalim ng pinoproblema. Ano bang nangyayari sa lalakeng to? "What is it, Nao? It's getting late." "Ah, sorry, nadistorbo ko ata ang tulog mo. Bukas na lang." Nauutal kong sagot. Mukhang hindi ito ang tamang panahon para kausapin siya sa bagong driver. Wrong timing ka, Naomi. Aakma na sana akong aalis pero hinawakan ni Josh ang kanang kamay ko, at kaybilis niya akong hinila papasok ng kanyang kwarto dahilan para mapasinghap ako. Sinirado niya ang pinto pero hindi naman niya nilock. Ang lalim na nga ng hininga ko nang magtama ang pagod naming mga mata. Imbes na kabahan ako sa kung anong gagawin niya, at alam ko namang wala, mas napansin ko ang lalim ng mga titig niya. Dun ko nakompirma nang muli siyang magsalita. Ang lalim din ng kanyang boses. "Nao, just stay here tonight. I won't do anything. Just stay close while I'm working." Sabay tingin niya sa mga nakahilirang mga papeles sa kanyang lamesa. Overtime? "Tell me, may problema ba, Josh?" Hindi na ako makatiis. Tahimik lang ako lately pero alam kong may pinoproblema siya. Ayaw niya lang sabihin sa'kin. Binitawan niya ang kamay ko at sinuklay-suklay ang kanyang buhok. Pagkatapos non ay pumunta siya sa upuan at hinarap muli ang mga nakapilang papel. Ano kaya ang mga yon? "Hindi lang ako mapakali simula ng naospital si Mang Edwin." Sagot niya. Umupo ako sa maliit na couch na katabi ng lamesa ni Josh, kahit di niya sabihin alam kong dun niya ako gustong paupuin. Like the old days. "And something else?" Tanong ko. Alam kong nag-aalala siya para kay Mang Edwin, pero alam ko ding may iba pang rason. Sinandal ko ang likod ko sa couch, maingat na tinitingnan siya habang pinagpatuloy niya ang paperworks. Nasanay na ang mga mata ko sa katitingin sa kanyang ginagawa, halos nilababanan ko rin ang antok. Humihikab na nga ako ng nilingon ako ni Josh, sabay sabi, "Nao...how about you work as my secretary?" Sa sinabi niyang yon ay nawala bigla ang antok ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD