Naghahanda na silang upang umalis patungong Paris, excited si Ava dahil makakatapak naman siya ng ibang bansa, habang nagaasikaso ng kanyang mga dadalhin pumasok si Nanay Liah sa kanyang silid. Inabit nito ang isang paper bag sa kanya. "Ano po ito." Tanong niya. "Baonin mo yan sa pagalis mo, tinanong ko ang doktora kong anak tungkol sa pagbubuntis at ayan ang nireseta nyang mga gamot, Alagaan mo si Baby doon." Anito ngumiti si Ava masaya ang puso niya sapagkat inaalagaan siya nito kahit pa palihim. "Maraming salamat Nanay hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo!" Madamdamin nyang sabi sa ginang. "Walang anuman anak basta't para sa iyo at sa bata." Nasa ganoong sitwasyon silang dalawa ng pumasok ang binata, biglang nakaramdam si Ava ng galit. "Matuto ka ngang kumatok!" Sigaw niya sa lal

