Chapter 1
Nagising sa alarm clock si Ava mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog inabot niya ito upang patayin. Ala siyete na ng gabi, bumangon na siya upang mag asikaso dahil isang oras nalang ay papasok na siya sa bar na pinagtatrabahuan niya bilang bartender, kahit na inaantok sinikap niyang kumilos na sapagkat naisip niya na hindi siya isang prinsesa.
Isa lamang siyang mahirap na may malaking pangarap sa buhay. Alang-alang sa kanyang nanay Maya na nagpalaki at bumuhay sa kanya simula ng mamatay ang kanyang mga magulang.
Malaki ang pasasalamat niya dito sapagkat kinupkop siya nito kahit hindi nya ito kadugo.
Matalik na kaibigan ng kanyang magulang si Maya kung kaya't kinuha siya nito at inalagaan mula noon hanggang ngayon.
Lumuwas siya ng maynila upang pagsabayin ang kanyang pagaaral at trabaho, nasa huling baitang na siya sa kolehiyo, sa umaga siya'y pumapasok sa escuela at sa gabi naman siya'y isang taga silbi ng mga inumin sa mayayaman.
Lumitaw sa isip niya nang minsan na magpaalam siya sa kaniyang nanay Maya na sa maynila na tatapusin ang kanyang pagaaral at para narin makapagtrabaho siya para kahit papano'y matulungan ito sa mga bayarin sapagkat nakasangla ang kaisa isang lupain na pagaari nito na siyang nagtataguyod sa kanilang mag ina, nalalapit narin ang palugit nito sa bangko. Kung kaya't naisipan niya na makipag sapalaran sa maynila,
Noong una hindi ito pumayag. Katwiran ng ina napaka delikado sa maynila para sa kaniya na isang probinsyana,
Ngunit hindi naglaon pinayagan rin siya nito sa kagustuhan niya.
Pagkatapos magasikaso ay lumabas na siya sa kanyang tinutuluyang apartment dito sa taguig, ang trabaho niya ay sa makati, oras na naman upang magpaka alila sa trabaho. Pagod at puyat ang ginigugol niya upang masuportahan ang kanyang pagaaral at sarili nang sa ganoon hindi na siya dumagdag pa sa pasanin ng ina, nahihiya na siya sa kanyang Nanay Maya.
Sapat na ang naibigay nito para sa kanya at panahon naman niya upang suklian ang kabutihan nito.
Sinalubong agad siya ng kanilang manager pagkapasok niya sa Red Roses Bar.
"Nandito nanaman ang matandang may gusto sayo si Mr. Cruz at ikaw ang hinahanap hayun siya." nguso nito sa kanya.
Sinundan niya ng tingin ang direksyon ang pinupunto nito.
"Hindi nanaman ako titigilan niyan." reklamo niya pero may bahid ng ngiti
Natawa ang baklang manager kaya nilagpasan na nya ito at nagtuloy tuloy sa loob upang magbihis na ng kanyang uniform.
Magiging tampulan nanaman siya ng tukso ng mga katrabaho, ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya? ilang beses na niya itong tinanggihan hanggang ngayon hindi parin sumusuko.
Ipinasok nya sa locker ang gamit at nagsimula ng isuot ang kanyang uniform.
Si Mr. Robby Cruz ay isa sa mga highclass client nila sapagkat isa itong business tycoon at talagang pinangangalagaan.
Ayon dito wala na itong asawa at naghahanap ng makakasama ngunit wala sa isip nya na bumigay dito kahit pakitaan sya ng malaking halaga ng pera dahil bukod sa matanda na ang lalaki ayaw niya pumatol sa ama na ang turing niya.
Paglabas niya nadatnan niya itong nakaupo sa bar counter. "Ava, my darling I miss you already, can you just please accept my offer and you will be living like a princess para naman hindi ko na kailangan pumunta pa rito para makita ka dahil araw araw kana lang nasa bahay." Bungad nito sa kanya ngumiti lamang sya sa sinabi nito.
"Hindi muna kailangan magpakahirap para kumita ng pera kaya ko yung ibigay sayo ang lahat ng nais mo." Pangungulit nito.
"Mr. Cruz mawalang galang napo ngunit oras po ng trabaho ko ngayon." Sagot nya rito.
"Hindi muna kailangan magtrabaho bayad ko ang araw mo ngayon. Ako lang ang pagtuunan mo ng pansin." Deklara nito.
Hindi na bago iyon kay Ava sapagkat madalas itong gawin ng matanda sa kanya, buong magdamag nanaman nya itong pakikisamahan kahit sa loob loob nya'y gusto na niya itong takasan ngunit isa lamang syang taga silbi kung kaya't wala syang magagawa lalo't bayad ang araw nya.
Hindi narin masama sapagkat binibigyan sya nito ng tip na syang kinatutuwa nya.
Lumipas ang magdamag na puro pangungulit tungkol sa pagsama nya dito ang kanilang pinaguusapan.
Dumaan ng mabilis ang oras ng kanyang trabaho kahit na parang sasabog na ang utak nya kakapakinig dito.
Nang magpaalam sya sa matanda ay hinawakan nito ang kamay nya.
"Nandito lang ako kapag kailangan mo ako at kung magbago ang iyong pasya."
"Matagal akong mawawala sapagkat may business trip akong kailangan puntahan sa ngayon tanggapin mo ito." Sabay abot nito ng sobre sa kanya.
"Hindi ko po iyan matatanggap!" Pigil niya rito.
"Tanggapin mo isipin mo nalang na isang tip ito para sa pakikinig sa akin ngayong gabi." Wala syang nagawa si Ava ng kuhain ang kamay niya at ilagay ang sobre sa palad niya.
"Babalik ako sa susunod na linggo." Anito at tuluyan ng nagpaalam na sa kanya na aalis.
Masaya si Ava dahil matulin na lumipas ang isang linggo ng buhay niya na walang nanggugulo at nagungulit sa kanya.
Sa kabilang banda nangulila rin siya sa kakulitan ng matanda hindi dahil may gusto siya rito.
Para narin syang nagkaroon ng ama na laging nakabantay sa galaw nya sa loob ng bar. Nagtatanggol at tumutulong sa kanya kung sakali na may problema siya sa trabaho, katulad na lamang ngayon.
"I'm so sorry Ma'am!" Hingi niya ng paumanhin sa babae.
"Sorry?" Baling nito sa kanya. "Really? You f*****g w***e look what you did to my dress! This is expensive that your whole life can't pay for this!" Gigil na sambit nito sa kanya.
Napayuko nalang sya habang pigil sa pagpatak ng luha. Hindi niya sinasadyang matapunan ang isang guest ng alak na hinihanda nya para rito.
"I'm so sorry Ma'am." Ulit niya subalit patuloy parin ang paghihisterya nito sa galit at pinapabayad siya sa nagawa.
Nababadya man tumulo ang mga luha pero pinatatag niya ang kalooban bukod sa wala syang pambayad dito binantaan pa syang ipapatanggal silang lahat sa trabaho kung hindi niya magagawa ang kahilingan nito na damit niya ang gawing pamunas sa flooring ng bar.
Kahihiyan ang natanggap nya sapagkat ginawa niya ang pangalawa, pinagtawanan sya nito at ibinaba ang pagkatao niya na tila wala syang karapatan.
Wala syang magawa kundi umiyak ng umiyak sa locker habang nagbibihis wala rin nagawa ang manager dahil ayon dito makapangyarihan ang babae dahil isa itong anak ng politician.
Kaya ganoon nalang ang hilakbot sa takot ng manager niya.
Nakiusap ito sa kanya na ibaba ang ego at gawin ang inuutos nito.
Ngayon lang napatunayan ng dalaga na tama nga ang Nanay Maya nya sadyang malupit ang mga tao sa maynila lalo na ang mayayaman na walang puso kung yarukan lang ang pagkatao ng isang tao.
Nawalan siya ng gana pang magtrabaho kaya napagpasyahan niya na umuwi nalang muna at magpahinga pagod sya sa pagaaral dahil malapit na ang pagtatapos nila tapos ito pa ang sinapit niya sa trabaho talagang puro kamalasan ang natanggap nya ngayong araw.
Pagkarating sa apartment niya naligo at naglinis siya, doon niya binuhos ang galit at inis niya dahil sa nangyari sa kanya sa araw na ito.
Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto ng kanyang hapunan ng may tumawag sa kanyang telephono.
"Hello Nanay kumusta!" Bungad niya dito pilit na pinasigla ang tinig kahit pa gusto na nyang umiyak at magsumbong dito.
"Kumusta kana kailan ang uwi mo rito sa bacolod hija gusto na kitang makita!" Naluluhang sambit nito.
"Malapit na Nanay kunting tiis nalang po nagiipon na po ako ng pambili ng ticket. Diba sabi ko sayo pagtapos ko sa kolehiyo uuwi na ako dyan." Kunting tiis nalang po.
Parang may bumara sa lalamunan nya badya ng pagluha kaya huminto sya sa pagsasalita.
Nalulungkot sya para rito naisin man niya makasama ito ngunit wala syang magawa.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila bago ito nagsalita. "O siya'y magiingat ka palagi dyan ah alam mo naman na mahal na mahal kita hihintayin ko ang iyong pagbabalik sa ngayon kailangan ko muna magpahinga paalam Ava hija!"
Pinatay nito agad ang tawag at hindi na siya hinayaan na makasagot pa.
Pinagsawalang bahala nalang niya ito dahil baka pagod lang ito sa maghapon na trabaho sa bukid.
Dalawang linggo ang lumipas simula ng huling tawag sa kanya ng Nanay Maya, napa buntong hininga siya.
Balik nanaman siya sa realidad ng buhay dalawang linggo na rin ang lumipas simula nong may naganap sa bar, habang nag hahanda ng isang inumin sa isang guest nang may umupo sa harap niya. "Kumusta kana Ava darling?" Napangiti siya sa tinig na yun dahil nandito na ulit ang matanda kailangan niya ng pera dahil nalalapit na ang bayaran nila sa escuela, makukutulong ang mga tip nito sa kanya.
Pinagtatrabahuan niya rin naman yun sa pakikinig rito magdamag sapat ng kabayaran yun.
"Ayos lang Mr. Cruz kayo ho? how was your trip?" Aniya rito.
"Nothing change naayos ko narin ang problema sa kompanya and now balik sa dating gawi bayad ko ang araw mo." Anito sabay ngiti sa kanya ngunit hindi umabot sa tainga ang ngiti nito na tila may kakaiba mukha rin itong pagod na pagod at mababanaag sa mukha nito ang katandaan na hindi niya nakita ng umalis ito nagtaka man ngunit pinagsawalang bahala nalang niya.
Sa mga nakalipas na araw napapansin niya na iba ang kinikilos ng matanda, mula sa pananalita at pagtrato sa kanya. Hindi rin ito makatingin ng diretso sa kanyang mga mata kaya nabigla siya isang gabi ng ayain siya nito sa isang VIP room dahil may kasama raw itong isang kaibigan na si Mr. Chin at gusto siyang makilala dahil sa tiwala kay Mr. Cruz agad na tumalima ang dalaga.
Habang lumalalim na ang gabi at sa kalagitnaan ng pagsasaya ng mga ito naglabas ng puting bagay si Mr. Chin na nasa pakete na maliit agad itong nilatag sa lamesa at sininghot ni Mr. Cruz may ideya na siya kung ano iyon kaya nabigla siya sa ginawa ni Mr. Cruz hindi niya alam na gumagamit ito ng pinagbabawal na gamot hindi na kumibo si Ava niya sapagkat ayaw nyang makialam.
Lumalalim na ang gabi at lango narin sa pinaghalong alak at droga ang mga lalaki kaya nagpasiya syang iwanan muna saglit ang mga ito.
"Mr. Cruz lalabas lang ako sandali upang ikuha kayo ng maiinom at ng pagkain." Patayo na sana siya ng magsalita ito.
"You know what Ava you're so beautiful that I can't take my eyes off to you!" Napalingon siya dito at natigilan ng hinawakan siya nito sa baywang pababa sa kanyang maselan na bahagi ng katawan at pinaupo sa kandungan nito.
Sa sobrang gulat at pagkabigla hindi siya nakakilos kaagad pero nang makabawi nagpumiglas siya at agad itong nasampal.
Tumawa lamang ang kasama nito sa kinilos niya "Akala ko ba'y babae mo ito bakit ka sinampal?" Ngising pang asar nito sa matanda.
Isang matalim na tingin lang ang ginawad nito sa kasama at binalingan siya ng tingin kasabay ng pag hawak nito sa leeg niya. Halos hindi na siya makahinga dahil sa higpit ng hawak nito at ng bitawan siya kasunod ng malakas na sampal na syang nagpaikot ng paningin niya putok ang labi niya ngunit hindi niya ininda.
Halos hindi na siya makahinga sa ginawa nitong pagkakasakal sa leeg niya. Sinubukan niyang tumayo upang makatakas ngunit nahawakan nito ang damit at buhok niya.
"You b***h!" Sabunot nito sa kanya. "I already spend thousand of money to you at ito igaganti mo sakin!" Sigaw nito habang nakahawak sa kanyang buhok pilit kumawala ni Ava dahil sa sakit na dinaranas niya. Hindi sila maririnig sa labas dahil bukod sa maingay naka soundroof ang buong paligid.
"Ubos na ang pasensya at pagbabait baitan ko sayo at ngayon may gana kapang ipahiya ako sa kaibigan ko! Masyado kang pakipot!" Hinalikan siya nito at pilit na pinupwersa.
Sa sobrang takot at galit na lumukob sa kanya itinulak nya ito ng buong lakas na mayroon sya upang makawala dito at nang magtagumpay tumakbo siya patungo sa pintuan palabas.
Sa kabilang banda nakatingin lang sa kanila ang kasama nito na si Mr. Chin na tila ayaw silang pakialamanan kung ano man ang nagaganap sa kanila.
Lakad takbo ang ginawa niya kahit pinunit nito ang damit nya. Wala na syang pakialam sa mga guest na napapalingon sa kanya makalabas lang.
Umiiyak sya na parang tanga habang patakbong lumabas sa VIP room kaya pala kumuha ito ng kwarto dahil may balak na ito sa kanya.
Madalas kasing sa bar counter sila naguusap. Kuntento na ito sa harap ng bar counter kaya nabigla man kanina nagtiwala parin sya dahil sa inakalang mabait ito.
Pinahid niya ang luha na patuloy dumadaloy sa kanyang pisngi.
Inaayos niya ang mga gamit na nasa locker at nilagay sa bag. Muntikan na syang pagsamantalahan ng itinuturing nyang ama sa trabaho. Nagmamadali niyang nilisan ang bar, magsumbong man siya wala rin magagawa halintulad nalang ng isang guest na nataponan niya ng nakaraan.
"Ayoko na!" Hinagpis niya habang patuloy sa pagpatak ng luha.
Sa sobrang takot hindi na muling nagbalik si Ava sa bar, matinding trauma ang inabot niya doon na halos hindi na siya nakakain o nakatulog sa ilang linggo na nagdaan.
Tinawagan nya ang Nanay Maya niya upang kumustahin ito ngunit hindi ito sumasagot sa mga tawag nya, kaya napag pasiyahan niya na tawagan ang kanilang kapitbahay na si Aling Tess, ito ang binilinan niya sa kanyang Nanay Maya bago siya tumulak patungong maynila, nais nyang Makibalita kung kumusta na ang ina sapagkat nagaalala sya para dito dahil sa ilang linggo na nagdaan ng huli silang nagkausap.
Ngunit hindi nya inaasahan na sa pagtawag niya kay Aling Tess hindi magandang balita ang ibubungad nito sa kanya, nasa hospital ang kanyang Nanay Maya at malala ang kalagayan kaya pala ng huli nilang paguusap napansin nyang matamlay ito at tila nagmamadali at hindi rin ito tumatawag sa kanya sa mga nakalipas na linggo.
Ayon kay Aling Tess dalawang linggo na daw itong nasa hospital at ayaw na ayaw ipaalam sa kanya ang kalagayan nito upang hindi daw siya magalala, magkasamang awa at sama ng loob ang naramdaman ni Ava dahil sa paglilihim ng ina.
Ayon rin sa doktor na nakausap ni Aling Tess Kidney Failure daw ang sanhi ng pagkakasakit ng ina at nangangailangan ng madaliang medikasyon at operasyon na labis nyang ikinaluha nakadagdag pa rito ang halo halong emosyon na natanggap nya sa nagdaang araw wala syang nagawa kundi umiyak ng umiyak habang sinasabi ng ginang ang lahat lahat tungkol sa ina pati ang halaga ng pera na kakailanganin para sa gamutan.
Balisa sya nang natapos ang kanilang usapan ni aling Tess. Haggang ngayon hindi parin matanggap ang sinapit ng kanyang ina. Isa sa alalahanin nya ang pera kung saan sya kukuha ng ganoon kalahaking halaga.
Hindi dapat sya manatili lang sa apartment at walang gawin.
Higit na mas kailangan siya ng kanyang ina ngayon.
Kailangan niya kumilos pero saan niya kukuhain ang napakalaking halaga?
Kahit na patayin niya ang sarili sa kakatrabaho hindi siya makakakuha ng ganong kalaking halaga.
Wala rin syang malapitan na pwede hingian ng tulong dahil wala syang kaibigan o kakilala bukod sa mga katrabaho nya sa bar.
Nang maalala ang dating trabaho nagkaroon siya ng pagasa at may naisip na isang paraan ngunit kakayanin ba nya? Gayong kapit patalim ang gagawin nya. Sa sobrang pagmamahal ni Ava sa nagiisang pamilya na tumanggap, nagpakain at nagbihis sa kanya kahit hindi niya ito kadugo magagawa niya na talikuran ang lahat ng mga pangarap niya para dito.
Upang makabawi sa lahat ng tulong na naibigay nito sa kaniya simula palang nang una na mapadpad sya sa poder nito. Wala na syang ibang pagpipilian pa kundi gawin ang bagay na iyon. Mailigtas nya lang ang ina sa tiyak na kapahamakan.
Nang hapon ding iyon nagdesisyon siya na pumasok sa Red Roses Bar kung saan sya nagtatrabaho. Kailangan nya mahanap ang matanda.
Si Mr. Cruz. Papayag na sya sa kagustuhan nito kapalit ng malaking halaga ng pera. Ito nalang ang tanging pagasa nya.
Pagkapasok sa pintuan natanawan niya kaagad ang kanyang manager. "O bakit ngayon kalang at hindi ka pumasok ng nagdaang araw nabalitaan ko ang nangyari saiyo at kay Mr. Cruz ganoon talaga Ava kailangan natin magpakababa para sa pera dahil ito lang ang pinagkukunan natin ng ikabubuhay." Anito na nakataas ang isang kilay
"Sumama kasi ang pakiramdam ko halos hindi nako makatayo." Palusot nya ngunit lingid sa kaalaman nito na ayaw nyang pumasok dahil sa trauma sa nangyari. Ano nalang ang laban niya sa mga ito baka mabaliktad pa siya o pagtawanan kapag nagreklamo siya di hamak na mas mataas at kilalang tao ang mga guest ng Bar na pinapasukan
"Ganoon ba sige magsimula ka ng magtrabaho." Bago pa ito makaalis tinanong nya rito kung asan ni Mr. Cruz ngunit ang sagot lang nito ilang araw ng hindi pumupunta.
Kung gaano kabilis bumangon ang pagasa nya ganoon rin kabilis naglaho. Habang nasa kalagitnaan ng trabaho hindi sya nawawalan ng pag asa nagmamasid masid lang siya at paulit ulit na bumabaling sa pinto sa tuwing may dumarating nagbabakasakali na ang matanda na ang dumating.
Laking tuwa nya ng maaninagan ang matanda agad nyang pinaubaya sa katrabaho ang counter at nilapitan ang matanda.
"Hello Mr. Cruz how are you its been a week since the last time we met." Pauna nyang ani.
Ngunit tiningnan lamang siya nito na parang walang nakita lalapagsan sana siya nito ngunit agad siyang humarang. "I'm so sorry Mr. Cruz kung nasaktan kita." Kahit gusto niya itong sapakin sa mukha wala syang magawa. Nasusuka siya sa mga pinagsasabi dito. "Its okay Ava!" Siya pa talaga ang may ganang magmataas sino ba ang nangharass at nang bastos?
"Ahm, Mr. Cruz can we talk in a minute?" "For what Ava?"
"I have an offer to you at sa tingin ko ikatutuwa mo." "Straight to the point Ava I have errands to do I don't have a time to you." Malamig na ani nito ngunit hindi siya nagpatinag.
Tinanggal muna niya ang bara sa lalamunan bago nagsalita. "Pumapayag nako sa kagustuhan mo tatanggapin ko na ang offer mo sakin." Sabay yuko ng ulo ayaw nyang salubungin ang titig nito sa kanya dahil nandidiri sya.
The lips of Mr. Cruz formed into devilish smirk. "Anong nakain mo at inihahain mo na sakin ang sarili mo ngayon Ava?" Nawalan ng kulay ang pakikitungo nito sa kanya maski ang nakakasukang endearment nito na "darling" ay nawala rin
"Kailangan ko kasi ng pera." Deritsang sagot niya.
"Ganoon ba magkano ang kailangan mo?" Nagangat sya ng tingin at sinalubong ang titig nito.
"Tatlong milyon." Ani niya nagulat ang matanda sa sinabi nya ngunit agad ring nakabawi dahil kung tutuusin maliit na halaga lang iyon sa matanda.
"Alright, ibibigay ko ang kailangan mo ngunit maraming magbabago sa inaalok ko sayo." Kinakabahan man ngunit nilakasan ni Ava ang loob. Iniisip nalang niya ang kanyang ina kailangan siya nito. Hindi naging mahirap para kay Ava na mapapayag ang matanda sa presyong binitawan nya kapalit ng katawan, Ngunit laking pagkabigla niya sa inusal nito.
Hindi na ito nahahanap ng mapapangasawa at makakasama kundi s*x slave at sa loob ng tatlong buwan! Isipin palang niya kinikilabutan na siya. Nabigla man ngunit naisip nyang wala na itong atrasan. "Magkita tayo sa malapit na hotel rito bukas ala sais ng gabi," ani nito at inabot sa kanya ang papel kung saan nakapaloob rito ang detalye ng hotel at ang room number nito, "Bago yun ibigay mo muna sa akin ang kabayaran." Tumawa lang ito sa sinabi nya.
I'm suprised matalino ka pala Ava, Saka ko na ibibigay kapag napasakamay na kita."
"Paano ko masisiguro na tutupad ka sa usapan?"
Tanong niya sa matanda.
"I'm a businessman Ava, Ibibigay ko sayo ang kalahati at ang kalahati pag katapos ng unang gabi natin."
"Sumasang ayon ako. Sagot niya sa matanda.
Sumenyas ang kamay nito at may lumapit na malaking lalaki at sa tingin niya bodyguard nito. "Kailan pa ito nagkaroon ng bodyguard?" Ani niya sa isip ngunit wala rin kasagutan.
Pinagsawalang bahala nalang niya habang lumilipas ang panahon naging iba ang matanda.
May kinuha ito sa bag na tseke at pinirmahan pagkatapos ay inabot sa kaniya. "Iyan na ang kalahati ng bayad."
"Maari ba akong humiling sayo?" Ani Ava.
"Go ahead!" Sagot ng matanda
"Nais ko sana na umuwi ng bacolod pagkatapos ng usapan natin, dadalawin ko lang ang ina ko dahil nasa hospital ito." Ngunit hindi ito umimik kaya mula syang nagsalita.
"Wag kang mangamba dahil babalik rin ako kaagad tatlo o limang araw lamang ako doon." Hinging pakiusap nya dito.
"Walang problema sa akin Ava," Tumalikod na ito at nagtuloy sa pakay "kung ika'y makakabalik pa ng buhay." Ani sa isip ng matanda.
Sumapit ang takdang oras ng kanilang pagkikita. Pagkatapos nito magbabago na ang lahat sa buhay niya. Ano man ang kahinatnan ng lahat wala dapat syang pagsisihan dahil ito ang nararapat nyang gawin para sa kanyang ina.
Iniyak na niya ang lahat kanina wala nang luha na papatak sa kanyang mga mata at nasisiguro nya yun. Handa na siya! Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ava, ngunit hindi pa man nakakahakbang ng pintuan ng apartment sunod na sunod na tumulo ang luha niya.
Nanginginig ang buong katawan sakit at panghihinayang para sa sarili ang nararamdaman niya. Ibenenta niya ang sarili para sa pera ngunit nang sumagi sa isip ang ina nagkaroon kaagad siya ng lakas ng loob.
Tuluyan na syang nakalabas ng apartment na tinutuluyan manhid ang buong pagkatao niya at pakiramdam niya wala siya sa sarili.
Deritso ang katawan at isip sa plano na tili ba may komokontrol sa kanya.
Gusto man tanggihan ng damdamin niya ang nasa isip ngunit tila hindi nagpapatalo ang kanyang kaisipan.
Nang makarating siya sa pakay ilang beses muna syang humugot ng malalim na paghinga, pakiramdam niya sa ganoong paraan mapapakalma niya ang buong sistema.
Pumasok na siya sa loob at sinabi sa receptionist ang pakay niya agad naman nitong inabot sa kanya ang susi ng suite ng hotel.
Maganda at magarbo ang hotel talagang pang mayaman lang ang kayang magukupa rito,
Kanina niya pa pinapakalma ang sarili ngunit hindi ata tinatablan ng lahat ng sinasabi niya.
Sadyang mahirap kalaban ang sarili lalo na isip at damdamin.
Nasa tapat na siya ng suite, isang hingang malalim pa ang pinakawalan niya bago ipanasok ang susi sa doorknob nito.
Pagkapasok niya nakita agad niya si Mr. Cruz naka business suit may hawak na kopita at tabacco.
Kung sa ibang pagkakataon magagawang matingnan ni Ava ang buong paligid dahil sa sobrang ganda nito ngunit hindi sa sitwasyon niya.
Patuloy parin sa pagbayo ang dibdib niya dahil sa pinaghalong takot at kaba.
Pakiramdam nyang malalagutan siya ng hininga sa sitwasyon na ito. "Ava, sakto ang oras ng dating mo maupo ka't ikukuha kita ng maiinom pampakalma bago natin simulan." Dali syang tumalima kailangan nyang umupo dahil kung hindi baka mabuwal siya sa kinatatayuan.
Bago ito magtungo sa bar counter lumapit ito sa kanya at hinawakan ang dulo ng buhok niya at nilalaro laro ito. "Kung wala akong kinakaharap na problema ngayon Ava ako mismo ang aangkin sayo at dito mismo."
Gusto nyang umiyak sa takot nanginginig ang buong kalamnan niya. Anong ibig sabihin nito? Naisa tinig niya sa isipan. Inamoy nito ang buhok niya saka tumayo ng tuwid at nagpaalam. Nakahinga siya ng maluwag ng nawala na ito sa harap niya. Tahimik lang siya na tila parang batang paslit pinagalitan.
Ilang minuto rin ang lumipas at bumalik ito.
"Masyado ba akong natagalan darling?"
"Hindi naman." Maikling sagot niya.
Inabot nito sa kanya ang baso na may lamang alak. Hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ito at mabilis ang ginawa nyang paglagok pakiramdam niya uhaw na uhaw siya at kailangan niya ng kunting pamatid uhaw.
"Ano ba ang una natin gagawin Mr. Cruz?" Walang muwang na tanong niya.
"Cut the formalities Ava call me Rob."
"Hmm Rob." Salin nito ng alak sa basong hawak niya. Wala pang segundo nakalipas nilagok agad ng dalaga ang laman.
"Take it easy darling pupunta rin tayo diyan for now lets have a drink first." Ani nito.
Hindi niya alam kung nakarami naba siya ng nainom o sadyang mahina siya pagdating sa alak dahil nakakaramdam na siya ng pagkahilo. Umiikot ang paningin niya pati ang matanda hindi na niya makita ng maayos.
"Ava, I'm sorry I can't risk my daughters life kaya ikaw ang nilagay ko sa sitwasyon na ito." Panimula nito. Dali syang napalingon sa matanda "What do you mean Rob?" Aniya.
"I sold you to one of the most powerful person. His name's Jacob masahol pa siya sa isang demonyo at kung kumitil ng buhay parang ganoon nalang kadali wala siyang awa at sinasanto kapag nagkaroon ka ng kasalanan." Sandali itong tumigil.
"I'm one of his investor." Anito
"Bakit mo ito sinasabi sa akin?" Tanong niya ngunit nagpatuloy lang ito at hindi pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya.
"Nagkaroon ako ng atraso sa kanya napatay ng tauhan ko ang kasintahan niya nang hindi sinasadya at nalaman rin niya rin na palugi na ang isang negosyo niya sa malaysia na syang pinamamahalaan ko at ang gusto niyang kabayaran ay buhay ng kahit na sinong malapit sakin. Mata sa mata ngipin sa ngipin!" Tumawa ito. "Talagang magaling at matalino si Jacob dahil nalaman niya agad na ako ang may pakana ng lahat."
Hindi alam ni Ava kung tama ba ang mga naririnig niya hindi gaanong malinaw pero nauunawaan niya at hindi niya nagugustuhan kung saan patungo ang usapan. Anong nais nitong iparating sa kanya? Ibenenta siya akala ba niya ito ang bumili sa kanya? Maraming katanungan na gustong lumabas sa bibig niya ngunit pinigilan niya ang sarili sino siya para magtanong? Isa lamang siyang bayaran. Wala siyang karapatan!
"Pinaniwala kita na gagawin kitang bed warmer pero hindi dahil kung sinabi ko ang katotohanan siguradong tatangihan mo ako wala na akong pagpipilian pa Ava." Anito
"Ibig sabihin may papatay sakin yun ba Rob?"
"Oo Ava, I'm sorry I don't have a choice" Hinging paumanhin nito.
"Bakit ako?" Tanong niya na halos hindi marinig nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata. Kung bakit ganito ang sinapit niya hindi niya alam. Maraming katanungan. magulo! "Hindi ko kayang mamatay sa harapan ko ang anak ko Ava, kaya ikaw ang ihaharap ko."
"Papatayin ka nila sa harap ko dahil yun ang gusto ni Jacob." Nagunahan tumulo ang mga luha sa mata niya paano nalang ang ina niya kung sakali na mawala siya. Sino ang magaalaga rito?
Pakiramdam ni Ava sa mga oras na'to mawawalan siya ng ulirat dahil parang bombang sumabog sa kanya lahat ng katotohanan, ang pakikipaglapit nito ang pakay sa kanya ng matanda upang maging kapalit ng anak nito.