Awa ang nararamdaman niya sa sarili ang inakalang impyernong mararanasan sa buhay nito mas malala pa pala dahil oras nalang ang bibilangin at paglalamayan na siya.
Nanginginig ang tuhod niya ng tumayo. Hindi parin mag sink in sa utak niya ang lahat kung bakit ganito. Kailangan niya uminom ng tubig dahil nahihirapan siyang huminga. Naglakad siya patungo sa kitchen nanginginig ang buong katawan niya siguro sa takot at sa isiping mawawala na siya sa mundo. Humigpit ang hawak niya sa baso. Handa na siya para sa ina niya!
"Huwag kang magalala Ava, ako na ang bahala sa iyong ina at sa lahat ng pangangailangan ibibigay ko sa kanya." Tila parang nabasa nito ang iniisip niya napalingon siya dito.
"Kung magsalita ka parang aalis lang ako ng bansa!" Sarkastimong ani niya dito. Tiniginan niya ito ngunit maski ang mga mata nito awa ang nakikita niya ngunit mas pinangibabaw ang katigasan ng mukha. "Patawad Ava!" Iwas nito sa mga titig niya.
Ilang saglit pa'y may bigla silang narinig na pabagsak. Sabay silang napalingon sa pinagmulan nito. Kinakabahan siya't hindi alam ang iisipin. Maya maya pa'y may pumasok na limang kalalakihan na may dalang mga baril. Nakapalibot ito sa kanila. Nakita niya kung paano saktan si Rob ng mga kalalakihan. Wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak. Katapusan na niya! Yun ang nasa isip ng dalaga.
Pumasok ang isang matangkad na lalaki nakapamusal ito sa kanyang suot na business suit. Lumakad ito palapit sa matandang lumapaypay at naliligo sa sariling dugo dahil sa natamong mga suntok. "I love the smell of blood." Ani nito.
Sa kabilang banda si Ava ay nanginginig sa takot dahil sa mga nasaksihan ngunit hindi niya maiwasan mamahangha sa lalaking sana harap niya. Animo'y isa itong diyos na hahatulan na siya sa huling pagkakataon. Gwapo, makisig at matangkad. Naisipan pa niyang pagnasaan ito samantalang ito ang papatay sa kanya. Nababaliw na siguro siya!
Pigil hininga si Ava ng lumapit ang lalaki sa kanya
"I like your daugther Rob" angat nito sa mukha niya. "Puwedeng gawin munang parausan bago patayin, I wondered if your blood is the same to your beautiful face and body can't wait to taste it sweetheart!" Ani nito habang walang patid na pakikipag titigan nito sa kanya at ni minsan hindi nilingon ang kausap.
Sa kabilang banda biglang naglaho lahat ng takot at pangamba ni Ava ng makipag titigan sa binata na tila hindi ito kasing sama ng iniiisip ng iba at nakikita niya yun sa mga mata nito. Lungkot at sakit ang bumabalot sa kulay asul nitong mga mata. Kung ano man ang nagtulak kay Ava na abutin at hawakan ang mukha nito ay hindi niya alam kusang gumalaw ang kamay niya at ng dumampi ang palad niya dito tila para siyang nakuryente. Nagbalik siya sa katinuan ng hawakan nito ang pulsuan niya at hiklatin siya na parang isang kagamitan masakit at mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya.
Hinila siya nito papunta kay Rob at pinaluhod. Sa pagkabigla bumagsak ang tuhod niya sa sahig. Inangat ang mukha niya nito at pilit pinapatingin sa matanda. "Look at face of your daughter before I kill her Rob! I want to see how miserable you are after I torn your daughter apart." Ani Jacob
"Do what ever you want but please spare my life Master Jacob." Ani Rob. Natawa ang binata sa tinuran ng matanda "Wala kabang awa o pagmamahal man lang sa anak mo?" Tanong nito.
"Sa mundo ng ating ginagalawan alam ko ang lahat ng kalakaran kaya mas pinagtibay ko ang loob at handa ako sa lahat ng mangyayari patayin mo man ang anak ko sa harapan ko mismo tanggap ko!" Ani Rob. Hindi na muli pang nagsalita ang binata bagkus hinaklit siya nito patayo at pinunit ang damit niya sa harapan ng lahat ng tao sa kuwartong iyon. Hindi alam ni Ava kung ano ang gagawin sinubukan niyang takpan ang katawan ngunit inalis ng binata ang mga kamay niya at dinala papunta sa likod. Hinakawan siya nito sa buhok upang patingalain at nang magtagumpay nag simula itong halikan, kagatin ang leeg niya. Marahas at masakit ngunit sa kabilang banda nagugustuhan ng dalaga ang ginagawa sa kanya.
Hindi niya mawari kung dahil ba sa alak na nainom niya o sadyang ganoon mag react ang kanyang katawan dito.
Napapikit siya at naluha hindi na niya napigilan pa ang halo halong emosyon naguunahang lumabas sa pagkatao niya tanggap na niya ang kanyang kapalaran.
Ngunit agad syang napadilat ng magsalita si Rob. "Master Jacob please believe in me hindi ko intensiyon na ipapatay ang kasintahan mo at yung tungkol sa pera niloko ako kaya nawala sa akin pangako gagawin ko ang lahat upang mabawi iyon give me another chance!" Pakiusap nito.
Huminto ang binata at napatingin dito nakita ng dalaga na wala ang emosyon sa mga mata nito ng balingan ang matanda at pagkatapos walang kurap niya itong pinaputukan ng baril na binunot nito galing sa likod.
Sunod sunod, Gigil at tila binuhos ng binata lahat ng galit at hinanakit dito. Nang ibaba nito ang baril tanging usok nalang nito ang lumabas.
Napatakip siya sa kanyang bibig gulat at takot ang rumehistro sa kanyang mukha napaatras siya ng makita ang sinapit ng matanda sa isang iglap pinatay ito ng lalaking nasa harapan niya. "f**k! I hate liars! Ben." tawag nito sa tauhan. "Clean all this mess." Usal nito at binalik sa likod ang baril at ng balingan nito ang dalaga nakita ng binata ang pagkaputla nito na parang naubusan ng dugo
Umatras si Ava ng ilang hakbang "Hindi niya ako anak pakiusap wag mo akong patayin" Pagmamakaawa niya rito.
Pinigil ng dalaga ang hininga na tila sa ganoong paraan hindi siya sasaktan nito ngunit mali siya ng ginawa dahil doon nahirapan siyang huminga. Naiiyak siya ng halos wala ng hangin na lumalabas sa ilong at bibig niya napahawak siya sa dibdib at dinama ito. Kasabay ng pagikot at pagdilim ng paningin niya dahil sa hilo na nararamdaman mula sa alak, ang huli niyang nasaksihan ang binatang nakatingin sa kanya at bago pa siya tuluyang mawalan ng ulirat naramdaman ng dalaga na may sumalo sa kanyang matitigas na bisig.
Namulatan ni Ava ang sarili sa isang kuwartong hindi pamilyar sa kanya nilibot ng mata ang kabuuan malaki ito at maganda pinaghalong white, black and gray paint ang kuwarto na halos kompleto ang mga kagamitan kung tutuusin parang isang bahay na. Nang naalala ang kalagayan naisip niya ang binata. Laking pasasalamat niya at hindi tinapos ang buhay niya. Saka lang nagbalik sa alaala ng dalaga ang nangyari sa hotel nakaramdam siya ng takot at trauma sa na saksihan. Noon akala niya sa pelikula niya lang napapanood nangyayari rin pala sa totoong buhay.
Tumayo siya upang sana tingnan kung nasan syang lugar ngunit sa pagtapak ng mga paa niya sa sahig doon niya naramdaman ang sakit ng buong katawan na pakiwari'y sinaktan siya. Masakit ang kanyang leeg at tuhod ganoon na rin ang kanyang braso at binti muli syang napaupo sa kama at ininda ang sakit ng katawan saka lang niya napansin ang isang hose na nakakabit sa kanyang kamay dumadaloy ang tubig roon papasok sa ugat niya. Nagangat siya ng tingin ng biglang bumukas ang pintuan at inuluwa noon ang isang babae pakiwari'y nasa edad singkwenta pataas.
"Mabuti naman at gising kana hija abot abot ang kaba namin kung ika'y magkakamalay paba o hindi na dahil sa mga natamo mo." Ani nito.
"Ilang araw na po ba akong walang malay?" Tanong niya dito.
"Tatlong araw na hija kaya nagaalala na talaga kami." Anito
"Ho tatlong araw bakit?" Tanong niya ngunit hindi nito sinagot ang tanong niya.
"Siya nga pala ako nga pala si Nana Liah mayordoma sa mansion na ito tawagin mo nalang ako kung saan ka mas komportable maiwan muna kita at maguutos ako na maghanda ng pagkain." Tatalikod na sana ito ng hawakan niya ito sa kamay.
"Sandali po may alam po ba kayo kung asan ako at anong lugar ito?" Aniya
"Nandito ka sa mansion ni Master Jacob sa tagaytay, dinala ka niya dito na walang malay. O siya sige maiwan na muna kita at magpapatawag narin ako ng doktor." Kanina pa wala si Nana Liah ngunit tulala parin si Ava, naguguluhan na siya. Una sa pagbenta sa kanya pangalawa sa pagpatay pangatlo sa lugar na hindi niya alam at estranghero sa kanya lahat.
Tila sasabog ang utak niya sa kakaisip kung anong nangyari sa panahon na wala syang malay ngunit isa lang ang natitiyak niya hawak siya ngayon ng lalaki na nagngangalang Jacob ano man ang plano nito sa kanya isa lang ang natitiyak niya nanganganib ang buhay at kaligtasan niya. Bago pa man sila magtagpo ng binata kailangan na nyang makatakas ano pang kailangan nito sa kanya gayong pinatay na nito ang pakay. Si Rob,
Tinanggal ng dalaga ang dextrose na nakakabit sa kanya nagdugo ito at hindi ininda mas matimbang ang sakit ng kanyang katawan kumpara dito pilit syang tumayo kahit pa ika-ika syang nakarating sa bintana tinanaw niya ang labas ngunit nakita niya lang ang nagtataasang bakod at puro kalalakihan na may mahahabang baril tila ba may binabantayan. Natunaw ang pagasa niya na makatakas ngunit hindi maaari na sumuko siya kailangan niyang makabalik sa kanyang ina nasasabik na syang makita at mayakap ito.
Lumakad siya pabalik sa higaan at humiga kailangan niya ng sapat na lakas bago gumawa ng hakbang nasa kalagitnaan siya ng pagiisip ng bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Nana Liah sa sa likod nito ang dalawang katulong na may dalang pagkain. Nalanghap niya ang hawak ng mga ito kaya nakaramdam kaagad siya ng gutom bumangon siya ng inilapag ng mga ito ang pagkain at nagsimulang ihain ngunit hindi sya gumalaw o ginalaw man lang ang pagkain kahit pa gutom na gutom na siya.
"Hija alam kong wala kang tiwala sa amin dahil kami ay stranghero para sa iyo ngunit nasisiguro ko na ang aming hinain ay walang lason o ano pa man." Tila nabasa nito ang kanyang iniisip.
Kinuha nito ang isang kutsara at naghain para sa sarili. "Ipakikita ko sayong tama ang sinasabi ko." Nagsimula itong kumain dahil sa ginawa ng ginang napatanag ang kalooban ng dalaga.
"Pasensya na ho kayo sapagkat hindi na ho ako nagtitiwala ng basta basta dahil kahit nga ho kakilala ko na nagawan parin ako ng masama." Wika niya rito patungkol sa nangyari tatlong araw ang nakakaraan.
Naghain si Ava para sa sarili buong puso siyang kumain dahil talagang masarap ang mga hinain ng mga ito maya maya pa'y natapos na siya at iniligpit na ng mga ito pag pinagkainana.
"Magpahinga kana at darating ang doktor na tumingin sayo mamaya." Anito.
"Sandali lang ho" pigil niya sa matand.
"Ano yun hija?"
"Matanong ko lang ho kung nasaan ang Master Jacob niyo?" "
"Ahh si Master Jacob kasalukuyan siyang wala ngayon dahil nasa isang business trip siya sa Australia babalik siya sa makalawa."
"Ganoon ho ba sige ho maraming salamat." Natuwa ang dalaga sa narinig wala ang Jacob na iyon saktong pagkakataon para sa kanyang binabalak.
Dumating ang doktor na sinasabi ni Nana Liah,
"Hi, what are you feeling right now?"
"I'm fine doc." Maikling sagot niya.
"By the way I'm a private doctor of Mr. Jacob Raven. Daniella and one of his girl." Pakilala nito, agad nyang inabot ang kamay at nagpakilala. "Ava," habang sinusuri ang kanyang katawan hindi maiwasan ni Ava na mapagmasdan ang babae. Maganda maputi at matangkad. Elegant and sophisticated. Including her brown and long hair na lalong nagpaganda rito. Walang wala si Ava kung ikukumpara rito.
Binigyan siya ng gamot para sa mga sugat at bruises niya at pinayuhan na magpahinga at wag agad kumilos nagalit pa ito nang tinanggal niya ang dextrose. Nagtataka ang dalaga kung saan niya nakuha ang mga iyon ngunit hindi na pinagtuusan ng pansin.
Sa kabilang banda muntik na mapagsamantalahan ng binata ang dalaga kung hindi nito pinigilan ang sarili.
Wala ito sa tamang kaayusan hindi pumapatol ang binata sa walang kalaban laban. Dahil sa ecstacy drugs na pinainom sa dalaga na hinalo sa alak kaya nawala ito sa katinuan. Nagawang siyang itali ng binata habang pabyahe sila patungong tagaytay.
"I'll be back tomorrow morning to check on you again. anyway Ava sino ka sa buhay ni Jacob?" Taas kilay na tanong nito.
"Siguro naman hindi ka isa sa mga babae niya cause you are a virgin that's why I'm so confused." Yumuko ito sa kanya at hinawakan ang baba niya "You are beautiful Ava don't waste yourself to Jacob." Tumayo na ito badya na paalis lumakad patungong pintuan ngunit bago pa man makalabas lumingon ito sa kanya. "I warmed you Ava, Jacob is not the man you think his a devil kaya habang maaga pa do everything to get out of his life or magiging misirable ang buhay mo!" Mahabang litanya nito sa kanya.
Hindi siya hinayaang makasagot nito at kung sakali man anong isasagot niya rito hindi niya alam kung anong plano ni Jacob sa kanya bakit dinala siya rito gayong nagawa na nito ang nais. Kailangan nyang umisip ng paraan kung paano makakatakas.
Muli nyang sinipat ang mga bantay tantiya niya mga nasa walo o sampo ang tao malapit sa gate. Naisip niya pakiwari'y hindi kaya tinulungan lang siya ng binata sapagkat nawalan siya ng malay? Masyado lang syang nagiisip ng kung ano ano siguro naman pababayaan sya nitong umalis. Siguro ganoon nga palakas niya sa kalooban.
Tumayo siya patungong pintuan hinawakan ang doorknob at pinihit iyon. Bukas! Laking tuwa niya. Paglabas hinagilap kaagad niya ang hagdan sobrang laki ng bahay na ito malayo na siya sa kanyang inukupang kuwarto ngunit hindi parin niya makita ang hagdan.
Sa dulong bahagi ng pasilyo doon niya natagpuan ang hagdan. Maingat syang bumaba upang walang makarinig o makakita sa kanya. Habang pababa napinsin ng dalaga ang kagandahan ng bahay malaki at maaliwalas ito at may nag naglalakihang painting pinaghalong kulay white and gold ang nasa loob ng bahay malawak na salas at may malaking chandelier na colour gold and silver sa gitnang bahagi makikita roon ang isang litrato kung saan walang kangiti ngiti ang binata samantalang ang kasama nito ay nakabungisngis marahil ito yung sinasabi ni Rob na kasintahan ng binata. Parang may kung anong kumurot sa dibdib niya marahil ay dahil sa panghihinayang na namayapa ito ng maaga.
Patuloy siya sa pagbaba ng hagdan at matanawan ang pintuan palabas may nakita syang dalawang bantay. Dire-diresto syang lalabas ng hiniharang ang kamay at pinigilan siya ng isa sa mga tauhan nito.
"We can't allow you to get out that's an order to us." Ani nito.
"Huh but why, are you kidding right?" Ani Ava. Ngunit tumigas lang ang ekspresyon ng mukha nito at hindi sinagot ang tanong niya.
Sinubukan nya ulit humakbang ngunit binunot nito ang baril ngunit hindi tinutok sa kanya.
"If you're going to insist I will not hesitate to shoot you, now go back to your room!" Napataas agad ng dalawang kamay ang dalaga tanda ng pagsuko. "Alright!" Tumalikod siya at nagsimulang maglakad pabalik ng nakataas ang mga kamay.
Ngayon niya napatunayan na may binabalak talaga ang binata sa kanya dahil kung wala hahayaan siya ng mga ito makalabas. Habang pabalik sa kanyang silid nasalubong niya si Nana Liah at napansin agad nito ang kamay nyang nagdurugo.
"Nakong bata ka ano ba ang naisip mo at tinanggal mo ang nakakabit sa iyo halika't gagamutin ko." Doon lang napansin ni Ava na dumudugo pala yung sugat niya hinila siya nito patungong sala at pinaupo.
"Saan kaba kasi patungo?" sandali lang hintayin mo ako dyan paalam nito. Hindi man lang ginamot ng doktor ang sugat niya kung hindi pa napansin ng ginang hindi niya rin maalala.
Pagbalik may dala na itong first aid kit at ginamot ang sugat. Binasag ng dalaga ang katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa ng magtanong siya. "Gaano napo kayo katagal naninilbihan rito Nana Liah?" Aniya.
"Simula pa noong disisais anyos palang si Jacob, Nakita niya ako sa isang eskinita na walang malay at duguan siya ang nagdala sa akin sa hospital hanggang sa makalabas ako at gumaling hindi siya nawala sa tabi ko kalaunan ay kinupkop niya ako at pinatira rito, laking pasasalamat ko sa batang iyon kung wala siya'y baka wala na rin ako sa mundong ito kaya bilang ganti sa kabutihang loob niya sa akin inalagaan ko siya na parang isang tunay na anak." Mahabang lintanya nito.
Ngayon niya napatunayan na ang binata ay hindi kasing sama sa iniisip ni Rob dito at yung nakita niya sa mga mata nito ng unang araw na magharap sila ay totoo at punong puno ng emosyon na pilit kinukubli.
Hindi siya makapaniwala na biktima ito ng kalupitan ng asawa. Hanggang natapos ang kanilang kuwentuhan at nakabalik na siya sa kanyang silid hindi mawala sa isip niya na ulilang lubos na ang binata katulad niya subalit may kumopkup sa kanya samantalang rito wala. bata palang ito ay biktima na ng karahasan at kalupitan ng mundo na kung saan maaga itong nimulat ng realidad. Limitado lang nasabi sa kanya ni Nana Liah mas mabuti na daw na siya ang makadiskubre kaysa manggaling rito.
Nang nakarating sa silid agad na tumalima ang dalaga sa banyo upang maligo naghanap siya ng mga damit subalit puro panlalaki lamang ang mga ito. Hinagilap niya ang suot na damit ng nakaraan ngunit hindi niya matagpuan kaya napag pasiyahan niyang gamitin ang isang white shirt at boxer doon sa closet. Malaki ang damit na halos umabot na sa kanyang tuhod kung sabagay 5'3 lang ang taas niya samantalang ang lalaki nasa tansiya niya'y 6'3 ang taas. Pagkatapos syang panhikan ni Nana Liah ng hapunan agad syang hinila ng antok at nakatulog.
Sa kabilang banda pumasok ang binata sa silid at nakitang mahimbing na natutulog ang dalaga pinagmasdan niya itong payapang natutulog at ng makuntento lumabas na ito ng silid.
Napabalikwas ng bangon si Ava ng mapagtantong pasado alas nuwebe'y na ng umaga. Ganito ba ang may plano tanghali na kung magising kastigo niya sa sarili dali dali siyang tumayo at pumunta ng banyo naligo siya't nagsuot uli ng panibong damit ng binata.
Kailangan niya ng makaalis rito at puntahan ang ina sa lalong madaling panahon hindi siya puwedeng mag aksaya ng oras kahit segundo dahil wala siyang balita sa kanyang ina kung ano na ang nangyayari rito. Paglabas naabutan niya ang isa sa mga katulong na may dalang pagkain. "Nandito na ang iyong almusal kumain kana. Ani nito." Nakaisip siya ng paraan lumapit siya sa pagkain at palihim na kinuha ang bread knife tinago niya iyon sa kanyang likuran.
"Maraming salamat rito." Walang anuman tumalikod na ito pahakbang ngunit bago pa man nito mabuksan ang pinto ng silid dali dali siyang kumilos at inilagay sa leeg nito ang bread knife.
"Wag kang kikilos ng masama kung hindi itatarak ko to sa leeg mo kailangan ko lang makalabas rito at makauwi sa amin pasensya kana!" Hinging paumanhin niya nakonsensya man siya sa nakitang takot sa mga mukha nito ngunit wala syang pagpipilian.
Inutusan niya itong buksan ang pinto at lumakad patungong pintuan. Bibitawan niya ito kapag alam nyang malayo na siya rito at ligtas na ang kalagayan sa binata at sa mga tauhan nito. Patuloy silang naglalakad ng nakatutok sa katulong ang patalim habang siya'y nasa likuran nito. Nagulat si Nana Liah sa kanyang ginawa.
"Jusko kang bata ka ano bang pinaggagawa mo?" Sigaw nito sa gulat.
"Pasensya na Nana Liah ngunit kailangan kong gawin ito upang makaalis rito." Nanginginig man ang buong katawan ngunit hindi niya pinahahalata kailangan nyang maging matatag kung gusto nyang makita ang ina.
Nakababa na sila ng hagdan at palabas na sana ng pintuan ng maaninagan ang kotseng papasok sa malaking gate huminto ito sa tapat ng pinto ng malaking mansion at bumaba mula doon ang binata. Nagsalubong ang kanilang mga mata ganoon parin walang ka emo-emosyon na mas lalong nagpanginig sa kanyang buong katawan. Masama ang tingin nito sa kanya at pakiwari'y lalamunin siya ng buo.
Humakbang ang binata palapit sa kanya agad syang napasigaw at naidiin sa leeg ng katulong ang patalim "Pasensya kana!" bulong niya sa katulong.
"Diyan kalang wag kang lalapit kung hindi." Napahinto siya naiiyak siya sa kanyang sitwasiyon magiging kriminal pa siya ng wala sa oras nanginginig ang kamay niya. "Kung hindi!' Ulit niya. Wala siyang mahagilap na sasabihin.
"Hayaan mo akong makalabas rito kung hi-hindi" Nagkandautal siya dahil sa tinging nakakatakot na titig ng binata sa kanya.
"Kung hindi ano?" Tanong ng binata.
"Kung hindi.." Naubosan siya ng sasabihin ng marinig ang boses ng binata nakakatakot at the same time sexy, nasisiraan na talaga siya dahil nagawa pa nyang purihin ang binata.
Lalong lumapit ang binata sa kanya at sa isang iglap lang nakuha nito ang kamay nyang may hawak sa patalim inangat ang kamay niya at pinilipit iyon mangiyak-ngiyak siya sa ginawa nito pakiramdam niya mababalian siya ng buto ng magtagumpay tinapon nito ang patalim at hinila siya papasok sa loob hawak hawak ang kamay niya na tila parang madudurog sa higpit ng hawak nito.
kinaladkad siya nito paakyat ng hagdan muntik pa syang masubsob dahil sa pagmamadali.
Sunod sunod na tumulo ang luha ng dalaga dahil sa sakit at takot ng mga sandaling iyon.
Pabalandra siya nitong binitawan ng makarating sa silid. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso. "One more mistakes and you will regret it." Malamig at walang emosyon ani nito.
Pinanginigan ng buong katawan si Ava sa sinabi ng binata at sa mga mata nitong nagaalab sa galit. Pabalya siya nitong binitawan at pagkatapos ay lumabas na ito ng silid. Napaupo si Ava sa sahig nanlalambot ang mga tuhod niya kusang tumutulo ang mga luha niya napasandal siya sa kama at niyakap ang mga binti. Paano na ngayon? Natatakot siya sa binata ganoon narin sa kalagayan ng ina at sa kaligtasan niya.
Hapon na ng magising si Ava nakatulugan ang pagiyak mugto ang magkabilang mata niya. Naupo siya habang iniisip kung paano makakatakas kailangan nya makatakas habang maluwag pa ang pagbabantay sa kanya. Pumasok siya ng banyo at nagsimulang malinisan ang sarili saktong paglabas niya pumasok si Nana Liah.
"Pinapatawag ka ni Master Jacob." Anito sa malamig na tinig.
"Ahm Nana liah patawad kanina. Wala ako sa posisyon upang manghusga at magtanong kung ano man ang dahilan mo natitiyak kong mabigat iyon. Lumapit si Ava sa ginang at hinawakan ito sa mga kamay. Nana liah tulungan mo akong makatakas parang awa mo na kailangan ko makita ang aking ina. Ngunit inalis lang ng ginang ang mga kamay niya. Patawarin mo ako sapagkat hindi ko iyon magagawa, Malungkot na anito. Napayuko ang dalaga. Magasikaso kana at pinapatawag ka. Anito at saka lumabas ng silid.
Nanlulumong napaupo siya sa kama malapit na syang mawalan ng pag asa ngunit hindi siya susuko kahit maliit na katiting ng tansiya gagawin niya. Tumayo ang dalaga upang lumabas na ng silid pagbaba ng hagdan natawaan niya kaagad ang binata sa hapagkainin ngunit hindi ginagalaw ang pagkain. Walang pinagbago nakakasindak parin ito kahit tahimik lang. Nagyuko siya ng ulo. Ayaw niyang salubungin ang mga titig nito sapagkat nanghihina ang tuhod niya at para siyang papawian ng hininga.
Tumayo siya ilang hakbang ang layo rito. Nang magangat ang dalaga ng tingin nakita nyang nakatingin at tila sinusuri ng binata ang katawan niya nakita nyang tumaas ang sulok ng labi nito ngunit hindi pinansin.
Binasag ng dalaga ang katahimikan upang hindi mailang dito. "Anong kailangan mo sa akin?" Diretsohang tanong niya.
"You look beautiful in my shirts." Maski siya tumingin sa damit na suot pinamulahan siya ng mukha ng mapagtanto ang sinabi nito.
"Wala kasi akong mahanap na ibang damit patawad kung nakialam ako." Aniya.
"Sit down Ava." nagulat siya ng tawagin ang kanyang pangalan bakit nito alam? Marahil nakapagusap na sila ni Rob bago ang lahat.
"Since your the last relatives of Rob gusto kong ilipat mo sa akin lahat ng ari-arian niya na nasa pangalan mo after that I spare your life." Agad napabaling ang dalaga dito paano niya gagawin yun gayong hindi naman niya kadugo si Rob,
"I'm sorry Mr. Raven but I can't do what you what." Nagtagis ang mga bagang nito sa tinuran niya.
"I'm sure you're fully much aware of what I can do to the people who disobey my order right?!" Anito.
"Yes, I know that's why I'm being honest here. Mr. Cruz paid me to be his slave in 3 months but
then its not happened according to the plan and suddenly you we're appeared and kill him without explaination." Mahabang lintanya niya.
"I don't know who you are. All I want is my money back get it?" "Stop being a bullshit here!" Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Don't be stubborn hah." ipit nito ng buhok sa likod ng tainga niya.
Parang nakiliti si Ava sa hatid ng init ng mga daliri nito. Ngunit agad rin napalitan ng takot ng sabunutan nito ang buhok niya at may kinuha sa likod at pinadaloy nito sa mukha niya ang malamig na bakal.
Nababadiya ng tumulo ang kanyang mga luha ngunit sa ganitong pagkakataon kailangan niyang maging matatag. Binitiwan ni Ava ang kamay ng binata na nakakapit sa likod niya at pagkatapos kinuha nito ang kamay ng binata na may hawak ng baril at buong lakas na kinagat ito. Wala siyang laban kung pisikalan kaya mas mabuting utakan niya ito. Nang mamilipit sa sakit ang binata agad niya itong itinulak ng malakas at ng matumba ito kasabay ng pagkahulog ng baril agad niyang dinampot at dali daling kumaripas ng tumakbo palabas.
Hingal hingal siya ng sa wakas hindi siya nito sinundan. Nang malapit na sa gate agad niyang tinutukan ng baril ang mga gwardiya.
"Palabasin ninyo ako kung hindi ipuputok ko to sa inyo." Sigaw niya dali namang tumalima ang mga gwardiya kahit sobrang kaba at takot ang nararamdaman niya na kung mahuli siya anong kaparusahan ang matatanggap niya rito pero bahala na gagawin niya ang lahat makaalis lang at mapuntahan ang ina.
Nang bumukas ang pinto at palabas na siya tinawag siya ni Jacob at may ipinakita sa dalaga. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita parang biglang nawalan ng kulay ang katawan niya agad niyang naibaba ang baril at kinuha ng mga tauhan nito.
Napaupo siya sa madamong lupa. Naguunahan tumulo ang mga luha niya. "Please ako lang, ako nalang huwag mo idamay ang inay ko please para mo nang awa!" Hinging pakiusap niya sa binata.
"Gagawin ko ang lahat pangako wag mo lang siyang sasaktan siya nalang ang meron ako." Gumaralgal ang tinig niya. Tumitig ang binata sa kanya pagkatapos may tinawagan ito ilang segundo narinig niya itong nagsalita. "Don't kill her ben." yun lang at pinatay na nito ang tawag. Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Paanong kadali nito nalaman ang lahat lahat sa kanya kung sabagay si Rob nga na isa rin sa maimpluwensiya hindi ito nalusotan siya pa kayang isang dukha lang.
Sa isiping hawak nito ang inay Maya niya nanlulumo siya tuluyan na siyang hindi makakawala rito kailangan nyang isipin ang kaligtasan ng ina at tigilan ang mga palpak na desisyon, hihintayin nalang niya na pakawalan siya nito.