Dala ng pagod at ilang araw na puyat nakatulog si Jacob ng hindi niya namamalayan at ganoon rin ang dalaga. Magkayakap silang dalawa na tila walang gustong kumawala. Nakarating sila sa Airport ngunit tulog parin si Ava, samantalang si Jacob kagigising lang, kahit papano'y nakatulog siya ng mahaba haba at nabawi ang ilang araw nyang puyat at pagod. Tumayo si Jacob at lumabas ng silid nakita niya si Ben na naghihintay mula sa paglabas niya sa silid. "Master Jacob, We just arrived!" Pagsilip niya sa bintana tama nga ito ganoon naba katagal ang tulog niya, tumango lamang siya sa lalaki saka muling umupo sa upuan. "Where's what I asking you to do?" Ani ng binata saka inabot sa kanya ang laptop. "Here!" Kinuha iyon ng binata saka tiningnan okay naman ang gawa ni Ben at pinagkakatiwalaan niya

