Masakit ang ulo ni Ava kinabukasan sapagkat hindi siya gaanong nakatulog sa kakaisip at alam nyang nakakaapekto iyon sa kanyang dinadala. kailangan nyang umiwas sa lahat ng magbibigay sa anak niya ng kapahamakan. Paglabas niya ng silid bumangad sa kanya ang katahimikan at pagiisa hanggat maari ayaw itong mangyari ni Ava sapagkat kinakain siya ng matinding lungkot at sakit. Bumalik siya ng silid at naligo pagkatapos nagayos siya ng kaunti binitbit ang maliit nyang bag saka lumabas ng suite ng binata. magiikot ikot siya upang makaiwas sa ganitong pakiramdam kailangan nyang maglibang sapagkat kapag hindi niya iyon ginawa baka masiraan siya ng bait. Nagtungo siya sa isang shopping mall ito lang ang kanyang stressed reliever kapag kinakain siya ng matinding kalungkutan. Pumasok siya

