"Masyadong makapal ang dingding na ito na gawa sa lupa," pag-amin ni Palong habang pilit nilang sinisira ni Arowana ang dingding ng bulkan upang makalikha sila ng butas palabas ng bulkan. Ginagamit ni Palong ang kanyang sandatang tanikala na may kalawit sa dulo, at ang akala nga ni Arowana ay hindi ito naaangkop sa pagtibag ng lupa, ngunit may pambihira pala itong kakayahan. Malaking tulong ang nagagawa ng batang Tagalipol dahil kahit na ginagamit na ni Arowana ang kanyang pambihirang lakas at ang kapangyarihan ng kanyang tubig, dahil siya ay sugatan pa rin, hindi niya maibigay ang lahat ng kanyang lakas. Kaya naman bahagya siyang namangha sa sandatang tanikala ni Palong at kung paano niya ito gamitin, lalo na't malalaking tipak ng lupa at bato ang natitibag nito. Iyon nga lang, sadyan

