Walang kamalay-malay sina Arowana at Purol na nakaambang na sa kanila ang panganib na dala ng sandata ni Kanlaon. Kaya naman nagawa nito ang kanyang balak. Sinaksak nito ulit si Arowana sa kanyang likuran, na kaagad namang napasigaw at natumba. "Mahal na Dian!" hiyaw naman ni Purol sa pagkagulat sa nangyari lalo na nang makita nitong napasuka ng dugo ang Bathala. "Iyan ang napapala niyo dahil iwinaglit niyo sa inyong mga isipan na ako ay narito pa sa inyong paligid," saad ng tinig ni Kanlaon. Tiningnan ni Purol ang kinaroroonan nito dahil kanina lamang ay may katawang-lupa na ulit si Kanlaon ngunit ngayon ay naglaho na naman ito. Bumalik na naman ito sa kanyang anyong apoy, kung kaya't hindi na naman siya mahagilap ni Purol. "Purol... T-Tumakas ka na mula rito..." Iyon ang nasabi ni Aro

