Kabanata 48

1531 Words

Kung kanina ay galit na galit na si Kanlaon dahil sa mga nagaganap, ngayon ay napopoot na siya. Namumuhi. Hindi ito ang kanyang inaasahan. Nagawa siyang saktan nang husto ng isang hamak na tao lamang? Oo nga't marahil ay hindi siya pangkaraniwan--- dahil malamang sa malamang ay pinangangalagaan nga siya ng Bathala ng Kamatayan na si Sidawa, ngunit kahit na iyon nga ang katotohanan, hindi pa rin iyon sapat upang magawa siyang malabanan ng isang gaya niya lamang! Kaya nagpupuyos na ang kalooban ni Kanlaon, sapagkat isa siya sa maituturing na pinakamalakas, kahit na sa isang tulad niyang Bathala. Kilala ang kanyang pangalan sa buong sansinukob bilang isang makapangyarihang Bathala. Sinasamba nga siya ng mga tao upang hindi si9ya mangalit at hindi niya gamitin ang mga bulkan laban sa mga tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD