Kabanata 49

2061 Words

Sunod-sunod ang mga sakunang nagaganap, kaya't hindi na magkamayaw si Arowana sa kanyang mga iniisip--- mga bagay na dapat niyang gawin o hindi. Isang pagkakamali lang kasi ay maaaring magtapos na rito ang mga buhay nila ni Purol. Kaya kailangan niya talagang maging matalino sa kanyang pagpapasya ngayon. Dapat niya bang iligtas muna ang kanyang sarili? Kung tutuusin ay ito ang nanaisin ni Purol kung nakakausap niya lamang ito ngayon. Ngunit dahil nawalan na ito ng ulirat, nasa kanya na ngayon ang pagpapasya. Kailangan niyang isipin kung ano ang makakabuti para sa kanilang dalawa. Ang alam niya ay hindi nagbibiro si Kanlaon sa sinabi nitong sasabog na nga ang bulkang ito na kanilang kinaroroonan. At kahit na tumakas sila ngayon ay nakakatiyak si Arowana na maabutan pa rin sila ng pagsabog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD