(1 month ago)
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa kabilang kuwarto ng nirerentahan naming bahay. Tila may nagwawala rito at kung makakalabog ay wagas na para bang feel na feel niya na siya lang 'yong nakatira sa bahay na ito. Feelingera ang peg niya.
"Hay naku nag-umpisa na namang mangalabog si Adora," naiinis na wika ni Jessica habang nagkakamot ng kanyang ulo. Tulad ko ay naudlot din ang masarap niyang tulog.
"Langya naman oh kasarapan nang tulog may abnormal na naman na nagwawala!" Napabalikwas din sa kanyang higaan ang isa pa naming roommate na si Celine. Tatlo kasi kaming naghahatian sa pagrenta sa maliit na kuwartong ito. Kung may iba lang sana kaming puwedeng pagpilian ay hindi namin gugustohing magrenta dito kasi bukod sa maiingay ang ibang mga housemates ay madalas pang barado at hindi gumagana 'yong cr. Kaso nga lang no choice kami kasi ito lang ang pinakamalapit sa pinagtatrabahuan naming kompanya. 'Yong iba kasi kung 'di mamahalin eh sobrang layo naman sa pinagtatrabahuan namin idagdag pa na sobrang traffic sa Pinas kaya aabutin talaga kami ng tanghali bago makapasok.
"'Di ba sinasaway ng landlady 'yan? Nakakabanas na ha!" Padabog na tumayo ako sa aking higaan. Mukhang wala na talaga akong choice nito kundi bumangon.
"Pa'no sasawayin eh mukhang gangster iyang si Adora?" sagot ni Jessica.
"Tangina niya kung siya gangster ako Mafia!" Natawa kami pareho ni Jessica sa sinabi ni Celine. Kulang nalang umusok ang ilong nito sa galit at anumang oras ay handa nang bumuga ng apoy.
"Tama na 'yan hayaan nalang natin." Tiningnan ko ang cellphone ko at alas-singko na pala ng umaga. "Magluto nalang tayo ng agahan para makaalis na tayo"
Kanya-kanyang ligpit kami sa aming mga higaan habang patuloy parin sa pagwawala si Adora sa kabilang kuwarto. Hindi ko alam kung anong ipinaglalaban niya at ang wagas niya kung magwala. Daig pa niya 'yong batang nagtatantrums.
Nagprito lang ako ng itlog habang nagsaing naman ng kanin si Jessica. Naubos kasi 'yong kanin namin kagabi kaya wala kaming maisangag ngayon. Umuwi ba naman kaming gutom na gutom kasi hindi kami nakapaglunch dahil sa sobrang busy sa opisina kaya ayon taob 'yong kaldero namin.
Pagkatapos kong magprito ng itlog ay sakto namang palabas na ng banyo si Celine, mukhang tapos na siyang maligo kaya ako naman ang sumunod.
Mabilis lang ang ginawa kong pagligo ,ganito kasi kami pag weekdays. Tatlo kasi kaming gumagamit sa iisang banyo kaya importante ang time management. HAHA. Mahirap na malate lalo na ngayon dahil trending sa opisina kahapon na ngayong araw daw uuwi galing New York 'yong apo ni Mr. Henry Caldwell, ang chairman ng HIC Group Of Companies. Siguradong didiretso 'yon sa opisina dahil siya ang bagong appointed na CEO ng HIC Malls.
After nang mabilisang pagligo ay mabilisan din ang ginawa kong pagtotoothbrush at pag-aayos. Dinaig ko pa si Flash sa bilis kong kumilos, pero syempre joke lang kasi si Flash may super powers ako wala. Pati sa pag kain namin ay para kaming nag-uunahan, kala mo naman may price pag nauna matapos. HAHAHA.
To be honest parang gusto ko pa magpasalamat sa pagdadabog ni Adora kasi nagising kami nang maaga atleast maiiwasan namin malate ngayon.
"Sinong maghuhugas?" tanong ng tamad na si Jessica pagkatapos niyang isubo 'yong natirang itlog sa plato niya. Tumingin sa'kin si Celine at mukhang alam ko na kung ano ang mangyayari. As usual magtuturuan na naman po kami nito. Ewan ko ba kung ba't naisipan naming magsama-sama sa iisang kuwarto gayong pare-pareho naman kaming tamad.
"Hoy! Ako 'yong nagluto ng ulam," pangangalandakan ko sa kanila. 'Sige self ipaglaban mo 'yang excuse mo' pagkausap ko sa sarili ko na parang tanga.
"Ako 'yong nagsaing!" paninindigan naman ni Jessica. Napanguso na lamang si Celine, mukhang na gets niya agad kung ano ang kalalabasan ng usapang ito.
Habang naghuhugas ng mga pinagkainan namin si Celine ay tahimik na naghihintay lang kami ni Jessica sa labas ng pintuan ng kuwarto namin. Lumabas si Adora na sabog ang buhok at animo'y natalo sa sabungan ang mukha. Ano na naman kaya'ng ganap sa buhay ng babaeng ito? Lagi nalang 'tong may ganap eh.
Siniko ako ni Jessica na kagaya ko ay 'di rin maalis ang tingin kay Adora.
"Tingin mo ano na naman kaya'ng nangyari don?" tanong niya sabay nguso kay Adora.
"Aba malay ko, baka nakipaghiwalay sa jowa," sagot ko nalang. Gaga naman kasi 'tong kaibigan ko ginawa pa akong manghuhula.
"May jowa pala 'yon?" Natawa ako sa tanong niya.
"Siguro."
"Baka si Iron Man jowa non, kasi kung normal lang na lalake eh hindi manliligaw don. Baka tingin palang niya eh magtatakbo na." Natawa nalang kami pareho sa kagagahan niya. Isali ba naman si Iron Man sa usapan? Parang tanga lang eh.
"Huy! Itigil niyo na 'yang pagmamarites hali na kayo!"
Sa sobrang pagkabusy namin kay Adora ay 'di na namin namalayan na nasa harap na namin si Celine. Malala na talaga pagkamarites namin ni Jessica.
***
Pagkatapos nang medyo mahaba-habang lakaran ay narating na rin namin ang building ng HIC Malls. Agad naming niswipe ang mga ID namin para makapasok.
Papasok palang kami sa elevator nang makasalubong namin ang baklang nagtatrabaho sa Sales Department. Nagmamadali ito at halos mabunggo pa kaming tatlo.
"Huy gaga, gusto mo ba kaming tangayin?" Natawa kami ni Jessica sa pagtataray ni Celine. As usual siya talaga ang pinakamataray sa'ming tatlo.
"Sorry girl, natataranta lang kasi ako," humahangos na paliwanag nito.
"Why? What happened?" Marites na kung marites basta nacucurious ako at gusto kong magtanong.
"Eh kasi alam niyo naman na mababa ang sales this month. Biglang nagpatawag ng meeting si Sir Liam pagkarating na pagkarating niya kaya heto ako't natataranta kasi wala pa si Ms. Ferrer," paliwanag niya. Si Ms. Ferrer ang head ng Sales Department kaya sobrang importante ng presence niya sa meeting.
"Liam? You mean 'yong apo ni Mr. Henry?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Jessica.
"Oo siya nga! He arrived a few minutes ago at nagpatawag agad ng meeting."
Napatingin ako sa cellphone ko, seriously? 7 am palang nagpapatawag na siya ng meeting?
"Bangag ba siya? Eh alam naman niyang nagsisidatingan palang 'yong mga empleyado sa mga oras na 'to!" naiinis na wika ko. Nakakaloka naman kasi kung makapagset ng meeting kala naman niya sa opisina lang natutulog 'yong mga empleyado!
"Sinong tinatawag mong bangag?" Biglang nanindig ang balahibo ko nang may magsalita sa likod ko. Pati ang mga kasama ko ay nanlaki ang mga mata at tila naubusan nang dugo sa putla. Dahan-dahan akong lumingon at sumalubong sa'kin ang pinakaguwapong nilalang na nakita ko. Dark brown na mga buhok, kulay asul na mga mata, perpektong hugis ng mukha at shems ang katawan perfect na perfect. Bagay na bagay rito ang suot niyang kulay itim na suit na yumayakap sa perpektong hubog ng kanyang katawan.
Natigil ako sa pagpapantasiya nang bumulong si bakla, "Siya 'yon, si sir Liam."
Daig ko pa ang nagka stiff-neck, pakiramdam ko nanigas 'yong leeg ko sa sinabi niya. Shemay naman bakit ngayon pa siya lumitaw kung kailan natawag ko siyang bangag?
"Bakit naman kasi 'di mo 'ko sinenyasan na nasa likod ko na pala siya? Pinigilan mo sana ako!" paninisi ko kay bakla.
"Masyado mo kasing nilakasan boses mo." Aba! Sinisi pa 'yong boses ko! Tiningnan ko sina Jessica at Celine na natameme rin at parang natuod na sa kinatatayuan nila. Ang malas naman ng araw na 'to, sa kasamaang palad eh mukhang mawawalan pa yata ako ng trabaho.
"Is that how you greet your boss?" Parang naging switch ang boses niya na bumuhay sa mga natutulog na diwa ng mga kasama ko. Hinila nila ako at iniharap kay sir Liam.
"Good morning sir," sabay-sabay na wika nilang tatlo habang ako ay nanatiling nakatayo. Hindi ko kasi alam kung ano 'yong sasabihin ko. Pakiramdam ko umurong 'yong dila ko at kailangan ko pa itong hilahin pabalik.
"Gaga mag sorry ka," bulong ni Celine sa'kin. Si sir Liam ay nanatiling nakatingin lang sa'kin habang nagsasalubong ang mga kilay. Shems bakit ang hot niya parin kahit mukha na siyang bulkan na sasabog?
"Sasabog na 'yong bulkan," biglang sambit ko na naging dahilan para mas lalong mangunot ang noo niya at magpigil ng tawa 'yong tatlo kong kasama.
"Are you drunk? Kanina tinawag mo siyang bangag ngayon naman nag-iimagine ka ng bulkan na sasabog? Gaga ka." Hindi ko nalang pinansin ang binulong sa'kin ni Jessica dahil mas nakafocus ako sa mangangain ng taong nasa harap ko. Oh Lord, bakit naman ganito 'tong bibig ko? Kung may powers lang sana ako ay minagic ko na 'yong sarili ko na maging invisible.
"You're fired," casual na pagkakasabi niya bago ako tuluyang nilagpasan at pumasok sa elevator. Tila natuod ako sa aking kinatatayuan at hindi maprocess ng gaga kong utak ang sinabi niya.
"You're fired,"
"You're fired,"
"You're fired,"
Paulit-ulit na nagreplay sa utak ko ang dalawang salita na tatapos sa maliligaya kong araw bilang designer ng HIC Apparel. Kung puwede lang sanang hilahin ang dila ko ay ginawa ko na. Sobrang pahamak talaga ng bunganga kong ito.
"Girl, pa'no na ngayon 'yan?" mangiyak-ngiyak na sambit ni bakla. Naaawang tiningnan nila ako at mukhang mas mauuna pa yata silang maiyak sa'kin.
Hindi ako makapagsalita, ganito pala 'yong feeling na para kang binagsakan ng langit at lupa. Sa loob ng tatlong taong pagtatrabaho ko rito ay hindi ko inaasahang sa ganitong paraan magtatapos ang lahat. Hindi ko inaasahang ang unang araw ng bagong CEO ay ang siya namang huling araw na makakatapak ako sa kompanyang ito.