"Huy girl! Ano tatayo ka nalang diyan?" Paggising ni bakla sa natutulog kong diwa. "Gumawa ka nang paraan makiusap ka kay sir Liam!" pag-uudyok niya sa'kin.
"Oo nga girl bilisan mo na habulin mo!" dagdag pa ni Jessica, habang si Celine ay umiiyak na. Feel naman niyang siya 'yong mawawalan ng trabaho kung makaiyak.
"Anong floor ba 'yong opisina niya?" wala sa sariling tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata ng tatlo na animo'y 'di makapaniwala na hindi ko alam kung asa'n ang opisina ng CEO. Sa tagal ko na dito ay dapat alam ko na 'yon pero sa pagkakataong ito ay lumipad na sa kung saan ang utak ko at tinakasan na niya ako.
"Sa executive floor gaga!" sagot ni bakla sabay tulak sa'kin papasok sa elevator, na hindi ko namanlang namalayan na pinindot na pala nila.
"Samahan mo Jess." Hindi na nakaangal si Jessica dahil itinulak na siya ni Celine papasok.
Nanginginig man ang mga kamay ko ay pinilit kong pindutin ang button para sa 15th floor kung saan naroon ang CEO's office. Ang kasama ko naman ay hindi mapakali, walang humpay ang paglalakad niya nang pabalik-balik sa harapan ko.
"Jess nahihilo ako," reklamo ko sa kanya, tumigil siya sa paglalakad at maluha-luhang tumingin sa'kin. Parang mas kinakabahan pa yata 'to. Pero seryoso legit din 'yong kaba ko sa mga oras na 'to. Gusto ko itong trabaho ko kaya gagawin ko lahat para manatili sa kompanya. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon at mas lalong ayaw kong bumalik sa bahay namin pag nawalan na ako ng panggastos. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik doon, mas pipiliin ko nalang mamuhay ng simple at magtiis sa ingay ng mga housemates sa inuupahan naming bahay kaysa umuwi ako sa'min at maging unwanted child na naman.
Walang gustong magsalita sa'min ni Jessica, pareho siguro naming iniisip ang possibleng maging resulta ng pagkausap namin kay sir Liam. Bumukas ang elevator at wala sa sariling humakbang ako palabas. Nakasunod lang saakin si Jessica na hindi parin umiimik.
Dumiretso ako kay Elena ang nag-iisang kakilala ko dito sa executive floor.
"Elena andiyan na ba 'yong bagong CEO?" tanong ko sabay turo sa opisina ni sir Liam.
"Nasa conference room sila girl, bakit?" Ay ang gaga ko talaga! Oo nga pala may meeting sila ngayon ng mga taga sales department.
"Sa tingin mo anong oras ba matatapos 'yong meeting nila?" Sa wakas ay nagsalita na itong kasama ko. Ang akala ko talaga ay hindi na ito iimik dahil sa kaba.
"Actually 30 minutes lang siguro tapos na 'yon pero hindi ko lang sure kung wala na siyang ibang gagawin pagkatapos non. Mabuti pa tawagan ko 'yong assistant niya." Agad na kinuha ni Elena ang phone niya at nagdial. Ilang segundo lang ay sumagot na agad ang nasa kabilang linya.
"Hello, Patrick? Babalik ba agad si Sir sa opisina niya pagkatapos ng meeting ?........... Ah okay sige, sasabihan ko nalang na maghintay."
"Hintayin niyo nalang babalik daw agad iyon pagkatapos," sambit ni Elena pagkatapos nila mag-usap ng assistant ni sir Liam.
Tumango na lang kami ni Jessica.
"Pero teka, ano bang kailangan niyo kay sir?" nagtatakang tanong niya.
"Tanungin mo 'tong babaeng 'to." Turo sa'kin ni Jessica. Seryosong tumingin sa'kin si Elena na para bang sinusuri ako.
"Hayst ,mahabang istorya basta ang alam ko lang ay nanganganib na matanggal ako kapag hindi ko nakausap si sir," sagot ko nalang. Alangan namang sabihin kong ipinahamak ako ng bunganga ko at natawag kong bangag si sir Liam. Siguradong pagtatawanan niya ako.
"Hay naku girl kung ano man 'yong nagawa mo siguradong mahihirapan ka, balita ko bukod sa cold iyong si sir Liam ay may pagka-istrikto din," pananakot niya sa'kin. Imbes na pagaanin 'yong loob ko ay tinakot pa talaga ako. Gaga din itong babaeng 'to.
"Wala akong magagawa kong ito na 'yong huling araw ko dito." Napabuntong hininga na lamang ako. Yinakap ako nina Elena at Jessica sabay himas sa likod ko para pakalmahin ako.
"Girl, gawin mo lang 'yong makakaya mo. For sure maaawa 'yon sa'yo. Tao lang din naman siya, may puso 'yon," pagpapakalma sa'kin ni Jessica.
"Oo nga, huwag ka nang mag-alala girl," dagdag pa ni Elena. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga empleyado, para kaming mga housemates sa bahay ni kuya na nagyayakapan dahil malapit ng maevict 'yong isa.
"Salamat sa inyo." Yumakap ako sa kanilang dalawa pabalik at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Pinagkaitan man ako ng pagmamahal ng aking mga magulang ay sinuwerte naman ako sa mga kaibigan ko. Sila 'yong lagi kong natatakbuhan tuwing may problema ako, sila 'yong pinakaunang dadamay sa'kin at higit sa lahat sila din 'yong pinakaproud sa lahat ng mga achievements ko.
"Umupo ka muna." Pinaupo ako ni Elena sa kulay puting couch sa may receiving area ng executive floor. Ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko dahil sa kaba. Tinalo pa 'yong lamig ng aircon sa buong building.
"Bumalik ka na sa opisina Jess, kaya ko na 'to," sambit ko kay Jess pagkaupo namin. Siguradong hinahanap na siya ng team leader namin, mahirap na baka pati siya ay matanggal rin dahil sa'kin.
"Sigurado ka ba?" nag-aalalang tanong niya. Pati si Elena ay punong-puno rin ng pag-aalala ang mga mata.
"Oo, 'wag kang mag-alala pipigilan ko na talaga itong bunganga ko," paninigurado ko sa kanya. Napipilitang tumango na lang ito.
"Tawagan mo kami agad pagkatapos mong makausap si sir, ha?" sambit niya bago tuluyang umalis. Tumango nalang ako sa kanya, habang si Elena ay bumalik na sa kanyang trabaho.
Halos isang oras akong naupo sa couch bago ko tuluyang natanaw na palabas nang elevator si sir Liam kasama ang kanyang assistant. Napatitig ako sa kanya habang naglalakad. Maawtoridad ang kanyang tindig at nang sandaling magtama ang aming mga mata ay bigla ko nalang naramdaman na nag slow-mo ang paligid. Ang mga empleyado na kanya-kanyang balik sa kanilang mga trabaho matapos matanaw ang kanyang pagdating ay biglang naglaho sa aking paningin. Pakiramdam ko kaming dalawa na lang ang nandito.
Parang tangang napatayo ako sa aking inuupuan at namalayan ko nalang ang aking sarili na naglalakad papalapit sa kanya. How can a man be as hot as him? Matatalim ang kanyang mga tingin sa'kin na para bang ako ang pinakanakakainis na taong nakita niya, pero imbis na matakot ako ay parang natutuwa pa ako na tinitingnan niya ako. Wala sa sariling napalunok ako nang magkalapit na kaming dalawa, kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. At para bang pinaglalaruan ako ng tadhana nang biglang umihip ang hangin na hindi ko alam kung saan nanggaling dahil wala namang bukas na bintana ang building na ito. Naamoy ko ang pabango niyang nanuot sa ilong ko, to be honest nasusuka ako dati kapag nakakaamoy ako ng pabango ng lalake pero kakaiba 'yong dating sa'kin ng pabango niya. Hindi ako magsasawang amoy-amoyin ito.
"What do you want?" nabalik ako sa reyalidad dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Shems kahit ang boses niya parang nang-aakit.
"Sir, I'm sorry. Hindi ko naman po sinasadyang tawagin kang bangag," paliwanag ko. Kailangan kong ayusin ang sarili ko at itigil na muna ang pagpapantasiya sa kanya kung gusto ko pang magtagal sa trabaho. Nangunot lamang ang noo niya sakin at nilagpasan lang ako.
"Sir wait lang!" Napahawak ako sa braso niya para sana pigilan siya pero napabitaw ako agad dahil sa kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko. Shems!
Tiningnan niya lang ako nang masama at nagpatuloy na sa paglalakad. Hinabol ko siya sa kabila ng mga tingin na ipinupukol sa'kin ng ibang mga empleyado. Wala akong pakialam sa sasabihin nila, ang importante ay maisalba ko ang trabaho ko.
"Sir pakinggan mo naman po ako," pagmamakaawa ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at sa kasamaang palad ay nasubsob ako sa likod niya. Shems naamoy ko na naman ang pabango niya! Bumilis ang t***k ng puso ko at hindi na ako makagalaw.
Humarap siya sa'kin at naramdaman ko nalang na nanghina ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa braso niya bilang suporta dahil anumang oras ay matutumba na ako.
Nandidiring tinabig naman niya ang kamay ko. Grabe itong si sir kung makatabig sa kamay ko parang may sakit akong nakakahawa.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayaw ko nang dagdagan pa ang kahihiyang inabot ko sa araw na ito.
"Sir, please po huwag mo naman po akong alisin sa trabaho," pagmamakaawa ko ulit sa kanya. Nanatiling nakatingin lang siya sa'kin at 'di ko mahinuha kung ano ang iniisip niya sa pagkakataong ito. Siguro ay iniisip niyang nababaliw na ako, pero hindi 'yon ang mahalaga sa ngayon.
"You're from HIC Apparel, right?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Pa'no niya nalamang sa HIC Apparel ako nakaassign? Hindi kaya pinacheck niya ako sa assistant niya kanina matapos ko siyang tawaging bangag?
"You are Claire Margarette Villashne, one of the top designers of HIC Apparel. But let's see if you really deserve that title," he challenged me.
"What do you mean sir? You think I don't deserve to be one of the top designers of HIC Apparel?" Aba! Pasalamat siya dahil crush ko siya at gusto ko pang magtagal sa kompanyang ito. Dahil kung hindi kanina ko pa siya binulyawan. I've worked hard to earn that title, sa dami ba naman ng mga tulog na isinakripisyo ko para lamang maabot ko ang title na 'yan! He has no right to judge me gayong ngayon lang nga siya dumating. Hindi siya aware sa mga sacrifices naming mga empleyado bago pa umapak ang mga paa niya dito sa Pilipinas.
"Then prove it! If you want to stay in this company then do your best. One month, I'm giving you a month para pataasin ang sales ng HIC Apparel at malagpasan nito ang ibang mga brands na member ng HIC Malls. If you can manage to do that, I will personally introduce you to the whole HIC Group as an outstanding designer. But if you failed, you can say goodbye to your job," he said bago siya tuluyang pumasok sa kanyang opisina.
Sinusubukan niya talaga ako. Pwes ipapakita ko sa kanya na deserve kong mapabilang sa mga pinakamagagaling na designer ng HIC Apparel!