Chapter 3; You're Someone I Can't Resist

1556 Words
Tahimik na naglakad ako pabalik sa floor na nakaassign for HIC Apparel staffs. Iniisip ko parin kung ano 'yong puwede kong gawin para tumaas ang sales namin. Aba hindi ako papayag na pagtawanan ako ni sir Liam. Kailangan kong mapatunayan sa kanya ang halaga ko sa kompanyang ito. "Besh kamusta? Anong sabi ni sir Liam?" tanong agad ni Jessica nang makita niya ako. Hindi na muna ako sumagot, dumiretso ako sa aking table at naupo sa swivel chair. Nakasunod lang sa'kin si Jessica na may nagtatakang ekspresiyon sa kanyang mukha. "Hoy babae ano na? Pinapakaba mo kami!" inis na wika ni Celine, hindi ko manlang napansin na nakalapit na pala siya sa'kin. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "He challenged me, kailangan kong pataasin ang sales ng HIC Apparel sa loob lamang ng isang buwan." Parehong nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. "Ano? Besh para ka naman niyang inuutusan na mag magic! Alam naman nating lahat na ang focus ng HIC Apparel ay toddlers. Nahihirapan tayong lamangan ang ibang mga brands kasi sa fashion industry ang focus nila. Anong laban ng mga pambatang damit sa mga gowns and casual dresses ng ibang brands?" Napaisip ako sa sinabi ni Celine. Tama siya, nowadays mas kumikita nga ang mga gowns compared sa mga damit for toddlers. "What if magdesign din tayo ng mga gowns and dresses?" Hindi naman siguro masamang magtry ng ibang styles and designs. "Gaga! Pag ginawa mo 'yan kakalabanin mo 'yong Elegance na brand ni Miss Katey. Alam mong 'yon ang best seller brand ng HIC Malls pagdating sa mga gowns and dresses," pagpigil niya sa'kin. "It's okay, I'll try talking to our department head.Who knows baka pumayag siya at maapprove din ng director natin." "You sound like you're really prepared for Miss Katey's rage," sambit ni Celine bago tuluyang bumalik sa kanyang table. Nahihimigan ko ang pagkadismaya at pangamba sa kanyang boses. "Huwag mo nalang pansinin 'yong sinabi ni Celine, nag-aalala lang 'yon sa'yo." Jessica patted my shoulder before she went back to her table. Sino nga ba talaga si Miss Katey at bakit parang takot sa kanya ang lahat? Bakit hindi nalang siya ang naging CEO ng HIC Malls? Hays , gusto kong patunayan ang sarili ko pero mukhang sa gagawin kong ito lilikha ako ng kaaway. Isang kaaway na hindi basta-basta at alam kong lalaban hanggang sa dulo. Napabuntong hininga na lamang ako. I grabbed my tablet and started creating some drafts. Ang naisip kong concept ay 'Dress Like My Mom' at 'Like Father Like Son'. It's a collection of twinning outfits for children and their parents. I want to strengthen ties between families through the art of fashion. Pasimple kong sinulyapan sina Jessica at Celine, nakafocus sila sa kanya-kanya nilang collections ng mga damit for toddlers. Alam ko na nag-aalala sila sa'kin, bilang mga kaibigan ko alam ko na ayaw nilang makita na mahirapan ako. But since I chose this path, there's no turning back for me. ***** Palubog na ang araw nang mapatingin ako sa glass window ng opisina namin. Nagkulay kahel ang langit, simbolo nang pagtatapos ng isa na namang nakakapagod na araw. Pero hindi ako papayag na kagaya nang paglubog ng araw ay lulubog din ang aking mga pangarap. "Besh, let's go. Tama na muna 'yan," pag-aya sa'kin ni Jessica habang si Celine ay busy lang sa kanyang cellphone. Nakatayo na pala sila sa likod ko hindi ko manlang namalayan ang paglapit nila. "Mauna na kayo girls," sagot ko sa kanya. Kailangan kong matapos ang mga designs ko para makagawa na rin ako ng proposal. I only have a month to prove myself. "Hay naku, gaano ba katigas 'yang ulo mo ha Claire Margarette Villashne?" inis na sambit ni Celine. Nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako. Ang maldita talaga ng babaeng ito! "You know I hate it when someone is doubting my capabilities, I have my pride afterall!" paliwanag ko. I know the dangers, but I don't want to be called unworthy of my reputation. And besides, deserve ng HIC Apparel na sumubok ng mga bagong opportunities para mas mag grow ang kompanya. "Well then mauna na kami. Goodluck, I hope your head is hard enough to withstand the wall that you're about to bump!" Celine said, her voice sounded more like a warning. Jessica stared at me with her eyes full of emotions, I just smiled at her bago ako bumalik sa aking ginagawa. I've been working for hours and I could feel my stomach grumbling. Jeez I haven't had dinner, I was too busy working with my designs that I forgot about it. I slowly took my phone out of my pocket and it was too late for me to realize that it's already dead. Iginala ko ang aking tingin sa paligid, the office was already dark. Tanging 'yong ilaw na nagmumula sa computer at tablet ko ang nananatiling bukas. Nabuhay ang kaba sa aking dibdib, masyado akong nagfocus sa aking ginagawa na nakalimutan ko na tuloy tumingin sa paligid. I turned off my computer at niligpit ko na ang mga gamit ko. I grabbed my tablet , ito nalang ang gagamitin kong ilaw. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa elevator, hindi ko alam kung bakit pero hindi mawala-wala 'yong kaba sa dibdib ko. Ang bilis nang t***k ng puso ko , akala mo naman may karerang nagaganap sa loob nito. Pagkapindot ko sa elevator ay para akong tangang nagbibilang kung ilang segundo na ba ang nakalipas bago ito tuluyang bumukas. At sa kamalas-malasan, pagkabukas nito ay bumungad sa'kin ang lalakeng mas lalong nagpabilis nang pagtibok ng puso ko. Nakatingin siya sa kanyang relo at nang dahan-dahan siyang mag-angat ng tingin ay nagtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko nanghina na naman ang mga tuhod ko sa klase ng pagtitig niya sa'kin. Ano nga bang meron sa lalakeng ito at bakit ganito na lamang ang epekto niya sa'kin? "Don't just stand there! Don't you want to come in?" sambit niya na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. He sounds irritated kaya nagmamadali akong pumasok. Tiningnan ko siya pagkatapos kong pindutin ang button para sa groundfloor, pero nakatitig na naman ito sa kanyang cellphone. I feel like ito ang pinaka-awkward na moment sa buong buhay ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumulyap sa kanya to the point na parang nahihilo na ako kakalingon pero sa kanyang cellphone parin siya nakatingin. 'Sobrang pangit ko ba kaya 'di niya manlang ako magawang tingnan?' di ko mapigilang tanungin ang sarili ko. Pagbukas ng elevator ay mas nauna pa siyang lumabas sa'kin. "Sir Liam!" Paghabol ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi manlang ako nilingon. "What do you want?" "Sir, hindi po kasi ako nakapagpabook ng grab. Late na po at wala na pong gaanong taxi na dadaan," nahihiyang sagot ko sa kanya. Bahala na kung ano 'yong iisipin niya basta gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito na makasama siya. "So? What do you want me to do?" Humarap siya saakin na salubong ang kilay. Diyos ko ba't sobrang hot niya? Pakiramdam ko nag-aapoy na ang paligid shems. "Puwede po ba akong sumabay sa'yo?" Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Okay," simpleng sagot niya na nagpatalon sa puso ko, daig ko pa 'yong nanalo sa lotto. ****** Habang nasa biyahe kami ay pasulyap-sulyap ako sa kanya. Shems ang guwapo niya talaga! Kurt Liam Caldwell, ikaw ang pangarap ko at gagawin ko ang lahat maging akin ka lang! "Quit staring at me!" Napalunok ako sa sinabi niya. Shems napansin niyang sumusulyap ako sa kanya. "Ang guwapo mo po sir," wala sa sariling sagot ko. Gusto kong sampalin 'yong sarili ko dahil sa kagagahan ko. Lumipad na naman ang utak ko , hindi niya tuloy nasaway itong bunganga ko. "Is that how you gain your reputation as one of the top designers of HIC Apparel?" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. "What do you mean sir?" Aba hindi porket crush ko siya eh hahayaan ko siya sa mga pinagsasabi niya. Sa kanya lang naman ako nagkaganito! "Flirting with your boss? Is that your way to gain something?" casual ang pagkakasabi niya na para bang normal lang sa isang babaeng gaya ko na masabihan nang gano'n. "Excuse me sir, if you think na nilandi ko ang director ng HIC Apparel para lang maging top designer ako then you're wrong!" Pinaghirapan kong makuha lahat ng meron ako. Papatunayan ko 'yon sa kanya kung gaano ko kagusto ang mga challenges. Mas challenging mas better. "Oh really?" he said seductively. He stopped the car and the next thing he did surprised me. He leaned towards me at walang sabi-sabing inangkin niya ang mga labi ko. Gusto kong pumalag pero wala akong lakas para itulak siya. He kissed me torridly hanggang sa naging marahan ito at ramdam ko ang pagmamahal sa bawat halik niya. "Uhmmmm," I moaned. Napakapit ako sa batok niya at natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa mapupusok niyang mga halik. "Sh*t! I've been trying to avoid you but you just don't know how to keep a distance from me," saad niya while he's planting some small kisses on my neck. "Sir Liam, angkinin mo 'ko," gusto kong bawiin ang sinabi kong iyon pero huli na dahil mas lalo pa niyang diniinan ang kanyang mga halik. It's as if my words turned him on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD