AMBER POV “Good morning, Mr. Peralta.” Ngiting bungad ko sa paparating na boss ko. As usual ay nakasimangot na naman ito. Parang hangin lang ako nito na dinaan habang papasok sa opisina nito sabay halos ibalibag ang pinto sa pagsasara. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. “Happy Monday self”. Ang aga-aga ay naka busangot na naman ang mukha, kaya lalong nagmumukhang matanda, eh. Kaya tamad na tamad akong bumangon kapag monday. Unang araw pa lang ng linggo sira na ang araw ko kapag nakikita si ermitanyo. Malamang dere-derecho ito hanggang friday. Dapat nga ay ako ang sumimangot dito sa boss ko. Ginawa akong tanga sa pag-iwan sa akin sa bahay ampunan, hindi ko naman talaga intensyon na sumabay sa kanya pauwi... pero sana naman sinabi nito in a nice way. 'Yung hindi ako pi

