AMBER'S POV “You first!” pagalit na sabi ni Sir Phillip sabay alis ng tingin sa akin. Nakakunot na naman ang noo ito at sumimangot. “Kailan ko kaya makikitang ngingiti sa akin ang matandang binata na ito?” sambit ko sa sarili ko. Naglagay ako ng paminta sa lugaw ko at agad inilapag sa table nang matapos. Agad din naman kinuha iyon ni Sir Phil at naglagay sa sarili nitong mangkok. Napansin kong naparami ang lagay nito ng paminta sa lugaw. Tahimik lang kami na mag-amo habang kumakain. Pasimple akong lumingon sa mukha nito habang seryosong kumakain. Dumako ang tingin ko sa mga labi nito at biglang naalala ang namagitang halikan sa pagitan namin. Sakto naman na inangat ni Sir Phillip ang mukha nito dahilan para magtama ang mata namin. Napaso ako sa matalim na tingin nito kaya ibinaling k

