AMBER'S POV Hindi agad ako nakakilos dahil sa pagkakadikit ng mga labi namin. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang nangyayaring gulo sa paligid. Kasabay ng pagdikit ng labi namin ni Sir Phillip ay ang pagtama ng mata namin sa isa’t isa. Pareho kaming hindi kumukurap habang nakatingin sa isa’t isa. Nakahawak pa rin ako sa magkabilang balikat nito habang siya ay mahigpit na nakahawak sa beywang ko, ang isang kamay ay nakasuporta naman sa likod ko para hindi ako tuluyang bumagsak sa lapag. Tila tumigil ang oras at tanging malakas na t***k ng puso ko lang ang naririnig ko. Unti unti kong napansin na pumikit si Sir Phillip at dahan-dahang gumalaw ang labi nito sa pagkakadikit sa labi ko. Biglang nagising ang utak ko dahil sa pagkagulat sa kinilos nito. Nasa gitna nga pala kami ng dance floor a

