AMBER'S POV “Baka naman namamalik mata ka lang, Amber?” wika ni Samantha mula sa kabilang linya. “Siguro nga ,Sam. Kasalanan ito ni tanda, beshy. Sobra talaga akong na-stress kahapon sa kabubulyaw niya ,bes. Panay hampas sa mesa kapag nagagalit.” Inis na wika ko. Ngayon pa lang ay tinatamad na akong pumasok dahil lunes na bukas, dahil makikita ko na naman ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob. “Pero, beshy, paano nga kung biglang magpakita saýo si Ken?” “Hindi ko na siya mahal, Sam. Matagal ko na siyang binaon sa limot. Masyado akong nasaktan sa pang-iiwan niya sa akin. Kung sakit ko man ang dahilan ng paglayo niya sana sinabi na lang niya. Hindi 'yung binalewala niya lang ako at pinag mukhang tanga.” sabi ko kay Sam. “Alam mo, Amber, hindi ko ine-expect na gagawin niya ‘yun sa iyo

