AMBER'S POV Naramdaman ko na lang ang magkabilang kamay ni Sir Phillip na nakapulupot sa beywang ko at matapos ay tinanawid ng labi ang pagitan namin. Wala na akong nagawa dahil nanigas na ako sa kabang naramdaman. Dahan-dahan na ipinikit ni Sir Phillip ang mata nito. Tila nahawa na ako dahil unti-unti na rin bumigat ang talukap ng mata ko at dahan-dahan naipikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paggalaw ng labi ni Sir Phillip. Marahan lang iyon. Ramdam ko ang init na nagmumula sa labi nito. Unti unting bumaba ang mga kamay ko mula sa pisngi nito pababa sa dibdib ni Sir Phillip. Tila mawawalan kasi ako ng balanse at sa dibdib nito kumuha ng suporta. Sa ginawa ko ay bigla na lang ako na hinapit pa sa beywang ni Sir Phillip. Mas naging mapusok ang paghalik ng lalaki sa akin. Tila nawa

