Amelia Bernadeth Manalo's POV “G-good Morning Mr. Peralta!” bati ko sa kadarating lang na matandang binatang ermitanyo. Hindi man lang ito lumingon at dere derechong pumasok ng opisina nito at matapos ay malakas na isinara ang pinto. Napapikit ako dahil halos mabasag na naman ang ear drums ko. “Happy Monday again, self!” Ang aga-aga ay daig pa ng bitter na matandang binata ang babaeng may dysmenorrhea sa sungit. Bumaba na ako agad para bumili ng coffee sa café sa tapat ng Peralta building. Isang linggo ang nakaraan magmula ang mainit na halikan namin ni Sir Phillip. Nang pumasok ito nang nakaraang lunes ay halos oras-oras ako nitong nabubulyawan. Pati ang coffee na tinimpla ko sa kanya ay tinanggihan niya na naman. Kaya balik ako sa dating gawi na taga bili ng kape nito. Akala ko

