AMBER'S POV “Good morning, Sir.” halos sabay sabay na bati ng mga staff kay Sir Phillip habang papasok kami dito sa regional office ng Peralta Land Corporation. “Good morning, Sir Phillip.” Salubong ng isang may edad na lalaki. Lumingon ito sa akin at ngumiti ginantihan ko rin ng pilit na ngiti. Mukha kasi itong manyakis na kalahi ni Phillip Mark Peralta. “Good morning, madam! I’m Lavinio Dimaculangan, general manager here.” Nilahad nito ang kamay nito sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi kunin iyon kahit naiilang ako sa titig ng matandang ito sa akin. Ayoko naman na magmukhang bastos. “Nice to meet you, Sir Lavinio! Amber po ang pangalan ko.” sagot ko. Nakipagkamay ito sa akin. “You can call me Lav for short.” sabi nito sa akin habang hindi pa rin pinapakawalan ang kamay ko.

