AMBER'S POV Napailing na lang ako sa ikinilos ni Sir Phillip. Sigurado na talaga ako na tatanda itong binata dahil sa gaspang ng ugali nito. “Sayang gwapo pa naman ito dati... bakit kasi hindi na lang mag move-on at mag make over ng sarili. Baka sakali na maka-bingwit pa ng babae na magtitis sa ugali niya!” Tiningnan ko ang oras at lagpas ala una na pala. Kaya siguro nagagalit na si tanda dahil nagugutom na ito. Hindi ko naman alam kung ilang minuto na ito naghihintay sa akin. Ang sarap naman kasi na matulog sa malaki at malambot na kama dito sa hotel. Kahit yata limang tao ay kakasya sa laki nito. Ang swerte talaga ng mayayaman... samantalang kami ni Nanay ay matigas na papag lang ang higaan namin. Wala naman kaming pambili ng foam para man lang malambot ang mahihigaan namin. Agad

