AMBER'S POV “Anak, mag-iingat ka, ha. Bawal ka na magpuyat... Laging may prutas at gulay dapat ang kakainin mo.” Sunod sunod na bilin ni Nanay sa akin. “Nay, hindi naman po ako mag-aabroad, nasa Pilipinas pa rin naman ako.” sabi ko kay Nanay na natataranta sa pagtulong sa akin sa pag-eempake sa maleta. Kauuwi ko lang ng bahay at maaga akong pinauwi ni Sir Phillip at sinabihan na maghanda para sumama raw sa kanya sa official business nito. Hindi ko alam kung bakit biglaan. Secretary niya ako kaya dapat ay sinabi man lang nito sa akin noong nakaraang linggo para mas nakapaghanda ako. Ang sinabi lang nito sa akin ay may problema ang isa sa mga commercial buildings na pag-aari ng mga Peralta. “Basta, mag-iingat ka ha, anak.” sabi ni Nanay habang hinahagod ang likod ko. “Opo, Nay. Kayo ri

