Heat Yourself 1
Zara Shiloh Zaragoza-Laurier
"ZARA! Where is that girl?!"
Tinalukbong ko pa lalo ang kumot ko para itago ang sarili sa liwanag. Sobrang lamig naman ata ng kwarto ko ngayon?
"Honey please calm down, let Zara explain her self first." may naririnig akong nagkakagulo sa labas ng kwarto ko. Ano ba ang nangyayari? Ang aga aga ay sobrang ingay naman ng mansyon na to.
"No! Did you know kung ano ang ginawa niya sa anak ni Congressman kagabi? He kicked the young man's dck!" Napabalikwas ako sa inis ng hindi ko na maatim pa ang bawat ingay na naririnig ko.
"Ano ba! Kung ayaw n'yong magpatulog please lang sa malayo kayo mag-ingay!" inis kong sigaw. Biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa doon ang nanggagalaiti kong ama at ang nag-aalala kong ina.
"You dumb child of mine! May gana ka pa talagang mainis dahil binulabog namin ang pagtulog mo, hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo?!" galit niyang usal. Pumasok na rin sila sa loob ng kwarto ko, napasabunot na lang ako sa buhok ko at tinalukbong ang kumot ko.
Damn ang ingay na nga ang lamig pa ng panahon, mukhang nakatodo ata ang lamig ng kwarto ko.
"Why did you kick him huh?! Hindi mo ba alam na galit na galit ang asawa ni Congressman ngayon dahil sa ginawa mo sa anak niya?" galit na dagdag ni daddy.
"That was his fault! Hindi ko naman kasalanan! Kung hindi lang niya ako binastos kagabi ay malamang sana buo pa ang itlog niya ngayon!" sagot ko. He pulled my sheet kaya napabalikwas ako agad.
"Yan, yan ang mali sayo! Alam mong bawal kang pumunta ng club ay pumunta punta ka pa rin! Now look what you have done?! Are you trying to ruin our family's honor?!"
Napakamot na lang ako ng batok ko, family's honor. Tsk, bullsht. "Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ang totoong nangyari but instead you barge in here in my room and yelled at me like ako lang ang may kasalanang nagawa." sagot ko.
"Aba't---" akmang hihilahin niya na sana ako nang pigilan siya ni mommy. Nakikita ko na hindi gusto ni mommy ang ginagawa ni daddy.
"Try and hurt my child Leonandro, ako ang makakalaban mo." seryoso niyang usal habang dinuduro duro ang dibdib ni daddy. Natahimik naman si daddy. "Yan, kampihan mo pa ang kasutilan ng anak mo! Kaya tumitigas ang ulo niyan eh."
Nagmana lang naman ako sayo eh, saan pa ba ako magmamana?
"Bakit?! Tama naman si Zara ah, bakit hindi mo man lang siya tinanong kung ano talaga ang nangyari?! Kung tutuusin ay dapat itanong din natin sa anak ni Congressman kung bakit yun nagawa ni Zara," I crossed my arms as I yawned. Kailan pa to matatapos, kulang pa ang tulog ko eh.
Bumaling sa akin si mommy nang sobrang seryoso. "Ano ba talaga ang nangyari anak? Bakit sinipa mo naman ang ari ng batang yun?"
Now this is my time to explain dahil yun ang dinedeprive sa akin ni daddy kanina.
"I was out partying with my friends last night when that son of a btc--"
"Language." pagbabanta ni mommy kaya napatikhim agad ako. "He suddenly barge in the room where me and friends celebrates. He keep on acting like a brat saying na anak siya ni congressman etcetera..." Napasandal na lang ako sa headboard ng kama ko bago ko icontinue ang story ko.
"Then inakbayan niya ako and he keep on doing advances towards me and I keep on saying no pero hindi niya ako pinakinggan," pagpapatuloy ko. Tahimik namang nakikinig sa akin silang dalawa, si mommy lang talaga ag makakapatahimik sa napakadaldal kong tatay.
"Then what happened?" tanong ni mommy.
"Then he keep on boasting na no one in this world can say no to him and he wants to bed me, so I did what I needed to do." I said calmly.
I heard father scoffed. "This child is unbelievable, knowing your true nature sa tingin mo ganun ang nangyari? Maniniwala kami na ikaw ang biktima dito?"
I smirked, kinuha ko naman ang phone ko to play that video. Binigay ko naman iyon kay mommy. Hindi naman maipinta agad ang kanyang mukha nang makita niya na tama ang lahat ng sinasabi ko.
"And he really have the nerve na ikaw ang papalabasin na ikaw ang masama dito?!" galit na singhal ni mommy. Hinarap naman niya si daddy na halos hindi rin makapaniwala na nagsasabi ako ng totoo, I just smirked at him.
"Leandro this is wrong! How can you blame your daughter kung saan tama naman pala ang ginawa niya?!" galit niyang baling kay daddy.
"Hindi ko alam!"
Hindi mo naman pala alam pero kung makabaling ka ng sisi sa akin kanina ay parang wala na akong ginawang tama dito.
"That son of a btch tries to blame my daughter for something na tama naman ang ginawa niya, hinding hindi ko to papalampasin Leandro!" tinapon niya ang phone ko sa kama at lumabas.
My dad angrily look at me but he didn't say anything, he just stormed out my room at malakas na binalabag ang pintuan ko. Pag yan nasira ibibili mo ako ng mas mahal diyan.
Kinuha ko ang kumot ko at tinalukbong ulit sa katawan ko, bahala sila diyan magkagulo dahil pagod ako.
Natulog ulit ako ng ilang oras at pag-gising ko ay gabi na naman pala, kinusot kusot ko ang aking mga mata tsaka tulalang nakatitig sa ceiling. This routine is getting boring at parang nasa loop ako, every morning ay naririnig kong galit si daddy sa mga tauhan niyang sobrang kupag at si mommy na nag-aayos ng mga kakailanganin sa hacienda. Napabangon na lang ako sa king size bed ko.
Napatitig ako sa aircon ko nakatodo pala ang lamig, I shouldn't drink too much dahil sa lamig ako mamamatay. Bumangon na rin ako sa kama at binuksan ang malaking kurtina ng kwarto ko, bumungad sa akin ang napakalapad na lupain na pinagmamay-ari ng mga Laurier at Zaragoza.
My dad is the self-made billionaire who owns tons of estates and company hindi lang dito sa Pilipinas kundi pa na rin sa mundo, kilala siya bilang strikto at metikulosong tao. Kaya siguro ganun na rin ang kanyang pagtrato sa akin.
My mom was the sole heir of the Laurier Company, it mission is to produce high quality of fabrics and many products in the world. Both of the married and sadly they had me, the only daughter of the richest people in the world.
Binuksan ko agad ang pintuan papunta sa veranda ng kwarto ko, the air was so refreshing. Ito lang yung nagpapakalma sa akin sa kabila ng mga nangyayari sa buhay ko.
I grab my phone and I immediately scroll kung ano na nga ba ang nangyayari sa paligid ko.
"Congressman's only son was detained for harassment." yun lang ang basa ko sa main headlines ng balita. Napangiti na lang ako, kanina lang kami nag-uusap ng mga magulang ko dahil sa nangyari sa kagabi.
"Well, deserve." usal ko. I scrolled once again and I was stopped by the news.
"Governor Asher Leon Chaves donates 5.5 million pesos in charity." I just smiled as I click the news. Tumambad sa akin ang nakangiting mukha ng lalaking hinahangaan ko, despite of his smile ay sobrang lamig ng kanyang titig. His broad shoulders is very distinctive, his body is really out of this world.
Binaba ko na lang ang phone ko at tinitigan ang mga bituin sa langit. "I have all the money and fame in this world and yet I can't have the man I dream about."