CHAPTER 1
3RD PERSON's POV
Nakatayo si Zeri at Zera sa pintuan ng silid ni Yurizo at Yuan na parehong nag-iimpake ng kanilang mga gamit.
“Are you both sure that you really want to transfer? I mean, maganda naman sa school na pinapasukan niyo ngayon ah. Doon kami nag-aral ng mom at mga dad niyo.” Ani Zera at sabay naman siyang nilingon ng anak at pamangkin
“I'm sure about this aunt,”
“Me too mom. I can't let my cousin go there alone, kawawa naman siya dahil paniguradong mami-miss niya ako.”
“As if, stop saying nonsense Yuan. Why don't you just stay here? Your presence are not needed there after all.” Ani Yurizo sa pinsan na agad namang sumimangot
“Whatever! I'll go with you okay? Isa pa, as if din naman na kailangan ka roon.” Inirapan siya nito na parang babae kaya napailing nalang siya
“Pst fine! Kayo ang bahala pero saang school niyo ba balak lumipat?”
Nag-katinginan ang mag-pinsan dahil sa naging tanong ni Zera.
“HAYASHI UNIVERSITY.” Sabay na sagot ng mga ito tsaka ngumisi dahilan para matigilan si Zera
“HAYASHI UNIVERSITY? Saan naman nakatayo ang paaralan na 'yan? It's my first time hearing that school's name.” Kunot noo na litanya ni Zera
Wala itong ideya sa whereabouts ng paaralan na sinabi ng anak at pamangkin.
Well, it's already expected. Hindi naman kasi lahat ng tao ay alam ang tungkol doon. It's not an ordinary school after all.
“HAYASHI UNIVERSITY is not the right school for the both of you.” Sa pagkakataon na ito ay si Zeri na ang nag-salita
Seryoso ito kaya mas lalong kumunot ang noo ni Zera.
“Bakit naman Zeri?” She asked her
“Because it's a dangerous place. Lahat ng estudyante roon ay mga mafia, gangster at assassin. Doon hinahasa ang kakayahan ng mga taong nais maging malakas at bihasa.” Sagot nito
Lumaki naman ang kan'yang mata matapos iyong marinig.
“W-what?! There's a school like that?” Hindi makapaniwala niyang tanong
“Yeah, it's located in a secret place na tanging ang mga may connection lang sa underground ang nakakaalam. Not because you are mafia, gangster or assassin ay kailangan mo ng mag-aral doon. Ikaw ang magde-desisyon kung nais mo roon na pumasok o hindi. It was made with the purpose of helping students improve their fighting skills.” Paliwanag ng kapatid
“Oh? That's cool.” Ani Yurizo na hindi man lang inalintana ang mga impormasyon na nalaman
“Can you change your mind Yurizo, Yuan? It's too dangerous to enter that school.” Nag-aalala na sambit niya
“I'm sorry but I already decided to study there aunt,”
“Kaya nga po mom. There's no need for you to worry about us dahil magiging maayos lang po kami ro'n ni Yurizo. Aunt Zeri taught us how to fight after all, so you can relax.” Napabuntong hininga nalang siya dahil sa sinabi ng anak
Sa kabila ng maraming pagkakaiba nito at ni Yurizo ay may ilan naman silang pagkakapareho.
Isa roon ay ang hindi pagbabago ng isip.
Sa oras na makapag-desisyon na sila ay hindi na iyon mababago pa.
“Fine, fine. But make sure not to cause any trouble.” Pagsuko niya dahil alam niyang walang balak na mag-papigil ang dalawa
As if din naman na may magagawa siya para pigilan ang mga ito.
“We got it, mom!” Niyakap siya ng anak kaya napangiti nalang siya
“How about you aunt Zeri?” Baling ni Yurizo sa kan'yang tita Zeri
“If that's what you guys want then, I won't stop you. But when you are there already, do everything to stay away from death.” Sagot nito
“We'll remember that mom/aunt.”
“Good. Pagkatapos niyong mag-impake ay matulog na kayo. Malayo ang Hayashi University dito sa atin kaya dapat maaga kayo ditong umalis para makarating din kayo roon ng maaga.” Ani Zeri
“We understand.”
Tumango nalang siya bago lumabas sa silid ng mga ito at agad namang sumunod sa kan'ya si Zera.
“You two just let them study there? Is not it too risky? What if something bad happen to them?” Seryosong litanya ni Yudos nang maabutan nila ito sa sala katabi si Pierce na mukhang tutol din sa pag-pasok ng anak at pamangkin sa HAYASHI UNIVERSITY.
Narinig kasi ng mga ito ang naging usapan nila Zeri sa silid ng anak at pamangkin.
“Nasa dugo na namin ang pagiging Mafia, Yudos. Gustuhin man natin na maging normal lang sila ay wala tayong magagawa kung sila na mismo ang gustong pasukin ang mundong minsan ng kinalakihan ko.” Sagot ni Zeri
“Tsaka mag-tiwala na lang tayo sa kanila. Alam natin higit kanino man na hindi ang dalawang bata na 'yon ang tipo na magpapa-api lang. Paniguradong kaya nilang ipagtanggol ang kanilang sarili.” Patuloy niya pa
Wala namang nagawa ang mga ito kung hindi ang sumangayon nalang din.
Sa totoo lang ay simula elementary hanggang mag-highschool ang mag-pinsan ay madalas na silang nadadawit sa gulo.
Popular si Yuan sa mga babae dahil sa angkin nitong karisma. At bagama't ilang beses na itong sinabihan ni Zera na tumigil sa kalokohan ay panay pa rin ang pakikipag-date nito at pag-landi sa iba't-ibang babae kaya madalas ay nakakatikim ito ng sampal mula sa mga ito.
Perks of being a playboy.
Isa pang problema rito ay ang pagiging mapang-asar nito. Isa itong pilyong lalaki na may pagka-arogante rin kaya naman maraming lalaki ang naiinis sa kan'ya na madalas ay inaabangan siya para gulpihin pero malas lang ng mga ito dahil marunong siyang makipag-laban.
Isama mo pa ang pinsan na si Yurizo na madalas niyang idawit ang pangalan sa gulo kaya no choice rin ito kung hindi ang ma-involved.
Tatlong beses sa limang araw na pag-pasok sa eskwela ang bilang ng araw na umuuwi ang dalawa na may talsik ng dugo ang uniporme.
Hindi nga nila alam kung dapat ba silang matuwa dahil wala man lang galos ang mga ito o hindi.
“Mag-iingat kayong dalawa roon, huwag naman kayong mag-umpisa ng gulo.” Paalala ni Yudos nang sumakay na sa sasakyan ang anak at pamangkin
Ngayong araw na kasi pupunta ang mga ito sa Hayashi University.
“Iwasan mong gumawa ng maraming kaaway Yuan, huwag mo rin palaging idinadamay sa gulo ang pinsan mo.” Sambit naman ni Pierce sa anak
“Copy dad, uncle.” Kinindatan pa sila ni Yuan kaya naman napailing nalang sila
“Return here if you guys changed your mind.” Muling sambit ni Yudos
“Ingatan at protektahan niyo ang isa't-isa. At Yuan, matuto kang makinig sa pinsan mo.” Sabi naman ni Zera
Napanguso tuloy si Yuan dahil puro siya nalang ang pinapa-alalahanan ng mga ito. “Why do I need to listen to him mom? We are in the same age.” Reklamo niya
“Dahil mas magaling mag-isip ang pinsan mo kaysa sa'yo. Puro nalang kalokohan ang ginagawa mo.” Mas lalong humaba ang nguso niya dahil sa sinabi ng ina
“You guys had no idea how troublesome this monkey too. When someone's talking to him, he will ignored them at kung sasagot man siya ay napaka-rude ng pananalita niya.” Pagsusumbong niya
“For example no'ng tinanong siya ng kaklase namin kung ano 'yong binabasa niya tapos ang sagot niya ay ‘This book are not for stupids, so don't asked me and fvck off,’.” Ginaya niya pa ang normal na expression ng pinsan at pananalita kaya napangiwi nalang ang kanilang mga magulang.