CHAPTER 4

1086 Words
TOP POV Hindi siya ganoon kalayo sa kinaroroonan ko kanina. Pero kitang kita ng dalawa kong mata kung gaano kaganda ang batang yun sa paningin ko. May isang side ng isip ko na parang nakita ko na ito minsan... Bukod pa roon ay may taglay tong pambihirang talino. Sa record na ibinigay sa akin ay walang pinanggalingan paaralan ang bata ngunit credited ang record nito sa DepEd dahil ang mga guro nito sa homeschool ay lisensiyado. Ito ang kauna-unahan na siya ay makikisalamuha sa tao at maswerte ata ang aking classroom dahil sakin napunta ang competitive na student na ito. Napangiti akong muli ng naglalaro sa isip ko ang cute niyang bangs. Napakababy face niya tulad ng aking mamita Jewel. Kahit na may edad na ang aking lola ay napakaganda pa noon. Hey, baka isipin nyo ay matanda na ako. Fresh graduate lamang ako guys. Im just 22 years old. May sarili akong negosyo sa labas ngunit may tauhan naman akong nag-aasikaso noon. May tatlong taon pa ako upang magturo bago ko pasukin at harapin ang mga negosyong naipundar ng aking magulang. Sa ngayon, ito ang gusto kong gawin. Ang magturo. Narito ako ngayon sa faculty room. Reces time ngayon ng mga students at pinili ko lamang na magstay sa table ko dahil may pinag-aaralan akong lesson mamaya para sa English sa huli nilang klase sa hapon. After reces, Math subject ang sunod na klase ng mga bata sa room ko, sunod noon ay Filipino sa tanghali at ako na ang sunod. Magtuturo rin ako sa grade 10B mamaya ng science at sa grade 10C ng English. Pero naeexcite talaga ako ngayon sa klase ko. ***** CANTEEN LUNCH BREAK CHARLES POV "Tol, seryoso!? Ang dami namang yakult yan? Baka naman ang ok ka ba tyan ay maging ouch ka sa tiyan!!!? Siya ba talaga iinom niyan!!!? " bulalas ni Geon sa sampung yakult na nasa tray ko. Kabilin bilinan kasi ito ng Tita Olive ko. Hindi ito kumakain ng walang yakult. Bukod sa yakult ay may mineral water din akong binili at ang chapsoy na gusto niya. Pinaupo ko na lamang siya sa sa apatang upuan at ako na nag-order. Kanina lang ay pinakilala ko si Geon dito kahit na ayaw ko. At hito pat nakijoin pa sa hapagkainan namin! Si Carlo naman ay katabi na ni Irish. Hindi siya makahirit dito dahil sa may suot na namang headphone ang alaga ko. Kaya ang cellphone niya ang kinukulikot nito at tamang nanunuod lamang sa kanya si Irish habang may pinapakinggang sa kanyang headphone. May pagkain ng nabili si Carlo at hinihintay lamang niya kami para sabay sabay. "Hi Charles! " bati sakin Pia, ang cheer leader ng cheering squad. Di ko pala nababanggit na star player ako ng basketball team ng junior high. Pero kailan lang ng nagpasa ako ng resignation at sa logic game na lamang ang pinasukan kong kapalit. Magiging complicated kasi sa oras ko ang pag-eensayo dahil hindi ako maaaring lumayo kay Irish. Hindi naman pwedeng siya pa sasabay sakin sa schedule ko. Nasa usapan na ako ang kailangan mag adjust kahit kapalit noon ay ang hilig ko. "Oh hi. " balik bati ko na ikinangiti niya at hito nanaman siya, hindi nanaman makakilos kaya ayaw kong sumagot o maging clingly. "Ahm may kailangan ka Pia!? Kung wala una na ko. " sabay talikod ko na rito. Nasa section B sya at pinapasalamat ko yun kasi makulit sya sa way na nagpapapasin? "Seriously tol? Nililigawan ka na, ayaw mo pa eh campus crush yun tol! " si Geon na sumunod na sakin sa paglakad. "Wala sa isip ko. " "Eh tol ako! Pwede ko bang ligawan ang pinsan mo? " Oo, pinsan ang pakilala ko sa ulol kong kaibigan para hindi na siya magtanong ng kung ano ano pa. "Shut up!!!! " "Possisive pinsan mo tol!!! Pero grabe ha!!! Lahi nyo ba talaga ang pagiging matalino!? " At hito umupo na kami. Napansin kong ang daming kalalakihang nakatingin kay Iris lalo na ang grupo ni Megan. Napabuntong hininga na lamang ako. Saka ko inilapag ang pagkain ni Irish sa harap nya. "Thank you." pasalamat niya. Then automatic ang kamay niya sa yakult at nilaklak na agad ang tatlo. Nakalimutan kong sabihin na two and half rice ang order nya with chapsoy at crispy pork. Then may gravy siyang apat. Napalunok na lamang ako kung paano siya kumain. Hindi kasi halata sa katawan nya na matakaw sya. Ohhh, hindi pala matakaw, magana siyang kumain. "Water!? " haha nagtanong ako, di pala ako naririnig. Kaya kinuha ko ang headphone niya at isinampay sa leeg. "Drink water, baka mabulunan ka." "Thank you. " "Irish, banana oh...? " alok ni Geon pero tiningnan lamang siya nito. Tinawanan siya ni Carlo kasi sa totoo lang, kanina parin nagdadaldal si Geon kay Irish pero bilang talaga ang sagot nito. Yung tipong ang dami mo ng naitanong pero one word lang ang sagot niya. "Fafa Geon, ako nalang alukin mo...." pang-aasar ni Carlo na ikinangisi naman ni Geon. "Allergy." singit ni Irish. At sa sagot niyang iyon ay napatulala si Geon in third time. Parang Pia lang rin. Maya maya ay may inilapag na isang pack ng yakult sa harap ni Irish. Ang putcha, si Megan umiepal! May sticky note iyon na nagpapakilala siya sa papel - Hi Sirius! Im Migz. - Sabay talikod nito. Kukunin ko na sana ito pero magkasabay ang aming kamay na napahawak sa yakult. Kamay ko nahawakan niya. Ang lambot ng kamay niya at ang kinis.... Ba yan. "It's mine! " Fuck!!!! Basta yakult kahit kanino pa ata manggaling tinatanggap niya! "I can buy you again, wag na toh, we don't know baka.... " "No need. Nakapack naman. " Napabuntong hininga na lamang ako at binitawan ko ang yakult. kinuha niya ito at inilagay sa kanyang mini bag. Ang natira niyang yakult na binili ko ay inubos na niya pagkatapos naming kumain. Hinanap ng mata ko ang Megan Ortiga na yun at saktong nahuli ko siyang nakatingin kay Irish na nakangiti. Nasa section B ang lalaking ito at star player ito ng soccer. Sa totoo lang ayaw ko sa lalaking yun dahil kilala itong papalit palit ng babae. Ang bilis ng balita na ganun na agad kasikat ang pangalan ni Sirius sa unang araw. Sigh. Tapos na kaming kumain. May thirty minutes pa bago ang klase. Nagbabasa nanaman siya ng aklat habang tinitirentas ni Carlo ang mahaba at itim niyang buhok. French braid ata ang style nito. Naalala ko tuloy kanina ang Math subject namin.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD