CHAPTET 5

1276 Words
CHARLES POV Nasa chapter 1 parin kami ng Algebraic expression. Tinatackle namin kanina ang estimating surds. Nagbigay si Ms. Casapao ng question. Ang makakasagot daw noon ay bibigyan niya ng 5points sa quiz after class na magpapactivity siya. Nagsulat na siya sa white board ng problem. -- Find two consecutive integers such that 26−−√ lies between them. (Remember that consecutive integers are two integers that follow one another on the number line, for example, 5 and 6 or 8 and 9.) -- Binigyan nya kami ng five minutes para makuha ang solution. Lahat kami ay nag-umpisa ng mag isip ng solution but si Irish kanina ko pa siya napapansing inaantok. At nagkataong napansin ito ng matanda naming teacher. Matandang dalaga ito kaya strict ito at sabihin na nating masungit. "Miss Melicano, di ko alam na nakakaantok pala ang mathematics ko. I prepared an exercises for you. Baka sakaling magising ka. Come forward. " walang kaemosyon emosyon ang mukha itong nakatingin kay Irish. Agad namang tumayo si Irish at pumunta sa unahan. Inabot ni Ms Casapao ang whiteboard marker. Agad itong nagsulat doon at bukod sa sinulat niya ay enixplain nya rin ito. "Step 1: Use perfect squares to estimate the lower integer 5.2=25. Therefore 5 Step 2: Use perfect squares to estimate the upper integer 62=36. Therefore 26−−√ Step 3: Write the final answer 5 (May mali sa mga symbol ko :( ayaw gumana ng square root at cube root ko etc. ) Napatikhim si Ms Casapao ng ilang beses matapos na inexplain ni Irish ang solution niya. Nagpaalam rin ito na kung pwede na siyang bumalik sa kanyang upuan at umupo. Tumango lamang si Ms. Casapao at after noon ay nagbigay na siya ng another problem. Short quiz iyon pero madugong solving dahil sinali nito ang iba pang tinackle last week. Ganyan sya kalupit. Araw araw kaming may quiz. Mabilis itong natapos ni Irish at ang lakas pa ng loob nitong nagpaalam kay Ms. Casapao na iidlip lamang siya na pinayagan naman ng aming guro. So that nakapag 30 minutes beauty rest siya habang kami ay nangangamote. End of flashback yun ha... Tumambay kami ni Geon sa labas. Iniwan ko si Irish kay Carlo at magkasundo naman sila na. Ito nga lang ang may lakas loob na kausapin si Irish at lahat ng babae ay ilag. Sa mahigit 40 plus kaming student sa class A, labing anim lang kaming lalaki. What i mean 15 na straight at isang Carla. Hindi ganun kalantad si Carlo. Ito pa nga ang baklang ayaw ng kaartehan kaya mga gusto nitong nakaupo nalang sa isang sulok at panay cellphone nalang. Ang ending, magkasundo ang dalawa. "Charles, pinabibigay ni Pia. " may kaartehang ani ng babaeng nasa likuran ko. Si Janel Tomilas ang nagsalita na yun. Classmate ko at kasama nya ang grupo niyang kikay. Oo mga kikay gawa ng ang daming kolorete sa mukha, sa buhok at sa teynga. Pero wag ka at matatalino sila. Kaya nga Section A eh. Anak siya ng ng isang proffesor sa college department. Siya ang pambato sa dance sport. Sabihin na nating queen of ballroom ang isang ito. "Dating gawi, sa inyo na. " "Ai ai captain!!! Salamat sa treat! " masigla niyang sagot. Isang box iyon ng ferrero, eh siya lang naman ang napapakisuyuan ni Pia sa mga ganyan. Ewan ko ba sa babaeng yun. Wala ng kasawaan sa chocolate. May shop kasi sila ng mga imported chocolates kaya, sinasabi ko na sa inyo, may schedule ang ibat ibang chocolate brand nya at every Monday expected na Ferrero ang ibibigay noon. "Charles, tagal tagal na niyang nanliligaw sayo, di mo pa sya sinasagot, sya ba ang dahilan?" sabay gamit ng kanyang mata upang ituro si Irish. Ahhhh nagawa pang mag interview ng babaeng toh. "Dun ka na! " pagtataboy ko. "Sabihin mo nga yung totoo tol, pinsan mo o pinsan pinsanan!? Pinagluluko mo ata kami eh!!! " si Renan yun. Isa parin itong nagpupumilit na ipakilala ko daw sya. "Tol, sinasabi mo lang ata na pinsan mo para paghigpitan kami na di makalapit eh!!!! Wag ka nga tol! " si Renz naman yun na kahit sa canteen kami kanina ay pasimpleng nagpapapansin kay Irish. Tamang nakikinig lamang si Geon pero masama na ang tingin sakin. "Tumigil nga kayo. Wala namang pumipigil sa inyo na lapitan at kausapin sya!" sagot ko nalang. Totoo naman eh. Nagbabantay lang naman ako. Basta wag lang nilang gagawan ng masama at magkakamatayan na. Future ko kaya nakataya. Inilabas si Irish ng bahay para matutong makisalamuha sa kapwa at wala akong karapatang tumutol dun. "Oo nga..... Tama ka dun. Kayo lang tong nababahag eh, naurong ang buntot hehe" sagot ni Janel na di pa pala naalis sa likuran namin. "Wala.... Kayo ata ang bakla at hindi si Carlo.... " singit naman ni Jinky Namul Pan na isa ring kikay. "Ehhh Charles, para kasing si Carlo yun. Parang ang hirap pakisamahan ba... Parang ang taray. Mabait ba yun? " si Janel muli na napapaisip. "Ahhh bakit kaya hindi nalang siya ang tanungin mo? " "Eh kasi nga mukhang mataray! " -Janel "Mabait yun. Kaibiganin nyo kaya. " udyok ko. "Tol, ako iibigin ko! " si Renz na ngumiti pa. "Tsk! " "Wag ka nga Renz, ikaw pa eh, si Myka nga di mo mapasagot!!! Naman!!! " -Janel Tagalang nakikipag-asaran na si Janel kay Renz pero halata naman na nagseselos si Janel dahil alam ng lahat na crush nito ang ulupong na toh! Bakit hindi eh, kahit mestisong kapal kilay kasi toh ay napakagaling mag hip hop nito. Bagay naman sila. Manhid lang ang ungas, ang hina ng pakiramdam. magkapartner din sila sa ballroom. "Pasok na, nandyan na si Maam Dizon. Jose Rizal pa naman ang topic natin ngayon! " sa wakas nagsalita na si Geon. Totoo iyon. Tatalakayin namin ngayon ang buhay ni Jose Rizal. Last week kasi halos nagreview lang kami ng mga pinag-aralan namin noong grade 9. Napansin ko kay Irish na mahilig siyang may take-down sa kanyang notes. Minsan ko ngang sinilip ang kanyang sinusulat at mga keyword lang ang nakita ko. Hito na, tulad ng eniexpect ng lahat, nagpakitang gilas nanaman siya. Para siyang nabuhay sa panahon ni Rizal. Ako nga litong lito sa mga date, at kailangan ko pang magmemorize sa mga yan magdamagan pero putik, ikweninto na niya ang buod ng El Filibusterismo! Walang sablay. Eh di yun, ang expectation ni Maam may alam din kami kaya hito pinuri sya ni Maam at pati kami napuri. Ang sipag daw naming magresearch. Halaka!!!! Kinalabasan ulit, hito quiz. Ah ah!!! Parang ayaw ko na atang maging classmate ito. During quiz, huling huli ko. Si Carlo!! Shiiit ang anak ng kwago, pinapakupya ni Irish. Marunong din palang magpakupya si Irish!? Sinipa ko ang bangko ni Carlo. Nagbabakasakali na hindi niya ipagdamot sakin ang sagot. Abah!! Share the blessing! Abah ang putik tumaas ang kilay!!! Pero natakot sa aura ko kaya hayun pinakupya nya rin ako. Mabuti nalang at matanda na si Maam Dizon, di kami napapansin. Higit sa lahat nasa likuran kaya kami. Itong katabi ko naman sa magkabilaan ay humahaba din ang leeg. Hehe, oh diba. Di ko na ipagdadamot, kinopya ko lang din naman kasi. After ng quiz pinacheckan na sa katabi, corrected by lang ilalagay. Ang putang *na , ang g*go ni Carlo, kukupya lang kay Irish eh ang t*nga pa!!! Hindi naman duling pero sablay ang number ng hayop!!! Ang kinalabasan halos mangamote ako sa score!!!! Si Geon for the first time one mistake. Sila lang ni Irish ang nakakuha ng mataas na marka. Tarantado! Sa susunod di na ako mangungupya! At ang malupit binatukan ako ng dalawang ulupong na katabi ko!!!! Hanep!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD