CHAPTER 6

1124 Words
CHARLES POV Kalalabas lamang ni Maam Dizon. Reces nanaman. Nasa canteen ulit kami. Kumakain ito ng dalawang burger with fries. At nilapagan ito ni Geon ng isang pack ng Yakult. Ganun din si Carlo. Si Geon tuwang tuwa pero si Carlo busangot ang mukha tulad ko. Di ako makamove on talaga sa up to 50 items ay 5 lang ang nakuha ko. Si Carlo ay ganun rin at siempre ganun din si Harry at Paul na katabi ko. Ng mapagsolo kami ni Irish kanina, tinanong ko sya kung bakit nya pinakupya si Carlo. Tapos ibinigay nito ang maliit na papel. Ito ang nakasulat. -I'll buy you a pack of yakult, pacopy paste ako ng answer. - Ang p*tang *na sinuhulan ng yakult si Irish. "How about Geon?" tanong ko. At may ibinigay rin siyang papel sakin. -Pakopya Ganda, treat kita yakult! - Abah!!! Hindi na nahiya ang gago!!! Napapatadyak ako sa inis. Matic si Carlo pag-iinitan ko. "Hey Carlo, what happened? Pinakopya ka na sumablay ka pa! " singhal ko. Di ko na napigilan. Napahiya ako kanina kasi inaannounce ang score ko. Nakakahiya. Top one kaya ako noong grade 9. "Shut up!!! Natense kaya ako.... Alam mo namang now lang ako nangupya!" Nakahalumbaba niyang paliwanag. "Teyka, bakit sinisisi mo ba ako? Huh FYI ikaw ang sumipa sa bangko ko at sabi mo ganun!! " na minustra pa ang mata na ginawa ko kanina. Napatingin sakin si Irish kaya sunod sunod ang lunok ko ng laway. Sarap tuloy lagyan ng headphone ang teynga nya. Sarap tadyakan ng Carlong baklang to eh. Binuking pa ako. Hindi ako nagmumura actual, sa utak ko lang. Baka ako mapaoffice kapag ganun. Hindi pa ako nakakarecover sa dalawang pack ng yakult na inilapag sa harap ko ay may isa pa ulit na yakult. May sticky note ito. - I love your hair! nice! It's me migz - Nabasa iyon ni Irish at ewan naiinis ako. Agad na akong tumayo at inaya ko na ang mga ito. Kinuha ko ang tatlong pack at ako na ang nagdala. Sakto pagbalik namin sa room ay ang pagdating ng class adviser namin, si teacher Top Cannor. Ang kinagigiliwan ng mga estudyanteng babae. Sa akin ay normal lamang siya. Pero sa mata kasi ng mga babae, hot ang teacher namin. Nagmomodelo kasi ito sa isang sikat na business magazine. Siya nga pala ang suma camlaude ng CEU. Dalawang kurso ang tinapos. Sunog kilay lang ang guro kong ito. MVP din ito at isa ako sa mga fans niya. Basketball Captain ng College department. Ang pamilya Cannor ay kilala sa pinakatop 1 billionaire sa buong mundo. Pangalawa lamang si William Henry Gates o kilalang Bill Gates. Balibalita nga ay may hidden guards ito na nalabas lang kapag nasa panganib. Nahuli ko si sir na nakatingin kay Irish at bahagya pa itong namula ng sinalubong ito ng tingin ni Irish. Ahhh tulad kanina, muntik ko ng di maalala may quiz po ulit. Pwede bang Tuesday na! Di man lang ako nakabuklat ng notes ko dahil sa lintik na history yun pero Filipino naman ang subject! Kung dati close kami ni Dr. Jose Rizal, parang ngayon nagdadalawang isip na ako. Nahuli ko si Carlo na nagbigay ng papel. Ahuh! at ang aking paa ay nag automatic sipa sa bangko nito. Pero nilakihan lamang ako ng mata! Ehhh, nakalimutan ko kasing magbuklat ng notes kanina at nabloblock na ako. Kakainin ko muna sinabi ko kanina na di na ako mangungupya! Ang bangko naman ni Geon ang sinipa ko at sinalubong ako ng ngiti at may pa no sign pa!!! Mga hay*p!!! Pag ako nakabawe!!!! Who you kayo sakin!!!! Pero ang bilis ng karma. Nagpaessay si sir!!!! "Hahahaha!!!! Ops!!! " "What's funny Mr. Yapilito!? " si sir yun, napalakas tawa ko. Napatikhim ako bago sumagot. "I love essay sir!!! I prepared it." I answered sabay smile. Kaya lang wrong move nanaman!!! Lahat ang sama ng tingin sakin except Irish na balewala lang. Nakalimutan ko na ayaw nga pala ng mga classmate ko ng essay. Hindi sila makalong neck. Itong Carlo at Geon, lumilisik ang mata sakin. As usual. Ignore nalang. Binigyan kami ni Sir ng 15 minutes para ipaliwanag ang kanyang binigay na topic. Ang sarap ng feeling kasi halos nakaback to back na ako ng sulat. Napalingon ako kay sir at may hawak na itong papel. "Impressive Miss Melicano! " "Thank you sir. " Sabay sabay ang lahat na napatingin sa hawak ni sir na papel. At nahuli ng mata ko ay halos wala pang kalahati ang naisulat doon ni Irish. Samantalang ang nasa papel ko ay kulang pa ang baliktaran! Nagkasabayan pa ang ilan na napatingin sa mga sariling papel at ibabalik ang mata sa hawak ni sir. Tsk!!!! Pagkatapos ng 15 minutes at nagsimula ng magdisscuss si sir ng lesson. Then sa end ng class ay nag pagsabi ito na bukas gagawin ang submission ng club election officer. Bago umalis si sir at kinausap niya si Irish. Napapaisip tuloy ako kung ano ang napag-usapan nilang dalawa dahil ng tinanong ko ito ang salitang "nothing" lang ang isinagot sakin. Naglalakad na kami sa pathway papuntang parking lot kung saan naghihintay ang driver namin ni Irish ng sumabay samin sa paglalakad sila Geon at Carlo plus ang labing tatlo pa naming classmate na lalaki. Eh perfect attendance kaming boys sa pathway. "Hi Sirius!!! " sabay sabay na bati ng mga kumag. "Hatid ka na namin sa parking lot para secured ka!!! Daming naka-abang eh!! " boses yun ni Renz. "Tsk! " tanging reaction ko. Pero wala man lang reaction kay Irish. Tanging... "Thank You" tipid niyang sagot. At nag-CHORUS pa silang sumagot ng... "Welcome! " Bago sumakay si Irish sa pinagbuksan kong pinto ay mabilis na nakipagbeso beso pa si Carlo sa alaga ko!!! Ang bakla!!!! Nakatouch!!! Eh di ang lahat napatulala!!! Sabay pang pumilantik ang kamay nito na akala mo ay nagflip ng buhok na mahaba. Nakita ko rin si Megan na napatulala saka iyon pumasok sa loob ng kotse na sundo niya. Nasa loob na kami ng kotse ng makita ko itong umiinom nanaman ng yakult. Pang fifteen na niya iyon. Natatakot tuloy ako para dito. "Hey Irish, safe bang uminom ka ng marami nyan? Naka 15 ka na! " "Seventeen." "What? " kelan yung dalawa!!? Itatanong ko sana kaya lang baka sabihin nyang binabantayan ko siya sa ganun. "Each bottle of Yakult contains more than 10 billion of unique probiotics, L. casei strain Shirota which have been scientifically proven to withstand gastric juice and bile to reach the intestines alive. Drinking more than one bottle of Yakult a day is also fine, as it will cause no harm." "Ok. " Oo o hindi lang lang naman ang isasagot, ang daming sinabi. Wala naman akong naintindihan haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD