Chapter 8

2498 Words
Kung inaakala mong palalampasin ko yun ng ganun ganun nalang? Nagkakamali ka" Bulong ko sa sarili ko habang nagtitimpla ng kape ng boss kong demonyo. Nilagyan ko ito ng asin at saka hinalo habang nakangiti Pumasok ako ng opisina nya at inabot ito sakanya ng nakangiti pa din. "What's with the smile?" Nagtataka nitong tanong habang nakatingin sakin ng nagdududa "Nothing sir." sabay talikod Ano kayang lasa non? Bago ko pa isara ang pinto ay sinilip ko pa ang itsura nya habang iniinom ang kape, medyo nagtataka sya sa lasa pero nagkibit balikat lang sya at patuloy na nag scroll sa laptop nya. Kala mo naman totoong nagtatrabaho. Eh nasakin naman na lahat ng trabaho nya. Dalawang linggo ang nakalipas ng makapag pahinga ako at magsimula uling magtrabaho sakanya. Hindi ko alam ang nangyari pero nung makabalik sya ay para na syang tuta na masipag pumasok at mahinahon pa sa nanganak kung kumilos. Hindi ko narin nakikita ang babaeng dinadala nya dito, at nalaman kong iyon pala ang gusto nyang ipalit sakin. Iyon? Yung babae na yun na walang alam kundi maglabas ng cleavage nya at fit na mga dress. Ano pa kayang trabaho ang magagawa nya sa ganung suot. Jusko, kala mo naman makakabuhat sya ng isang box ng A4 Paper at makakapag paganda pa kaya sya kung ganito katamad ang boss nya? Dahan dahang nilapag ni Sir Ashton ang makapal na papel at tiningnan ako na parang maamong tuta Oh diba? May bagong utos na naman sya. Ano kaya nangyari dito? "I have a report tomorrow, this is my final presentation. I need a power point. Power point nalang gagawin mo, unahin mo to. Then yung binigay ko kanina, need ko din yun tomorrow. Okay?" Nag clear throat sya at saka naglakad palayo sakin Napasilip ako sa relo ko at malapit na mag 5:30. Seriously? Bibigyan nya ako ng panibagong gagawin ng ganitong oras kung kelan malapit na akong mag-out at sobrang dami pa nito! Well, kung hindi nya ginawa yung mga bagay na ginawa nya sakin nung nakaraan, baka tapos ko iyan ngayong araw. Pero dahil masama na sya sa paningin ko, masama ang loob ko sakanya, last minute ko din ibibigay sakanya yang report nya tomorrow. Kailangan ko na ding umuwi dahil alam kong miss na ako ni Bobby ko. Sa loob ng dalawang linggo, kaming dalawa lang ang magkasama at paikot ikot lang kami sa bahay at mall. Binilhan ko sya ng stroller na parang bata talaga para madali ko syang maisama kahit saan at pati may lalagyan ang mga pinamili ko. Mag-aayos na sana ako pauwi pero biglang may kamay na naglapag ng pagkain sa lamesa ko. Pagtingala ko'y napakunot ang noo ko. "Para san to, sir?" "Dinner, overtime din ako. Kaya sinabay na kitang bilhan ng pagkain" sagot nya Napataas ang kilay ko, eto na naman sya. Kunware mabait, pero pag ako kumagat dito panigurado bukas mapapahamak na naman ako. Saka sino may sabing mag oovertime ako? Feeling nya mag oovertime pa ko sa kabila ng lahat ng ginawa nya? "Ay sir, hindi po ako mag oovertime. Walang kasama si Bobby. Gutom na yun at paniguradong umiiyak na yun" nagmamadali kong sabi "Bobby? Kapatid mo? Eh pano tong pinapagawa ko?" Sabay turo nya sa nakatambak na papel na binigay nya Diba? Iniisip parin talaga ang utos nya. "Iuuwi ko nalang po, sisimulan ko nalang sa bahay. Pero kaya ko yan tapusin bukas" sagot ko at isinilid na sa bag ang mga gamit ko. Nagmamadali akong kumilos dahil baka makapag salita pa ako ng hindi maganda o may idagdag na naman sya sa utos nyang di ko na matapos tapos "Mauna na po ako." Paalam ko "Teka, pano tong food. Dalhin mo na, baka gusto ni Bobby" Aniya Ayoko. Baka malason pa ang alaga ko. "Thanks sir, hindi po sya pwede ng ibang pagkain eh. Bigay nyo nalang kay Kuya Guard" sabay turo kay kuya guard na papalapit samin Umalis na ako bago pa sya magsalita na naman. Daming sinasabi, kala mo naman mabait talaga, pero pag talikod may sungay naman talaga sya. Nakasalubong ko pa yung babae nya bago tuluyang makalabas ng building. Oh diba? Akala mo nagbago na, pero hindi pa pala. As usual, sobrang sexy na naman ang suot ng babaeng iyon. Tiningnan pa nya ako mula ulo hanggang paa. Inirapan ko lang ito at dirediretsyo pa din ako sa paglalakad. Napabuntong hininga ako. Kung hindi ko lang mahal ang trabaho na ito, kahit pagbuhulin ko pa sila ng babae nya. Tingnan natin kung hindi bumagsak ang kumpanya nila pag yan ang naging secretary tapos tamad na boss. Ewan ko nalang talaga kung san pupulutin sila. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa pet shop. Bibilhan ko pa ng ibang pagkain at treats si Bob. Para masaya talaga sya sa buhay. Para naman masabi nya sa sarili nyang swerte sya dahil ako amo nya. Gusto ko syang tumaba. Para cute na cute Papasok palang ako ng pet shop ay napukaw na agad ng isang magandang babae ang mata ko. Dahan dahan syang naniningin sa mga higaan ng aso at pusa. May katangkaran ito at ang ganda ng kutis. Para syang artista. Napansin nya atang nakatingin ako sakanya kaya kinawayan nya ako. Nanlaki naman ang mata ko at napatingin sa likod ko. Ako nga ang kinakawayan nya. Dahan dahan itong lumapit sakin at tinuro ang mga bed na cute at kulungan. "Ang cucute no?" sabi nya at napatingin uli ako sakanya Kinoconfirm ko lang kung ako ba talaga ang kinakausap nya. Nang mapansin nya sigurong naguguluhan na ako ay inilahad nya ang palad nya "I'm Anity. Daughter of Shawn Beltran" Nakangiti nyang sabi Sobrang ganda nya ~ Napapanganga ako sa sobrang blooming nya Nahiya naman mga pimples ko "Shems, kayo po pala yung bunsong anak ni Sir? Sorry po hindi ko kayo nakilala, huling kita ko po kasi sa picture nyo maliit pa kayo. And hindi ko po akalain na ang tangkad nyo pala" nahihiya kong tinanggap ang kamay nya at sobrang lambottt ~ "Don't mention it, mas cute pa din ang mga babaeng 5 flat haha" Sabi nya pa Siguro kung nababasa nito ang isip ko, mauumay sya sa kakapaulit ulit kong puri sa ganda nya. "So, help me naman. Gusto kong bilhin lahat to para kay Chuchay pero magagalit si mommy pag sobrang daming gamit ang dala ko pauwi" Nag pout pa sya habang hawak hawak ang mga mabalahibong higaan ng aso o pusa. May alaga din pala sya "Aso po ba si Chuchay?" Tanong ko Pinakita naman nito ang pictures ni Chuchay na stolen shot at parang kakagatin sya nito sa picture Di ko mapigilang matawa "Hindi ka po ba nya nakagat?" Natatawa tawa kong tanong Napatawa din sya at napabuntong hininga "Napaka taray nitong chihuahua na to. Jusko, mas gusto nya si Kuya Ashton. Malandi to" sabi pa nya Natigilan ako at napatitig sa kanya Kapatid nga pala nya si Sir Ashton. At nakakamangha na ang bait nila kausap kahit sa mga empleyado nila. Siguro pinalaki sila ng maayos nila Sir Shawn. Hindi tulad ng ibang mayayaman, pag may ari ng kumpanya hindi basta basta kumakausap ng empleyadong mabababa ang position. Hinawakan ko ang hindi gaanong mabalahibong kulay light pink na pet bed at inabot iyon sakanya. "Sa tingin ko po magugustuhan ito ni Chuchay." nakangiti kong sabi Hinawakan naman nya iyon at ngumiti din. "Thank you, you're a big help" saka sya tumalikod at dumiretsyo sa cashier Pinagpatuloy ko naman ang paghahanap ng treats para kay Bobby para makauwi na din ako agad. "See you around, Paris" kaway ni Ms. Anity Kumaway din naman ako at lumabas na sya ng pet shop. Nakita ko ding may matangkad na lalaki ang lumapit sakanya at pinagbuksan sya nito ng pinto ng sasakyan. Naka mask ito kaya hindi ko makilala. Siguro driver nya Pagkibit balikat ko. Kinuha ko na ang dalawang pack ng treats at binayaran ito sa counter. Hindi mawala sa isip ko ang ganda at bait ni Ms. Anity. Saan kaya nagmana si Ashton?  Habang binabaybay ko ang daan pauwi, may nararamdaman akong naglalakad sa likod ko. Sana mali ang naiisip at nararamdaman ko na sinusundan nya ako Sumulyap ako ng dahan dahan at confirm, lalaki ito! Bigla akong lumiko sa eskinita at ganun din ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng lumiko din ito at habang binibilisan ko ang lakad ko, ay binibilisan din nito ang lakad nya! Hanggang sa nakailang liko na ako, ay sumusunod parin talaga sya. Wala pa namang katao tao sa lugar na ito, at madilim na kaya kung mapapahamak man ako ay wala talagang makakakita. Liliko na sana ako uli ng biglang hinawakan nito ang kamay ko dahilan para mapasigaw ako Napaupo ako at tinakpan ang mukha "Wag po! wag po! Kuya wag po!" sigaw ko Nanginginig ako sa takot at konting konti nalang ay maiiyak na ako, sobrang kaba ko. Hindi ko na malaman kung anong gagawin ko "Hey, hindi ako masamang tao" Napatingala ako sa lalaking nagsalita at mula ulo hanggang paa ko sya tiningnan. Mukha ngang mamahalin ang suot nya. Naka coat pa sya at mukhang galing pa syang trabaho Napatayo bigla ako at nag clear throat "Kilala ko ba kayo? Bakit mo ko sinusundan?!" nakakunot noo kong tanong Dahil kung hindi nya ako kilala, baka pwede ko syang sampalin? Tinakot nya lang naman ako ng sobra tapos di naman pala kami magkakilala! "Magtatanong lang sana ako ng direction, naliligaw kasi ako kaya sumusunod ako sayo" Napa face-palm ako at muntik ko na syang sampalin sa inis "Jusko naman, bakit hindi mo nalang ako tinawag? Hindi yung para mo kong papatayin sa kakasunod sakin. Tinakot mo ko!"  Napatawa sya at napahawak sa likod ng ulo Anong nakakatawa? "At nakuha mo pang tumawa ah?" inis kong sabi "Sorry, pero gusto ko lang sana magtanong kung may alam ka bang pwedeng upahan dito?" tanong nya Mukha naman syang mayaman, pero bakit sya mangungupahan dito sa lugar namin eh hindi naman dito kagandahan. "Mukha ba akong tanungan ng paupahan huh?!" inis na sagot ko "Galing akong probinsya eh. Natanggap ako sa isang company malapit dito at magsisimula na ko bukas" This time, ako naman ang napakamot sa ulo "Bakit ngayon ka lang kasi naghahanap ng matitirhan? Kung kelan bukas ka na mag-sstart?" Nagsimula na uli kaming maglakad at panaka naka parin ang silip ko sa likod baka modus lang pala nila to, pero may kasama pa pala syang iba Nang makarating kami sa madaming tao, di ko mapigilang bilisan ang lakad na halos naiiwan ko na sya. "Teka, ang bilis mo naman" aniya Hinawakan nya uli ako sa kamay at di nya yun binitawan hanggat di ako tumitigil "Ano ka ba? Bata ka ba? Hindi marunong mag google map??" tanong ko Naiinis na ako, imbes na nakauwi na ako at kasama na si Bobby. Tumatagal pa dahil sa lalaking to "Bata pa naman talaga ako ah, ikaw ilang taon ka na ba?" sagot nya Agad ko namang inabot ang tenga nya at piningot iyon "Ito para to sa pananakot sakin ahh" At inabot ko pa ang isa pa nyang tenga "Ito naman, dahil bastos ka, hindi mo dapat tinatanong ang isang babaeng hindi mo kilala kung ilang taon na sya" gigil kong sabi "A-arayy!" palag nito habang hawak ang kamay kong nakapingot sa tenga nya "Ni hindi mo pa nga tinatanong kung anong pangalan ko, talagang edad ko agad huh?" inis na sabi ko at saka ko lang binitawan ang tenga nya Kaloka tong lalaking to "Sorry! Ang sakit nun ahh. I'm Axel. And you are?" pagpapakilala nya habang hawak pa din ang namumulang tenga nya Wala akong pakialam Tinalikuran ko sya at dirediretsyo ng naglakad pauwi "Teka, tulungan mo ko please. Wala talaga akong tutuluyan" sabi pa nito Huminga ako ng malalim at saka sya hinila sa dulo ng coat nya ----- "Sigurado ka bang may perang pambayad to?" bulong ni Aling Milda "Oo naman, tingnan mo naman ang coat nya, mukhang mamahalin. Pati sapatos nya" bulong ko sakanya habang pinag mamasdan namin pareho si Axel mula sa loob ng tindahan Huminga sya ng malalim at saka ako inabutan ng susi "Hays sige na nga, eto susi dun sa pangalawang kwarto. Tamang tama nabakante yan nung isang araw. Aalisin ko nalang yung nakapaskil dyan sa gate ko" sagot nya Nginitian ko naman sya at kinuha ang susi Pinapasok ko si Axel at pinakilala kay Aling Milda "Eto magiging landlady mo. Mabait yan basta wag ka pasaway" sabi ko "Salamat, salamat talaga ate" sagot sakin ni Axel  Tumaas ang kilay ko "Anong ate?! Kapatid kita?!" inis kong sagot "Eh hindi mo pa din sinasabi pangalan mo eh" sagot nya "Hindi na yun mahalaga" sagot ko at bumaling kay aling Milda "Basta aling Milda, di ko to kilala ah. Di ko yan kargo pag di nag bayad ng upa sayo" bulong ko  "Hay nako ka talagang bata ka, kahit kelan talaga kayong magbabarkada" kamot ulong sabi ni Aling Milda "Oh sya sige, mauuna na ako. Goodluck sa bago mong trabaho" paalam ko kay Axel at tuluyan ng pumasok ng bahay Pagkabukas ko ng pinto, bumungad agad sakin ang Bobby kong mahal na nakaupo sa lamesa at nagkalat ang mga bulaklak na nakalagay sa vase. Mukhang natumba iyon, or itinumba nya Agad akong lumapit sakanya at hinalikan sya sa pisngi "Kamusta ang Bobby ko? Hmmm" pang-gigigil ko dito Inabutan ko sya ng isang pirasong treat at dumiretsyo na sa banyo para maglinis ng katawan.  ______ Maaga akong nagising at nag ayos ng sarili para pumasok sa office. Ang ganda ganda ng gising ko dahil si Bobby ang gumising sakin. At sobrang lambing nyaaaa ~ Mabubuhay ako ng kami lang dalawa ni Bobb--- "Hi Ate, Good morning"  Ang ganda ng umaga ko kanina, nag iba ata ihip ng hangin Inirapan ko sya at dirediretsyo lang akong naglakad Lumingon ako sakanya ng mapansing sinusundan na naman nya ako "Pati ba trabaho magpapahanap ka sakin?" mataray kong tanong "Eh dito din ang daan papunta sa trabaho ko" sagot nya Hmp. Para di mapahiya, di ko na sya pinansin at nagdirediretsyo lang ako ng lakad Madami nga naman akong nakakasabay papasok na dito din dumadaan. Feeling ko naman masyado Pag sakay ko ng jeep ay sya ding sakay nya. Hmmm, baka iisa lang street yung building namin. Sabay din kaming bumaba at konti nalang ay malapit na ako sa office, nakasunod pa rin ito kaya humarap uli ako "Nang-aasar ka ba?" pikon ko ng sabi Napangisi ito at pinakita ang ID nya, dirediretsyo sya sa pagpasok ng building kung saan ako nagtatrabaho at kumaway pa sya sakin bago tuluyang makapasok Aba talaga naman, ang liit ng mundo?! Nauuna na sya saking maglakad at ng malapit na sa elevator, humabol pa ako pero  "Ma'am puno na po" sabi ni kuya guard Bumaba ako at napatingin ako sa ngiting ngiting Axel na kumaway pa bago magsara ang pinto ng elevator "Bye, Ate" bulong nito Huminga ako ng malalim Mukhang nadagdagan ang maninira ng araw ko ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD