Masama ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko habang hinahalo ang kape ko. Malamig na nga ata ito dahil kanina ko pang hinahalo, hindi mahiwalay ang tingin ko sa Axel na to.
Sino ba to? Bigla nalang sumulpot sa kanto, nagpatulong at nagpaawa sakin maghanap ng matutuluyan tapos ngayon katrabaho ko pala sya?!
Ang mas nakaka gulantang nito, isa din sya sa Assistant ni Sir Ashton.
Napaisip tuloy ako, ano kayang binabalak nito at kumuha ng panibagong assistant. Para bantayan ako? At unti unti na akong palitan? O siguro hindi na nya kaya mga ganti ko? *hah* biglang nag flashback sa isip ko yung mga ginawa kong pang sasabutahe sakanya.
Yung mahalagang report daw nya na need ng pdf ngayon? Ayon, 30 minutes lang namang late dahil sakin. Sobrang galit nya, sabi pa nya sakin with matching evil look
"Will talk to you later, after this meeting" sinabi nya yan ng hindi bumubuka ang bibig. Imagine kung gano sya kagigil. Sus. Hindi na ako takot sakanya, pagkasabi nya non ay ngumiti lang ako ng nakakaloko.
At habang nasa kalagitnaan sya ng report nya, pag pindot nya ng next slide, lumabas yung dancing cat video na siningit ko.
Sobrang tawa ko habang naririnig ko mula sa labas ng board room ang taranta nya at hindi nya iyon maintindihan kung pano patitigilin.
Ang cute kaya nung mga pusang sumasayaw. Bakit kaya ayaw niya? Hahaha
And after meeting, syempre kinausap nya ako. Galit na galit, and as usual isusumbong na naman daw ako kay Sir Shawn. Sumbungero ng taon. Hmp!
So bilang pag bawi, pinagtimpla ko sya ng kape. Na may asin hahaha
"Bakit ganito lasa nito? Parang maalat" tanong nya bago ako tuluyang lumabas ng office nya
"Maalat po? Hindi ko alam Sir kung ano dapat na lasa nyan, hindi po kasi ako nag kakape ng mamahalin" at pagkasabi ko nito ay napakunot ang noo nya at pinaalis na ako
Kung marerecall ko lang sa isip ko ang itsura nya habang iniinom ang kape ay napapatawa nalang ako. Pilit na pilit nya iyong inuubos. Para syang batang pinapainom ng pinakuluang halamang gamot
"Kanina ko pa napapansing nakatingin ka sakin, poging pogi ka ata sakin ah"
Napa face palm ako at hinawakan ng mariin ang kutsara.
"Alam mo ..." sabi ko habang sinesenyas na parang kutsilyo ang kutsara
"Napaka feeling close mo! Sa kanto lang kita nakita, at para ka pang stalker ko kung sundan mo ko, tapos ngayon katrabaho pa kita??" inis kong sagot
Medyo lumayo ito at iniiwasan ang kutsarang hawak ko
"May plano ka no?! Spy ka no?! Tapos sisiraan nyo ko at aagawan mo ko ng trabaho" pinandilatan ko sya
Napatawa naman ito at umiling
"Grabe naman imagination mo, ano ka artista?" pang-aasar pa nito
"Para namang interesting ang buhay mo"
Aba! Ang kapal ng mukha. Kagabi parang tutang walang amo, ngayon ginaganito ganito ako?!
Huminga ako ng malalim at sinuklay ang buhok gamit ang daliri ko
"Umalis ka na sa harap ko at baka kumulot ang buhok ko sa stress sayo" mataray kong sabi at inirapan pa ito
"Sabay tayo mamaya pag uwi ah" nakangiti nyang sagot at bumalik na sa table nya
Bago pa sya magtrabaho ulit, nag wink pa sya.
Jusko, sino ba tong lalaking to?! Feeling nya ata close na kami porke tinulungan ko sya kagabi????
At ang liit ng mundo huh. Nakaka-amaze din minsan na may mga ganitong pagkakataon Alam kaya nya na dito ako sa company na to nag tatrabaho at ako ang nilapitan nya ng gabing iyon?
Pero ano namang mawawala sakin kung may pinaplano nga syang masama sakin. Hindi nga naman ako artista, o mayaman. Pero napaka rare ng ganitong pangyayari eh.
Anyway, hindi ko na sya problema pa. May dapat akong mas isipin. Itong boss ko na to. Kung pano ko pa sya mabwebwesit. Hindi ako titigil sa mga ginagawa ko hangga't di ako nakakaganti ng bongga.
Hindi ko alam kung ano pinaplano nya sa bawat araw kaya dapat hindi ako magpakakampante.
-----
"Paris, can you get us a cup of coffee. And call Axel, please" utos nito
Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo at ngumiti bilang sagot sakanya. Hindi na naubos ang mga ka-meeting nya magmula kaninang umaga. Nakakapanibago at ang busy nya.
Nang mapadaan ako sa pwesto ni Axel, sinipa ko ang paa nya ng marahan at nang mapalingon sya ngumuso ako paturo sa board room. Nagtataka itong lumingon sa tinuturo ko
"Tawag ka ni Sir Ashton" mataray kong sabi
"Okay po, ate" nakangiti nitong sagot
Arrghh. Gusto ko na talaga sya hampasin, bakit ba ganito tong lalaking to. Napaka mapang-asar nya. Kamusta naman kaya ang magulang nito, punong puno ng konsumisyon sa kulit ng anak nila.
Sabay kami lumakad papasok ng board room, may plano ako. Tatapunan ko si Sir Ashton ng kape. Konti lang naman, para kunware clumsy clumsy ganon.
Pero itong pabidang Axel na to, umepal
"Ako na magbibigay kay Sir. Baka matapon mo pa sakanya" bulong nito na parang nababasa ang nasa isip ko
"Anong tingin mo sakin? Walang utak? Umalis ka dyan!" inis kong sabi
Hindi pa sya umalis at talagang humarang pa sya sa gilid ni Sir Ashton. Jusko! San ba pinaglihi ng kulit tong tao na to?!
"Okay, Guys. Please sit in front of us" sabi ni Sir Ashton na nakapag patino saming dalawa
Marahan ko nalang pinatong ang kape ni Sir Ashton at nung ka meeting nya. Sayang! Kung hindi umepal tong isa na to, natapunan na sana sya ng kape. Tsk! Mission Failed.
"Okay, this is to formally introduce you to each other. Uhm, Paris. This is Axel, my new assistant. Assistant pa din naman kita, pero sa ibang workloads ka. At sa ibang workloads din si Axel. But you need the help of each other" panimula ni Sir Ashton
Gusto ko sana magtanong. Pero mamaya na
"This is Mr. Roel Larda. He's our new partner. So magkakaron ng international and local ang company."
Di ko na mapigilan
"Sir, can I ask a question?" nangangating dila ko. Hindi ko na napigilang tanungin
"Bakit ka po kumuha ng isa pang assistant? Hindi po ba ako sapat?" san ba ako kumuha ng tapang ngayong araw. Or maybe, I'm done with his pabebe moves pero mapapahamak din pala ako sa huli
"Yes. You're not enough. Kasi hindi mo na kakayanin ang mga dadagdag na trabaho. As I say, magkakaron ng international and local. Ikaw sa local, kasi familiar kana dito diba? And Axel will handle international."
Nakakapanibago sya, iba pala sya magtrabaho kapag seryoso. Hindi nya ako tinitingnan ng matagal sa mata. Dirediretsyo lang ang pagsasalita nya, na para bang hindi kami pwedeng magsalita hangga't di sya tapos.
"Do you have any questions pa?" masungit nitong tanong
"None sir." sagot ko
Napatingin ako kay Axel, at nasilayan ang ngiti nyang parang nagpipigil ng tawa. Tinatawanan ata nya ako kasi napahiya ako. Mamaya ka sakin. Ipapahiya din kita
"Okay, help each other to target our goals. I need you to take this seriously. Wag nyo dalhin ang problema sa labas dito sa trabaho. At wag nyo dibdibin ang mga bagay na nangyayari dito sa trabaho, walang personalan."
Napataas ang isa kong kilay. Ako ba sinasabihan nya? Walang personalan pero gusto nya akong matanggal sa trabaho before?? Sus
"Okay, if wala ng questions. You may go back to your works" aniya
Tumayo naman kami ni Axel at lumabas ng board room. Dumiretsyo ako sa pantry para initin uli ang kape ko kanina na hindi ko na nainom.
"Mukhang mainit ka kay Sir ah"
Napalingon ako ng marinig ang sinabi nya. Ano bang paki nito?
"Wala kang alam, okay? Madaming nangyari bago ka pa dumating" sagot ko
Pinasok ko ang kape ko sa microwave at pinindot ang 30 secs. Tulala lang ako sa umiikot kong baso. Madami sana akong naiisip na paraan para makaganti sa boss ko pero mukhang madedelay dahil sa lalaking to.
Parang body guard kung makaasta. Nakakainis. Hindi ko tuloy nagawa kanina yung dapat na gagawin ko, mission failed! Hays.
"Pariiiiis!" matinis na boses ni Jaq. Omg. Ang bakla, nagpakulay ng buhok. Blonde sya ngayon
"Buti pinayagan kang ganyan kulay ng buhok mo, para kang manok na panabong" bati ko sakanya
Agad naman syang umirap at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Eh ikaw buti pinayagan kang iluwal dito sa mundo, hmp. Pangit mo" inis nyang sabi
"Ohhh, who's this new guy" tanong nya nang mapabaling sya kay Axel
Tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa
"He's cute huh. What's your name baby?" malandi nitong tanong
Napataas ang kilay ko nang hawakan nya ito sa dibdib
"Hoy! May CCTV dito, baka nakakalimutan mo baka masumbong ka sa kuya mo"
Tiningnan nya ang CCTV at nag belat dito
"Leche. Muntik na naman nga kamin--"
Sabay kami napatingin kay Axel.
Ano, feeling bessy? Kasali sa usapan?
"Bumalik ka na sa trabaho mo, pwede ba?" mataray kong sagot
Kakamot kamot sa ulo syang umalis. At saka namin pinagpatuloy ang pagchichikahan ni Jaq.
"Muntik na naman ba masuntok ang maganda mong mukha?" tanong ko
"Nakuuuu. Napaka yabang! May bago na namang girlfriend. Ka-close ko na yung last nya eh, so tinanong ko lang naman kung nasan na yun. Nagalit naman tong mukong. Kesyo ang bastos ko daw. Sis, malay ko na bago nya yun! Mukha namang yaya" pagkwekwento nito
Napahawak ako sa noo at tiningnan sya ng masama
"Wala ka namang pinagkaiba sa kapatid mo, mapang husga din"
"Che, nga pala sino ba yung lalaki na yon?" umupo sya sa tabi ko at nilagyan ng straw ang kape nyang binili pa sa sikat na coffee shop.
Samantalang ako, 3-in-1 lang sapat na
"Axel, bagong assistant daw ni Sir Ashton. Nagkaron ng International ehh. Lumawak ang scope ata ng company" sagot ko
"Akala ko ba mahilig sya sa mga sexy at magagandang babae. Mukhang seryoso sya ngayon kasi lalaki kinuha nya" sabi nya pa
"Alam mo ang weird nyang lalaki na yan" panimula ko
Ikwekwento ko na sana lahat ng maalala ko na baka may makarinig samin dito at isumbong pa kami sa magaling kong boss
"Bakit naman?"
"Mamaya na pala, after work nalang" sagot ko
"Alam mo nakaka bwesit ka talaga" inis nyang sabi at nauna pa syang lumabas sakin ng pantry. Mataray itong naglakad papunta sa table nya
Bumalik naman ako sa table ko at nagsimula na magtrabaho. Huminga ako ng malalim nang mabasa ang email ni Sir Ashton.
"Discuss this to Axel, for his familiarization."
OMG. Ayoko na nga kausap yung tao na yun, ngayon papaturuan pa sakin?
Tumayo ako para kunin ang mga printed tools para makapag simula na sa pag-train sa Axel na to. Unang araw palang ng pagtuturo pero parang di ko na kakayanin to
Lumapit ako sa table ni Axel at inilapag ng pabigla ang mga printed tools. Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat
"Basahin mo to, at kumuha ka ng upuan mo. Tumabi ka sakin don."
Tinalikuran ko na sya at bumalik na ako sa table ko, nakita ko naman na nakasunod na sya sakin
Pag upo ko ay syang upo nya din sa gilid ko. Tinaasan ko sya ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa
"What?" Nagtataka nitong tanong
"Dalhin mo laptop mo, jusko" napa-face palm ako sa inis
Kung hindi ba naman isa't kalahating loko loko to. Gusto ata manunuod nalang sakin maghapon.
Hindi pa man sya nakakaupo uli ay sinimulan ko na ang pagtuturo.
"Need mo daw ma-familiarized." walang kagana ganang sabi ko habang inaayos nya ang magiging pwesto nya sa gilid ko
"I already know this. Nag advance reading ako" proud na proud nyang sagot
"So? Ano naman ngayon? Need pa din kita turuan kasi pag hindi, tatalakan na naman ako nyang boss mo" inis kong sabi
"Boss natin" pag cocorrect nya
Napakunot ang noo ko at tiningnan sya
"Alam mo, di mo naman kailangan magpa bibo. Okay?" inis kong sabi
Tumahimik naman ito at tiningnan nalang ang inabot ko sakanya
"Makinig ka kahit alam mo na" dagdag ko pa
At sinimulan ko na ang pagtuturo ng mga mahahalagang bagay. Tinuruan ko na din sya ng mga magiging trabaho nya araw araw.
"Biglaan din nagkakaron ng business trip yang si Sir. Ngayon kumuha na sya ng assistant for International. Baka ikaw nalang isama nya, hindi na ako"
Napatigil ako nang maalala ko ang mga nangyari last time sa business trip nya. Mula ng bumalik ako dito, wala na akong narinig pa tungkol sa kung anong mga nangyari pa matapos kong maunang bumalik. Siguro ayaw na nilang pag-usapan.
Pati yung mga nangyari doon, hindi narin naungkat pa. Hindi na rin ako tinatawagan ni sir Shawn since that day.
"Ay may pusa ka?" Masayang tanong ni Axel habang nakatingin sa laptop wallpaper ko, syempre si Bobby
"Yes, sobrang cute no" sagot ko
Natutuwa ako sa tuwing si Bobby ang pag uusapan. Nakaka proud maging nanay nya, hehe
"Lalaki? Babae naman pusa ko, si sunshine" aniya
Napangiti ako ng malaki ng marinig iyon. Grabe, babae ang kanya. So pwede namin silang pag partner-in
"Ang cute naman ng pangal---"
"Ngayon lang kita nakitang ngumiti mula nung una" pagsingit nya sa sinasabi ko
Napataas ang isang kilay ko nang mapansing nakatitig ito sakin
Umiwas agad ako ng tingin at hinawakan ang mouse
"So ano, dito na tayo. Makinig ka" pag-iiba ko ng topic
Simula nga ba nung una hindi pa ako ngumingiti sakanya??
~
Napatingin ako sa relo ko at nakitang lampas na pala 5:30. Nag inat ako ng kamay at paa, at unti unti naring nagligpit ng table ko.
Napatingin naman ako sa office ni Sir Ashton at kitang kita doon na nakatutok pa din sya sa laptop nya at dirediretsyo pa din sa pag tatrabaho.
Wow, ano meron? Ang sipag naman nya. Biglang tumunog ang telepono sa gilid ko.
"Ashton"
Hays. Bakit kaya? Kung kailan pauwi na ako
"Yes sir?" Walang ka energy energy kong sagot
"Can you buy me some food. Di pa pala ako kumakain mula kanina"
Nagulat ako sa sobrang kalmado ng tono nya. Ito ang first time kong marinig na ganito sya kakalmado. Kadalasan kasi kung hindi pasigaw, laging nagmamadali or nag yayabang. Mukhang pagod na din sya
"Okay po sir. Wait lang po, bibili na po ako"
"Damihan mo" pahabol pa nya
Gutom na gutom ata sya? -__-
Kinuha ko ang cellphone at wallet ko para makabili na agad ako ng pagkain. Pero bago pa man ako makadiretsyo sa pagbili, napansin ko si Axel na nasa harap pa din ng laptop nya at sobrang seryoso nito
Dahan dahan akong lumakad palapit sakanya at bumulong
"OT ka??"
Nagulat ito at agad na sinara ang laptop nya, para syang nakakita ng multo sa gulat
"Hindi. Uuwi na ako" aniya
At dirediretsyo syang lumabas ng office. Nakasabay ko pa sya sa elevator pero nakakapanibago kasi ang tahimik nya
Maghihiwalay na kami ng daan pero hindi pa din talaga sya nagsasalita
Naglakad na ako palayo at nilingon ko pa sya. Hmm, problema non
Ang weird nya talaga, may times na feeling close tapos ngayon bigla nalang hindi mamamansin
Hmp. Makabili na nga lang pagkain ng boss ko
Nang makabalik na ako, nakita ko syang nakasubsob sa table nya kaya dahan dahan kong pinatong ang pagkain nya at tatalikod na sana ng bigla nya hawakan ang kamay ko
Napalingon ako at nanlaki ang mata ng makitang hawak pa din nya ang kamay ko kahit nakasubsob parin sya
"Samahan mo ko" bulong nya