Ika-16th birthday ko na sana bukas pero hindi na ako umaasang magiging masaya iyon dahil hindi ko parin makausap si papa. Sobrang tagal na mula nang iwan kami ni mama pero hanggang ngayon hindi pa din sya makamove on dito. Nilagay ko na ang isang pinggan na may kanin at ulam sa harap nya. Sinamahan ko rin iyon ng saging.
"Pa, kain na po. Sabayan mo ko" sabi ko
Tulala lang ito sa labas ng bintana. Na parang may iniintay. Huminga ako ng malalim at tinitigan sya saglit saka sinumulang kumain
Ganito ang nangyayari samin ni papa sa tuwing hapunan. Nandito sya sa tapat ng bintana mula ala-singko ng hapon, hanggang sa madatnan ko sya galing trabaho. Sumaside line ako sa tindahan sa tapat ng school namin. Kaya 7 na ako nakakauwi. Pandagdag din sa budget namin dito sa bahay.
Napapatingin ako sakanya habang kumakain. Hindi pa ko mulat sa kung anong pakiramdam ng magmahal pero ayaw ko na maranasan ito. Dahil sa nakikita ko sa papa ko, nawala sya sa tino at sobrang payat na nya mula ng mag hiwalay sila ni mama. Hindi ko alam kung bakit pero sabi ng mga kapitbahay, pinagpalit na daw kami at may iba na itong pamilya.
Hindi ko na maisip pa si mama, dahil sa pag-aalala ko kay papa. Mula nang magkaganito sya, ako na ang nag alaga sakanya.
"Pa, may pupuntahan pala ako sa bayan. Mag duduty ako sa convenience store doon. 24/7 silang bukas kaya pang gabi ako. Kakatanggap lang sakin kahapon at ngayon ang unang gabi ko. Papakabait kayo dito ahh?" sabi ko habang nililinis ang pinagkainan ko
As usual, wala pa din itong kibo.
Naghanda na ako papasok at hinalikan sya sa noo
"Babalik din ako, matulog na ho kayo" Paalam ko at saka umalis.
~
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang duty ko. Kinuha ko na ang gamit ko sa locker at unang sinilip ang cellphone ko.
Bumagsak ang cellphone ko nang mabasa ang text ng isa naming kapitbahay. Dali dali akong nagpaalam sa kapalitan ko at patakbo kong pinuntahan ang sakayan pauwi samin.
Nasa jeep palang ay di na humuhinto ang pagpatak ng luha ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko'y mawawalan ako ng malay pero kailangan kong magpakatatag.
Pagbaba na pagbaba ng jeep, mabilis kong tinakbo ang bahay at nakita ang maraming tao sa labas nito na may tinuturo sa loob
"Excuse po!" sigaw ko habang hindi pa din tumitigil sa pag-iyak
Nanginginig na binuksan ko ang pinto at nilaglag ang bag sa gilid nito
Nakita ko ang pintuan ni papa na naka-angat. Huminga ako ng malalim at dahan dahan iyon binuksan.
"PAPA!!!!!"
Iyon na ata ng pinaka malakas na sigaw na nagawa ko sa buong buhay ko.
"PAPA!!!" hawak hawak ko sya sa ulo habang pinagmamasdan ang kamay nya na puro laslas at naliligo sa dugo
"PAPA!!!!" sigaw kong muli, umaasa na magigising sya at yayakapin ako
Hindi ko makayanan ang sakit, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ko sya iniwan mag-isa ng gabi. Tanging gusto ko lang ay may pera kami para sa pang araw araw naming pagkain. Dahil hindi sapat ang kinikita ko sa tindahan sa school.
"PAPA, BAKIT???!!!! PAPA" iyak ko
Tanging iyak ko ang naririnig sa buong bahay. Pati ang mga tao, nanahimik at hindi na nakapag salita.
Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa, sana bangungot nalang ito. Hindi ko na alam kung pano pa ako mabubuhay nang mag-isa.
_____
Napakunot ang noo ko ng marinig ang sinabi nya. Bakit kumakabog ng mabilis ang dibdib ko, wag mong sabihing naaapektuhan pa din ako sa lalaking to? Hindi ko na sya crush okay??? Matagal nang hindi!
Marahan kong inalis ang kamay nya at napatingin sya ng ibaba ko iyon
"Kailangan ko na po kasing umuwi sir, wala pong kasama si Bobby" sagot ko
"Please?"
OMG. Lalo atang bumilis ang t***k ng puso ko, mukha syang bagong gising. Magulo ang buhok at parang bagong gising din ang boses. Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok
"Ano pa po ba tatapusin nyo sir?"
Ipinatong ko ang wallet at phone ko sa gilid ng table nya at kinuha ang isang upuan. Nilagay ko iyon malapit sakanya at doon umupo. Tutulungan ko lang sya ng mabilis at aalis na ako
Nanlaki ang mata ko ng makita ang ginagawa nya. Power point presentation. At mukhang bata ang gumawa dahil iba iba ang font, color at size nito. Napatawa ako ng mahina
Seryoso ba to? CEO ng isang malaking company pero di marunong gumawa ng power point presentation? Pfft.
"What?" aniya habang nakatingin ng masama sakin
"Hehe wala sir, ang cute naman nyan" habang tinuturo ko ang laptop nya
So ito pala yung ginagawa nya kanina pa, na akala mo sobrang seryoso nya
"All I know is to type in plain sheet. I don't know how to use this, okay?" pagpapaliwanag nya
Napangiti ako at kinuha ang laptop nya
"Ganito po sir"
Inayos ko unti unti ang mga words at font na nilagay nya. Ang taray, yung title nya cursive
Napatingin ako sakanya at nakasandal ito habang pinagmamasdan ang ginagawa ko
"Nagegets nyo na po ba sir?" tanong ko
Umiling ito at napahawak sa noo
"Kaya nga dalawa na secretary ko. Kung ako pa gagawa nyan edi wala na kayong trabaho"
Aba, eto na naman ang masungit nyang side
"Si sir naman, bilis nyo naman pong mainis" sagot ko
Inabot nya ang pagkain at lumakad papunta sa receiving area sa gilid lang ng office nya.
"Let's eat" aniya
Napatingin ako at ngumiti "Sige po sir, eatwell" sagot ko, pero sa loob loob ko iniirapan ko na sya at minumura.
Jusko, nasa bahay na sana ako kanina pa. Pasimple din to, gusto talaga ako mag-OT para gawin mga reports nya. Sana sinabihan na nya lang ako ng maaga
Baka gutom na Bobby ko
"Hayaan mo na yan, sabayan mo ko kumain" sabi nya
Napatingin uli ako at umiling
"Hindi na sir, sa bahay nalang po ako kakain. Matatapos ko na po ito" sagot ko
Bigla nyang tinuro ang right side ko sa dulo ng table nya at nanlaki naman ang mata ko nang makita ang makapal na bond paper
"Yan pa ang itatype ko, hayaan mo na yan dyan. Kumain ka na dito" sabi nya sabay kagat sa burger nya
Huminga ako ng malalim at saglit pang inayos ang ilang letra
"Sayo ko ipapatapos yan pag di ka pa umupo dito"
Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo at pumunta sa kung nasan sya. Tinitigan ko ang pagkaing binili ko kanina.
"What are you looking at? Go get some" turo nya dito
Napatingin ako sakanya at napabalik ang tingin sa pagkain
"What? Do you think I'm gonna eat that all???" sabi nya ng puno pa ang bibig.
Hmmp. Manners!
Kung alam ko lang na ako pala kakain nito, yung plain burger nalang pala sana inorder ko. Ang dami kasing gulay nito at puro pickles pa.
Kinuha ko ang isang burger at dahan dahan iyong binuksan
Jusko, feeling ko hindi ko malulunok to.
"Ang tagal naman, di naman yan mauubos kung tititigan" sabi pa ni sir Ashton
Kinuha nya ang ice tea at ininom iyon. Nakatitig lang ako sa adams apple nya habang umiinom sya
Shems, pati ako napapalunok.
"What are you looking at?"
Napakurap ako ng ilang beses.
"W-wala sir, uwi na po ako"
At agad kong kinuha ang wallet at phone ko. Akma na akong lalabas ng bigla syang magsalita
"Iniiwasan mo ba ko?" tanong nito
Para akong istatwang nakatigil sa harap ng pintuan nya.
Iniiwasan ko nga ba sya? No. Of course not, bakit ko sya iiwasan eh boss ko sya. Saka gusto ko pa nga makaganti sakanya so, bakit ko sya iiwasan?
Dahan dahan akong lumingon at nagulat ng malamang malapit na pala sya sakin. Bigla syang tumigil sa harap ko at tinitigan ako na para bang nag iintay ng sagot ko
Napalunok ako ng mariin at bago man ako makapag salita ay huminga muna ako ng malalim
Bakit ako kinakabahan?! Bakit???
"Hindi sir ah. Pano kita iiwasan kung boss kita" sagot ko
Umiling ito at dahan dahan pang lumakad palapit ng palapit sakin hanggang sa ma-corner nya ako
Naramdaman ko na ang likod kong nakadikit sa pinto at bigla nyang tinaas ang dalawang kamay nya sa gilid ng magkabilang tenga ko
Shems. Sobrang lapit namin! Maamoy kaya nya hininga ko? Kasi yung kanya amoy na amoy ko, ang bango at amoy mentol
Hanggang ngayon, hindi pa din ako gumagalaw at nakatitig lang ako sa dibdib nya. Hindi ko magawang iangat ang mukha ko dahil pakiramdam ko, magtatama ang labi namin
Jusko! Ngayon lang kami nagkalapit ng ganito.
Wait, nag toothbrush nga ba ako kaninang lunch??
"Look at me, Paris" aniya
Napalunok ulit ako ng mariin at dahan dahang inangat ang mata ko, shems nagtoothbrush nga ba ako kanina??
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang pagkatigas ng katawan ko nang magtama ang tingin namin.
Hindi na ako makahinga, feeling ko mahihimatay na ako. Kanina pa ako nagpipigil ng hininga.
Ngumisi ito at bumulong
"Much better"
Hindi ko na kayaaaaaa~
*bogsh*
Shet. Anong ginawa mo Paris!
"I'm sorry sir, Sorry po talaga"
Hindi ko malaman kung anong gagawin ko ng makita si sir Ashton sa sahig na napaupo dahil sa pagkakatulak ko. Mawawalan na ata talaga ako ng trabaho. T_T
"That was harsh" aniya
Shems sorry talaga T___T
"Sorry talaga sir. Hindi ko sinasadya, kasi ikaw ehh" nahihiya kong sagot
Narinig ko ang mahina nyang tawa at saka tumayo, pinagpagan nya ang trousers nya at tiningnan ako
"You may go now"
Hindi ko pinahalatang nagulat ako, pero oo. Gulat na gulat ako sa pinakita nya ngayong reaction nya.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya para gawin nya yun ng bigla bigla. Gusto nya ba ako ikiss? Ehehe.
Hoy! Ano ba Paris. Diba galit ka sakanya. Hays.
Tapos ngayon, natulak ko sya ng malakas, pero hindi sya nagalit.
In-love kaya sya sakin?
He! Feelingera ko masyado
"Okay sir, sorry po talaga ulit" sagot ko at kinuha na ang mga gamit ko
Jusko! Nakakahiya. Bakit kasi bigla bigla syang lalapit sakin ng ganun, balak nya ata akong agawan ng oxygen. Ang init! Bakit biglang uminit ata??
____
"Baka nagpapa-fall" sagot ni Jaq habang nakatayo sa gilid ko at naninigarilyo
Nandito kami ngayon sa terrace ng bahay habang nagkakape. Dito sya natulog dahil walang kasama si Bobby kagabi. Anong oras narin akong nakauwi dahil sa boss kong magulo ang utak
"Panong nag papa-fall? Anong pa-fall naman?" tanong ko
"Pa-fall. Jusko, 2021 na di mo pa alam ang salitang pa-fall? Gano ka ba ka-losyang" sagot nito at humigop ng kape nya saka nag sigarilyo ulit
Kinurot ko sya ng marahan sa tagiliran
"Ano ngaaa" pangungulit ko
"Lalambing lambingin ka hanggang sa ma-inlove ka sakanya. Kunware may care sayo, wala naman pala tapos lolokohin ka sa huli. Or worst, iiwanan ka sa ere. Hmp" inis nyang sabi
Napatawa ako sa itsura nya
"Bakit parang may pinag-huhugatan?" sagot ko
Napatingin ako sa likod ko ng mapansing dun nakatingin si Jaq.
"Tara na, kakain na tayo" si Adi
Agad naman kaming bumaba at naghugas ng kamay para mag almusal. Madalas na dito si Adi dahil na rin sa walang kasama si Bobby, kaya sinisilip silip nya ito
"Sino yung bagong lalaki sa tapat? Parang may tinitingnan dito kanina pa" si Gabby
Galing syang labas at may dala syang softdrinks pagpasok
"Ang aga nyan Gab ahh" sabi ko
"Lalaki ni Paris yon" sagot ni Jaq
Napalingon ako sakanya na may pagtataka
"Lalaki? Sino?" tanong ko
"Si Axel" walang ka energy energy na sagot ni Jaq
"Ahh, yun? Bago kong katrabaho. Nagkamali nga akong dyan ko dinala kina aling Mila. Kukulitin na naman ako nyan about sa trabaho" naiinis kong sabi
Kinuha ko ang kanin at longganisa. Hmmm sarap, ngayon nalang uli ako nakakain ng maayos na pagkain.
"In fairness, gwapo sya." si Thalia
Napakunot ang noo ko at tiningnan sya ng masama
"Wag mo sabihing type mo yon huh" sagot ko
"Weird yon! Bigla nalang sumusulpot kung saan" dagdag ko pa
"Saan?" boses ng lalaki mula sa pinto
Sabay sabay kaming napalingon at nanlaki ang mata ko ng makitang kasama na sya ni Gabby
Napatalikod ako at napapikit ng mariin.
Jusko naman Gabby!