Isang buwan ang lumipas ng mawala si papa, isang linggo na akong walang maayos na makain at walang maayos na tulog. Gabi gabi pa din akong naiiyak sa tuwing mapapadaan ako sa bintana kung saan palagi nandun si papa.
Ang hirap. Sobrang hirap ng ganito. Kada pipikit ko ang mata ko sa gabi, nakikita ko ang itsura ni papa na nakahiga sa malamig na sahig at naliligo sa sariling dugo. Trauma na nga ata ang tawag dito, dahil sobra na ang bigat na dinadala ko.
Mga kapitbahay namin ang tumulong sakin para maipalibing si papa.
Dahan dahan kong kinuha ang bag ko at mag babakasakaling puntahan si mama para humingi ng tulong. May nakapag sabi sakin kung nasan sya, nakita daw sya sa palengke nung nakaraan. Kaya sana, makita ko sya ngayon.
Gutom na gutom at pagod na pagod na ako.
Nag palingon lingon ako sa paligid. Umaasang ganitong oras ay makita ko sya dito sa palengke.
Ilang minuto ang lumipas at hindi ako nagkamali, nakita ko sya. Mahaba na ang buhok, pero iyon pa din ang itsura nya sa picture at base sa natatandaan ko
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at dahan dahan ko syang nilapitan. Nang mapansin nya ako, bigla syang lumayo at binilisan ang paglalakad
"Ma! Ako to" sabi ko habang hinahabol pa sya
Naiiyak na ako
"Paris! Ma! Si Paris po" sabi ko
Bigla syang natigilan at napalingon, nakita ko ang mga luha nyang nagbabadyang pumatak sa mga mata nya, habang ang akin umaagos na
Lalapit na sana sya pero napatingin ito sa bandang likod ko, sinundan ko ang tinitingnan nya at nakita ang isang matangkad na lalaki na naninigarilyo papalapit samin
Mabilis nya akong hinawakan sa balikat at binitawan ang mga salitang kahit kailan ay hindi ko inaasahang matatanggap ko mula sa nanay ko
"Wala akong anak, hindi kita kilala"
Natigilan ako at narinig ang lalaking tinitingnan nya kanina
"Sino yan?" may halong inis ang boses nito at nilapitan sya
"Hindi ko kilala" sagot nya at umalis na silang dalawa
Naiwan akong umiiyak at walang kibo. Ang nararamdaman kong gutom at pagod, napalitan ng galit. Pinahiran ko ang mga luha ko at tumalikod na pabalik sa kung saan ako nakatayo kanina.
Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to. Ang araw na kinalimutan mong anak mo ko.
____
"Anong ginagawa mo dito?" masungit kong tanong kay Axel na ngayon ay kumukuha ng pagkain sa harap ko
Ang kapal diba? Ngayon nakikikain na din sya, at nakikitropa na sa mga kaibigan ko. Ano bang binabalak ng taong to? May kakaiba akong feeling sakanya eh. Kung maging kaibigan ko man sya, hindi magiging one hundred precent ang tiwala ko sakanya.
"Inalok ko mag almusal, sumama naman haha" sagot ni Gabby
Inirapan ko si Gabby at nagpatuloy sa pagkain. Nakakainis. Matapos nya akong hindi pansinin last time, tapos eto sya ngayon sa harap ko pangiti ngiti??
Mula ng matakot ako sa ginawa nyang pagsunod sunod sakin, hindi na mawala ang inis ko sakanya sa tuwing makikita ko sya. Ewan ko ba kung bakit. Tapos sobrang galing naman ng pagkakataon kasi kung asan ako, nandun din sya. Tapos hindi nya ko sinusundan??
Iba talaga kutob ko sa lalaking ito.
"Kumain ka pa" aniya at inabot ang isa pang longganisa
"Che! Wala na kong gana" at inirapan sya
Aalis na sana ako ng hawakan ako ni Adi sa balikat
"Ubusin mo yan" sabi nya habang pinandidilatan ako ng mata
Napakamot ako sa ulo at napilitang tapusin ang kinakain sa harap ng mokong na to
"So, pano ka napadpad dito Axel?" tanong ni Jaq.
"Galing daw sya province at nakakuha ng trabaho, dun din sa pinapasukan nyo ni Paris" sagot ni Gabby
"Pano mo nalaman ang company namin? San mo nakita?" tanong ulit ni Jaq
Mukhang pareho kami ng nararamdaman ni Jaq
"Sa website daw, matagal na daw nya pangarap makapasok sa company nyo" sagot uli ni Gabby
Napatingin kami dito at isa isa nya kaming tiningnan "Bakit?" nagtataka nyang tanong habang punong puno ng pagkain ang bibig
"Ikaw ba si Axel?!" mataray na sabi ni Jaq.
Natawa ito at nag peace sign
"Sorry haha, nakakwentuhan ko na sya kanina eh. Tinanong ko na din yan lahat" aniya
"Sorry kung medyo naiilang kayo sakin. I can go now, pero hindi ako masamang tao. Hehe, siguro nagkakataon lang ang mga bagay bagay at pangyayari" singit ni Axel
Nagtagpo ang tingin namin dahilan para masamid ako. Inabutan ako ng tubig ni Adi at hinaplos ang likod ko
Ako ba sinasabihan nya? See?? Ang weird nya talaga diba, kasi parang nababasa nya ang nasa isip ko!
"Uy, hindi. Walang problema samin. Kain ka lang jan." sabi ni Adi habang inaalok pa sya ng pagkain
"The more the merrier" singit ni Thalia habang nakatitig kay Axel at nakangiti
Omg, mukhang type nga sya ni Thalia.
~
Magkakasama kaming nakaupo sa may labas ng bahay habang nag babadminton sina Axel at Thalia. Mukhang nagkakasundo na sila agad -__-
Nakaupo naman sa lap ko si Bobby habang sinusuklay ang balahibo nya. Napaka behave naman nitong pusang to. Nakakatuwa, malambing pa.
"Soon, dadalhin ko dito si sunshine"
Napatingin ako kay Axel at napakunot ang noo
"Asan ba sya?" tanong ko
Lumapit ito at kinuha ang cellphone. Pinakita nya sakin ang puting pusa na may collar na pink. Super gandaaa~
"Hala ang cute! Bagay sila ni Bobby" sabi ni Gabby
"Nasa probinsya sya. Pero kukunin ko din sya, malapit na" sagot nito
Napascroll naman pa-kanan ang picture at lumabas ang picture nya na may kasamang babae na payat at maganda. Pero mukhang may sakit.
"Girlfriend mo?" tanong ko
Bigla nyang nilagay sa bulsa ang phone nya at umiling.
"Nope" aniya at bumalik na sa pakikipag laro kay Thalia
Hmmm. Para syang puzzle na kailangan kong buohin. Sumasakit ulo ko!
Naglakad ako papasok ng bahay pero bago pa ako makarating ng harap ng gate, nakita ko si Jaq nakatayo sa harap ng isang black na sasakyan. May kausap syang isang lalaki at natatakpan nya ito.
Napakunot ang noo ko at inaaninag kung sino ang kausap nya.
Biglang nanigas ang likod ko ng makita kung sino.
Si Jaxon. Ang kakambal ni Jaq! Kaibigan sya ni sir Ashton, at kung anong nilambot ni Jaq ay syang tinigas at tapang nito. Hindi din alam sakanila ang tunay na anyo ni Jaq. Dahil bubugbugin lang daw sya sakanila.
Matangkad ito at sobrang puti. Pero mas maputi pa din si Jaq. Napatingin ako sa balat ko, mas mapuputi pa sila kesa sakin.
Tumalikod ako at lumapit kay Adi.
"Nandyan si Jaxon" bulong ko
Agad syang napatayo at sumilip sa may bandang gate. Mukhang kinakabahan sya, anong meron?
Nanlaki ang mata ko ng makitang papalapit samin sina Jaq. Agad naman tumago si Adi sa likod ng bahay at sumigaw
"Pag hinanap ako, sabihin nyo wala ako ha!"
ANONG MERON?!
"Where's Adi?" tanong ni Jaxon ng makalapit samin
"Wala sya eh, bakit?" sagot ko
"Nandito lang sya kanina ahh" sagot naman ni Jaq
Pinandilatan ko sya ng mata at nagets naman agad nya
"Wala pala, umalis. Sige na. Susunod nalang ako mamaya" sabi nya sa kapatid at nagpaalam na ito samin
Nang tuluyang makaalis si Jaxon, kinurot ko sa tagiliran si Jaq at tinanong
"Anong meron? Bakit nya hinahanap si Adi?"
"Yan, workaholic ka kasi. Huli ka na sa balita" singit ni Thalia
Napakunot ang noo ko at inabot si Bobby kay Axel
"Hawakan mo" sabi ko at hinarap silang tatlo
"Bakit?! Anong meron?? Bakit may hindi ako alam??" mataray kong sabi
"Hinaan mo boses mo, baka marinig ka ni Adi" sabi pa ni Jaq
Ano ba kasing meron?!!
~
"Omg. So, he likes Adi" sabi ko habang nakatulala sa kawalan
"Hindi pa ako sure eh, pero lagi nya saking hinahanap. Sinasabi nya na may hindi pa daw sila natatapos na usapan" sabi pa ni Jaq
"Ganda ni ate Adi! Pakak ang ganda" nakangiti kong sabi
"Shhh" saway ni Thalia
Napakunot ang noo ko at tiningnan sya
"Ayaw nya pag-usapan si Jaxon" dagdag pa nito
Sa gwapong iyon? Ayaw pag usapan? Nagsimula pala ang kanilang kwento nung unang lipat ko dito, nag inom kami noon pagkagaling ko ng trabaho at halos lahat ay lasing. Hindi ko lang maalala kung nalasing din ba si Adi o hindi. Dumating si Jaxon para hanapin si Jaq. At silang dalawa ang nagkausap. Omg, na love at first-sight sa ate mo. Gandara!
"Nge, bakit naman? Hindi ba nya gusto si Jaxon?" tanong ko pa
Natahimik kami ng dumating na si Adi, tulala ito at mukhang wala sa mood. Isa isa kaming umayos ng pwesto, dahil halata sa pwesto naming pinag chichismisan namin sya.
Inabot naman sakin ni Axel si Bobby at nagpaalam na
"Uuwi muna ako" aniya
Nagtango lang ako, sinamahan naman sya ni Gabby.
"Uuwi na muna din ako, later nalang uli huh" paalam din ni Thalia at isa isa na silang umalis. Naiwan kami ni Adi sa sala
Habang nagcecellphone sya, hinihimas himas ko naman ang katawan ni Bobby. Hindi ako sanay na ganitong tahimik si Adi na parang may gumugulo sa isip nya at hindi nya sakin sinasabi
Huminga ako ng malalim at binitawan si Bobby para makapag lakad lakad sya sa loob ng bahay. Tumabi ako kay Adi at sumandal sa balikat nya
"Pwede mo sabihin sakin pag ready ka na" sabi ko habang nakatingin sa kisame
Ramdam ko ang pag hinga nya ng malalim
"Lasing sya non" aniya
Umayos ako ng upo at tiningnan sya
"Ano nangyari? May masama bang nangyari nung gabing yun? Sabihin mo at uupakan ko yang Jaxon na yan" syempre biro lang yun. Hindi ko kaya upakan yun no. Baka balikan naman ako ng boss ko. Baka si Jaq kaya nya upakan kapatid nya hehe
"Sayo ko palang to sasabihin, walang alam sina Thalia. Ayoko pag usapan to lalo pag nandito si Jaq. Nahihiya kasi ako" aniya
Yumuko ito at pinaglaruan ang palad
"Wag ka mag-alala, walang makakaalam na iba" sagot ko at hinawakan ang kamay nya
Tumango tango sya at tiningnan ako
"Nung gabing yun kasi, magtatapon na sana ako ng mga boteng ginamit natin nung mag inom tayo non. Tapos sakto dumating sya. Hinahanap nya si Jaq kasi may okasyon din pala sakanila pero di sya umuwi. Nakainom na din sya non at pati ako, pero hindi ako lasing" panimula nya
Umayos sya ng upo at kinuha ang isang unan, nilagay nya yun sa ibabaw ng hita nya at iyon ang pinag laruan
"Nung una, akala ko lang kung sino, hindi ko sya napapansin. Pero nung lumapit sya sa gate dun ko sya nakilala. Tapos ang pula pula ng pisngi nya, amoy alak talaga sya. Pinapasok ko sya at pinaupo sa may gilid, ginising ko si Jaq kaso tulog talaga sya, ni hindi nga kumikibo kahit ginigising ko. Tapos nagkakwentuhan kami, kwentuhan lang naman talaga dapat pero napadikit yung braso ko sa braso nya. Napatitig sya sakin tapos hanggang sa ayun"
Hindi na ata ako humihinga mula nung umpisahan nya ang kwento nya, ganito ata kapag chismosa. Natritrigger kapag nabibitin sa kwento. Pinandilatan ko sya ng mata, na parang ituloy-mo-na-ang-kwento look
Huminga uli sya ng malalim at kinurot ako sa braso
"Ara---"
"Hinalikan nya ako"
Nawala ang kirot ng kurot nya at nanlaki ang mata ko sa narinig.
OMG. Sya ang first kiss ni Adi!
At sa tipo ng babae ni Adi, sya yung pinahahalagahan ang mga ganung bagay. Mahinhin na babae sya at no boyfriend since birth! Maganda ito at may malaman na pangangatawan. Hindi na nakakapag takang magugustuhan sya ng mga mayayaman at mga gwapo dahil pansin na pansin ang ganda nya, morena ang kulay nya na lalong nakapag paganda sakanya.
"Kaya pala ayaw mo sya pag-usapan at makita" sabi ko, hindi ko maitago ang gulat sa mukha ko kaya natawa sya sa reaction ko
"Oo, saka dapat kinakalimutan na iyon. Pero kinukulit nya ako at humihingi pa sya ng sorry. Gusto pa nya ko makausap. Alam ko namang sasabihin nya lang na isang pagkakamali lang yun. Kaya hindi ko na sya dapat makausap" aniya
May lungkot sa tono nito at parang pinipilit nya lang na iyon ang isipin at sasabihin ni Jaxon. Hinawakan ko sya ulit at hinaplos ang kamay
"Try mo. Try mo pakinggan kung anong sasabihin nya, malay mo iba sa iniisip mo" sagot ko
~
"Sa dinami daming araw, ngayon ka pa mala-late? Yari ka talaga kay sir Ashton!" bulyaw ko sa telepono kay Axel at saka ibinaba ang tawag
Napalingon naman ako sa boss ko na naka de-kwatro pa na upo, habang nakikinig ng music sa cellphone nya. Naka shades ito at sobrang chill lang sa gilid
Nakakapanibago talaga sya, parang hindi na sya yung dating Ashton na nakilala ko nung first day. Mas seryoso at tahimik na sya ngayon. Hindi nga lang nawawala ang yabang
"You know how much my shoes costs?" aniya nagpapalipas ata ng inip, walang ibang makausap kaya ako nalang ang niyabangan ng mga gamit nya. Magmula sa jacket nya. Ngayon nasa sapatos na kami
Umiling naman ako na animo'y interesado sa sapatos nya. Ni hindi ko nga alam kung anong sapatos yan
"Nike X Off-White to. Search mo nalang kung magkano haha" sabi pa nya
Ano daw? Bakit ko isesearch? Hindi naman ako bibili ng ganyan. Alam ko ding mahal mga gamit nya, syempre ikaw ba naman maging CEO ng isang kumpanya diba.
"Hundred thousand lang naman" dagdag nya habang pinapakita pa sakin ang sapatos nya
Nanlaki ang mata ko
Hundred thousand?? Para sa sapatos? Na iaapak mo lang naman sa lupa???
"Sir, So-sorry. Sorry po talaga late ako, na cancel po ba ang flight?" si Axel na hingal na hingal. Dapat lang talagang hingalin sya! Aba hindi ba sya nahiya sa boss namin? Bagong bago sya nalalate pa sya sa mga ganitong Business Trip.
"Akala ko ba na-briefing mo to Paris? Bakit sya late?" tanong ni sir Ashton
Sir namaaan ~ hindi ko naman alam rason nyang lalaking yan bakit sya late! Bakit parang kasalanan ko pa?
"Oo naman sir, per--"
"Anyway, let's go." pag bara nya sa paliwanag ko
Agad ko namang kinuha ang gamit at nang magkatinginan kami ni Axel agad ko itong inirapan. Pati ako mapapahamak pa sa kapalpakan nya.
"Hello girl, kamusta naman"
Nanlaki ang mata ko ng makita si Jaq na nakatayo sa unahan ko, hindi ko mapigil ang excite kaya kinurot ko ito
"OMG!! OMG! First time kita makakasama mag out of the country!" sabi ko
"Oo, pero wag ka maingay" mataray nitong sagot
Nagtaka ako pero bago pa mabuo ang naiisip ko, nakita ko na ang kapatid nito na kausap si sir Ashton kaya kumalma ako.
Hindi pala sya pwedeng mag inarte dito, kasama pala kapatid nya. So, sya nalang ibubully ko
"Sir Ashton, gusto ko po kasama si Jaq sa iisang kwarto pag dating natin sa hotel" paalam ko na ikinagulat nilang lahat
"Why??" si Jaxon ang sumagot
"Are you the girlfriend?" tanong ni Sir Ashton.
Marahan akong nilapitan ni Jaq at ramdam ko ang paghila nya sa buhok ko.
"Hindi po, pero gusto ko lang. Dalawang bed po" sagot ko habang nakangiwi
Pumayag ka naa~ Madami pa kaming pag chichikahan
"Wow, payagan mo Ashton. Kasi never pa nagpakilala yang si Jaq ng girlfriend samin. Malay mo, sya pala diba" matawa tawang sabi ni Jaxon
Napangiti ako at inaantay ang sagot ni sir Ashton
Tumalikod ito at inilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa
"No" sagot nito na ikinagulat namin ni Jaq